[ Nicz's POV ]
kiniss niya ako?! i mean it's yuck. kadire. napagpasapasahan na yung lips niya sa ibang babae tapos babagsak din pala sa kin. ewwness.
pero bakit ganun?! kinakabahan ako. waa. in someway naman kasi anu.. ayokong sabihin pero medyo kinikileg ako. haaay :))
mabilis na nagdaan yung mga araw. malapit na rin yung pasukan ko sa bago kong school. and hindi ko na rin nakita si LA. nakakapagtaka naman yun pero siguro, nagkameron na siya ng maraming maraming mga girlfriend. tapos hindi na rin siya nagtetext at nagmimissed call. eh di masaya?! walang magulo pero medyo namimiss ko siya. kahit labag sa kalooban ko. 2 days na lang pasukan na, kaya naman bumili na ako ng mga school supplies ko sa National Bookstore. luckily, hindi ko nakita si LA. HAHA. ang swerte ko naman.
~June 12
yun, pasukan na namin. start na naman ng mga madudugong mga lessons. and last year ko na rin 'to as a high school student. haaay :))
malaki yung school. tapos ang ingay. ang dami kasing mga estudyante. halo-halo kasi ng elementary, highschool at college dito eh. makikita mo dun bandang malapit sa fountain, mga naglalandian na mga elementary students.
grabe ah, elementary pa lang, may kaalaman na sa panglalandi. ano ba naman yan?!
dun naman sa bleachers sa may fields, andun halos yung mga high school students. mas magulo dun tsaka ang daming nag p-PDA. kaderder eh.
dun naman sa hallway, andun yung mga college students. medyo maayus naman sila pero may iba pa rin na nakikipaglandian. di ba dapat sila yung maging mga model students kasi sila yung mga matatanda. sila pa nga ata yung pasimuno sa pakikipaglandian eh.
syempre, san pa ba ako pupunta?! dun sa bleachers. nagtitinginan lahat sa akin yung mga high school students. napatitig nga sa akin yung isang lalaki eh. nagandahan siguro sa akin. HAHA. umupo ako dun sa dulo ng bleachers. medyo nagkameron talaga ng moment of silence nung dumaan ako pero nabasag din yun nung nagkwentuhan na tungkol sa kung ano-ano mang bagay. grabe, ang ingay oh. nagulat naman ako may babae na tumabi sa akin.
"Hi.. new student ka di ba??" wow. ang friendly naman niya. :))
"aah.. oo.. ikaw??"
"hindi.. andito lang ako para i-entertain ka.. member kasi ako ng welcoming committee.."
"oh?! talaga.."
"by the way, ako nga pala si Kathlyn.. tawagin mo na lang akong Kat.. you are??"
"Nicole.. pero Nicz na lang itawag mo sa akin.."
"sige.. I'm very sure that we will be great friends.."
nagkwentuhan kami tungkol sa mga kung anu-anong bagay tulad ng dati kong school, hobbies ko at personal life ko. friendly talaga siya tapos ang bait kaya naman ang bilis din naming maging magkaibigan.
"promise.. magiging masaya ka dito.. lahat naman dito palakaibigan eh.."
"mukha nga eh.."
nagulat naman ako, lahat ng mga students tumahimik. hala, anung meron?! may artista ba?! si Robi Domingo ba andito?! waaa. asan?? pupunta na ako pag andyan siya. :))
"ui.. bakit tumahimik??" feeling ko ako lang talaga yung nagsasalita. nakakahiya naman.
"teka .. lalabas na sila.."
"ha?! sinong sila??.." di ako makarelate. ano ba kasing meron?! sinong lalabas?!
may kotse na naka park dun sa harap nung school gate namin. tapos may naglabasan na 5 estudyante. sus. students lang pala eh. bakit kailangang tumahimik?! ang corny naman.
"ano ba yan?! estudyante lang pala.. akala ko pa naman si Robi.."
"tongaks.. hindi lang sila basta estudyante noh?!"
"ha?! ano sila abnormal na estudyante??"
"hindi.. sila lang naman yung pinakasikat, gwapo at as in super inadmire ng mga babae dito.. pero lahat sila pasaway except dun kay Nathan tapos may banda rin sila tapos ang galing talaga nila.."
"oh?! ano ngayon?! bakit kailangang tumahimik?!"
"ewan ko kasi basta pagnakikita sila ng mga tao dito napapatulala sila.."
"ngek.. akala mo naman kung sinong gwapong artista?!"
"well.. sila ang artista dito sa school namin" ngek. mukha namang mayayabang.
tinititigan ko yung 5 taong naglalakad. yung nasa gitna naka shades. tapos yung dalawang tao na nasa left and right niya, panay nakangite. tapos yung isang lalaki. aba, nakatingin kay Kat. tumingin naman ako kay Kat. aba, nakatingin rin siya dun sa lalaking nakatingin sa kanya.
"ui.. sino yung katinginan mo dyan??"
"si EJ... ang cute niya talaga.." EJ?? teka parang narinig ko na yung pangalan na yun teka ha.. titigan ko nga ulit. may nakita akong dalawa pang lalaki na nasa dulo. yung isa may pagkakenkoy ang dating. yung isa naman seryoso yung tingin. ano ba naman yan?! nung padaan sila dun sa mga elementary students, nagmake way pa talaga yung mga students. hala, ano yun?! parang ginawang mga prinsipe yung 5 yun.
"ano ba naman yan?! kung tratuhin parang mga prinsipe.."
"ano ka ba prinsipe talaga sila.. mukha pa lang eh?!"
ows?! di nga. mukha lang mga ewan eh. parang lang mga tanga.
"mga high school students ba yung mga yan?!"
"oo..."
kaya naman papalapit sila dun sa may bleachers. tapos nun, umingay na ulit. tapos na ang grand entrance. sus, akala ko pa naman may dadating na super gwapo. mga sikat na gwapo DAW na high school students lang naman pala. HAHA.
nakita ko naman , na lumalapit yung grupo nila sa amin. teka ha, medyo tinitigan ko ulit yung 3 tao na nasa gitna. aba, teka. parang kilala ko yung mga yun.
"LA?? Ethan??! EJ?!!"
bakit sila andito?! hala, baka maging classmate ko sila. putek! kinuha ko kaagad yung panyo ko para takpan yung mukha ko. sana hindi nila ako makilala. please. please. Lord.
sana hindi nila ako mamukaan. waaaa. Lord, kunin nyo na ako. now na! basta wag lang ako mamukaan nila LA.
"hi EJ!!!" eto naman si Kat oh?! nakikipaglandian pa kay EJ!!! nakakaines ah.
"oh?! Kat.. kamusta naman yung pagiging member mo ng welcoming committee??"
sumilip naman ako sa kanila. hala, nakatingin sa akin si LA. shet! ano ba naman yan?! kinakabahan na ako. please, sana hindi na niya ako mamukaan!!!
"masaya naman.. nakilala ko na nga ngayon yung bagong student.."
"yan ba siya??"
tinuturo ako ni EJ. shet naman oh?! bakit pa kasi si Kat yung na-assign na magentertain sa akin?! malas ko talaga oh?!
"aahh.. oo.. siya nga pala si.." please don't say my name. please don't.
"Nicz.. yeah we know her.." patay na ako.
Monday, December 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment