Tuesday, August 24, 2010

Epilogue

[LA's POV]

nakatapos ako ng college sa kursong computer engineering. asensado ang lolo niyo! syempre, andun pa rin ang barkada. ang dami ngang nangyareng magaganda eh, sana andito si Nicz para masaksihan 'to lahat no? nakapagmove on na rin ako syempre. pero hanggang ngayon, siya pa din naman eh. hindi na nagbago.

ayun nga, pagkagraduate ko, nagform kami ng band. tutal nga, sumikat yung banda namin sa subdivision namin. ayus na yun diba?! at ang pangalan ng banda namin "Kamilla's Band". grabe no, in memory of Nicz talaga yan :D

syempre, hindi naman maiiwasan na malaos kami. hindi rin nagtatagal ang kasikatan nu. mga 26 years old na ako nung natupad ko na yung wish ni Nicz. diba nga sabi niya sakin ako ang tutpad ng panghuling wish niya para sakanya. ang magkapamilya. nakilala ko si Andrea. nasa iisang kompanya kasi kami eh. kaya ayun, natutunan ko din naman siyang mahalin. may pagkakapareho nga yung ugali niya kay Nicz eh. pero syempre, kahit na siya yung naging asawa kong tunay, si Nicz pa rin by heart. hindi ko alam kung bakit. hindi ko nga alam kung tama o mali eh. bahala na.

may anak kami ni Andrea. dalawang lalake at isang babae. si Mark, Martin at Nicole. ako nga yung nagbigay nung pangalan nung bunsong babae eh. kaya nga paboritong anak ko yun eh :D

lumipas ang ilang taon. hindi rin kasi mapipigilan ang pagtanda diba? I'm currently 63 years old. balak ko ngang sunduin yung apo ko eh na anak ni Nicole. medyo gabi na rin kasi pati umuulan. kakatapos lang din nung cheerdance practice nung apo ko. ako na lang yung nagvolunteer na sumundo. hindi ko din alam kung bakit. trip ko lang.

madulas yung kalye nun. tapos wala pa masyadong ilaw. nakakatakot nga eh. hindi mo alam yung susunod na mangyayare. parang hindi mo mawari kung eto na ba yun? eto na ba yung senyas na matutupad na din yung pangarap ko.

natupad ko naman na yung kay Nicz diba? siguro pwede naman na yung panagarap ko na yung matupad. ano nga ba yung panagarap ko? simple lang. ang makasama siya ulit.

sino pa nga diba? syempre, si Kamilla Nicole Ramirez.

kinapitan ko ng mahigpit yung manibela. kinakabahan kasi ako pero hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba talaga ako. ang gulo ko rin no? malabo eh.

muntik ko na ngang hindi mapansin na may isa din kotse na papasalubong sa akin. taeeeeee

buti nakaiwas ako papunta dun sa kabilang lane o siguro kanina pa ako tigok. badtrip yung kotse na yun ah. lasing siguro nagdradrive nun. hay nako naman. napatigil na tuloy ako dun sa kabilang lane nung kalye. badtrip yung kotseng yan.

napabuntong-hininga muna ako bago maistart ulet yung kotse. lintek pa nga eh,ang tagal pa bago magstart. badtrip oh. ngayon pa 'to nagloko?! nangaasar ba talaga 'to?! tss.

medyo napansin ko na may malaking ilaw na papasalubong sakin. pagkatingin ko sa kanan ko..






isang truck na may kargang mga bakal...
isang truck na sobrang mabilis ang pagpapatakbo...
isang truck na may tulog na driver..
isang truck na hindi na kontrolado..


siguro eto na. parang wala akong naramdaman. pagpikit ko na lang, wala na ako sa totoong kinalalagyan ko pero sigurado akong naririnig ko pa yung mga pangyayari sa totoong mundo. pinakiramdaman ko muna ang lahat. narinig ko na yung wang wang ng mga pulis at ambulansya.

napakabilis ng pangyayare. naririnig ko na lang bigla ang mga doktor na nagsusumikap na buhayin pa ako. paulit-ulit nilang sinisigaw ang salitang `clear`.

narinig ko ang paghihinagpis ni Andrea at yung mga anak namin. andun din yung apo ko na susunduin ko sana. naiyak nga din siya eh. ewan ko kung makakatawa pa ba ako o iiyak na rin lang ako. huling tingin ko na rin naman sakanila 'to eh.

siguro eto na rin naman yung tamang panahon para makasama ko ulit siya.

**teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet**

yun na ang senyas na wala na akong buhay sa lupa. pero dito, syempre makikita ko na kasi ulet yung dahilan kung bakit pa ako nabuhay eh.

nasabi nga niya sakin dati na "minsan may dadating sa inyong tao na magkakaroon ng malaking parte sa buhay niyo para ibigay sa inyo ang mga bagay na wala kayo ngayon..."

para sakin siya yun. siya ay mayroong napakalaking parte sa buhay ko tsaka siya ang nagturo sakin kung paano magamahal ng tama.

sa wakas, makikita ko na siya.

makikita ko na yung pangarap ko.

lumingon ako sa likod ko.

hindi na ako magugulat kasi andun siya. nakangiti.

andun si Kamilla Nicole Ramirez.













at wala na akong mahihiling pa kasi lahat natupad na.


END

1 comment: