[ Nicz's POV ]
~July 12
tsk.bilis din pala ng takbo ng panahon. di ko rin namalayan yun ah. HAHA.as usual, after ng classes, tumambay na naman si LA sa balcony namin. nakikilala na nga siya ng family ko eh. sabi nga ni Ate Niobe, bagay daw kami ni LA which makes me feel kileg naman. HAHA. akalain niyo yun, bagay pala kami ni leading man. if ever na leading man ko nga siya. tsk naman oh?!
"Ate Nicz!! andito na si Kuya LA!!" akalain niyo yun ka-close na ni LA si Nico. naging magkaibigan sila nung napa-level up ni LA yung character ni Nico sa laro sa gameboy niya. ewan ko kung anung laro yun eh basta ang mahalaga, close na sila. pwede akong magpalakad kay Nico. HAHA. joke. umasa pa ako?! tsk.
lumabas agad ako ng bahay namin, syempre sabik akong makita si LA eh.
"oh?! ano na namang kailangan mo??"
"tsk. eto naman oh?! nadalaw lang ako.. namimiss ko na yung bestfriend ko eh!!" tsk. kung pwede lang sana palitan yung "bestfriend eh". kung pwede lang sana na palitan yun as "love". di ba?! kaso nga lang hindi pwede. ano nga lang ba ako sa kanya? hindi hamak na kaibigan lang di ba? tsk. ang hirap naman ng ganito oh?!
"ikaw talaga nambola pa!" syempre, umupo kami dun sa bench ng balcony namin. HAHA. ang saya ng ganito. parati kong nakikita si LA!!
"oh?! LA!! andito ka pala.. gusto niyo ba ng juice??" oh tingnan niyo si mama naging close na din si LA. minsan nga hindi na yan nagugulat na bumibisita dito si LA eh. sanay na daw kasi eh. HAHA.
"wag na po.. hindi na kailangan.."
"oh sige basta pag may kailangan kayo dyan.. sabihin mo lang sakin ah..." tapos may tumawag kay mama. boss nila ata ni ate sa trabaho. tapos pumasok siya sa loob ng bahay. at last, some alone tim with LA. HAHA.
"kuya LA!! talunin mo nga muna 'tong kalaban ko!" tsk. panira naman ng moment si Nico eh. di ba sabi ko some alone time muna with LA?! tsk naman oh?!
"hay nako Nico!! mamaya na yan... iwan mo nga muna kami ni LA dito!!"
"si ate naman oh?!"
"sige na.. next time na lang natin yan talunin... nagseselos na ata ate mo eh!?"
"sus.. si ate naman ayaw pang aminin may gusto naman siya kay Kuya LA?!!" tama bang bukingin ako?! tsk
"tumahimik ka nga?! umalis ka na nga dun..."
"sige na nga.. nasisira ko ata moment niyo dito eh?!" tsk. ibang klase talaga yung kapatid ko noh?! kaya naman yun umalis na siya. buti naman alam niya na nakakasira siya ng moment namin?! HAHA.
"ikaw ah?! may gusto ka pala sakin?!"
"ha?! wala ah?! wag ka nga maniwala kay Nico?! nagloloko lang yun.."
lumapit naman siya sakin.as in yung linapit niya yung mukha niya sa mukha ko. tsk. kinakabahan tuloy ako. tapos lalong bumibiles yung bawat pagtibok ng puso ko. feeling ko magcocollapse na ako anytime. ano bang balak niya?! hahalikan niya ba ako?! kung yun ang balak niya, go for it! HAHA. joke lang. asa naman ako na yunyung balak niya pero feeling ko namumula na ata ako. nagiging parang tomato face na tuloy ako. waaa. naiilang na ako. Lord, kailangan ko ang presence niyo. save me from his mga nakakatunaw na tingin. bakit ba ganito siya tumingin sakin?!"
"bakit ba ang lapit lapit ng mukha mo sakin?!! lumayo ka nga.."
"eto naman oh?!" dumistansya naman siya sakin ng kaunti pero medyo malapit parin siya sakin. tsk. napapansin niya na ata na namumula ako. pano ba naman kasi?! hindi ko mahide yun kakiligan ko sa kanya?! tsk. "teka.. bakit ka namumula??!!"
buking na ako. patay na. tsk. halata bang namumula na talaga ako?! ano ba naman yan?! nakakaines ah. ano naman kaya reaksyon niya sakin?! tsk naman oh?!
"alam mo.. Nicz.. may napapansin ako ngayon sayo..." teka... anung napapansin niya sakin?!
hindi kaya alam na niya na may feelings ako sa kanya. siguro, sinabi ni Nico sa kanya. si Nico naman kasi pakielamero sa mga gamit ko. yan tuloy may nalaman na importanteng bagay. badtrip naman oh?! mamaya ko na sasabihin sa inyo yung gamit na yun.
"ano napapansin mo??"
tsk. kinakabahan na ako. parang lalabas na yung puso ko from my chest. tsk. ano kaya ang gagawin kong palusot pag nahahalata niya na masaya ako pagnaandyan siya??!
"napapansin ko lang na..."
napatigil pa eh. pasuspense pa?! nakakaines?! grabe, lalo tuloy akong kinakabahan. tsk.
"wag mo na nga patagalin.. ano kasi yun?!"
"may dapat ka bang aminin sakin?!"
shockersz?! ano ba 'to?! kinakabahan na tuloy ako. alam na nga niya ata?! lagot talaga sakin mamaya si Nico!? siya ang sisisihin ko sa lahat ng ito.
baka masira ang friendship namin ni LA kung malaman niya 'to...
"ha?! wala naman eh.."
"sure ka?? wag ka naman magsinungaling sakin.. di ba magbestfriends tayo??"
tsk. dapat ko na bang aminin sa kanya?? hindi ko kaya. Lord, kunin niyo na ako. nahihirapan na ako!!
"wala naman talaga eh.."
"di ba dapat no secrets ??"
ugh! kinokensensiya niya ako. ano ba yan?!
"bakit?? may nalalaman ka ba??"
"oo.. may nalalaman ako.."
waaa. alam na niya?! grabe, hindi ko na kaya 'to?! mamatay na ako. shocks!?
"sige.. anu yun??"
kinakabahan na tuloy ako. ano ba yung nalalaman niya?! nakakaines. natatakot na ako. tsk. please, can someone save me here?! SOS na 'to?!
"gusto ko lang sana itanong sayo.." lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"nagda-diet ka ba??" tsk. yun lang?!
"ha?!"
"kasi napansin ko na minsan ka na lang nakain ng lunch.. nagdadiet ka ba?? naiinsecure ka ba sa figure mo??"
ang weird naman niya. hindi naman ako nagda-diet eh.
"kasi... hindi mo na kailangan magdiet... slim ka pa naman eh.. tapos sexy ka pa rin.. walang nagbago sayo.. you're still the same beautiful Kamilla Nicole Ramirez.."
nginitian ko naman siya. tsk. grabe siyang mangflatter ah?!
"promise.. hindi talaga.. minsan kasi hindi na nakakapagluto si mama eh.."
"ganun ba?! kawawa naman ang bestfriend ko!?!"
"tumigil ka nga??!!"
narinig ko naman na nagsisigawan na si Ate Niobe at si mama sa loob. parang nagwawala pero halatang masaya. grabe ang ingay oh?!
"ma.. ano ba yan??"
lumabas naman si Ate Niobe at si mama sa balcony namin.
"hindi muna kami uuwi for some couple of days.. may business trip.. once in a life time na lang 'tong ioofer samin ni Niobe ng boss namin.. grabeng promotion 'to kung ganun?!!"
"oh?! talaga.. congrats ma.. si Nico na lang pala kasama ko dito?!"
"ikaw kasama ko?! tsk.. ayoko nga.." ang sama ni Nico. hmf! HAHA.
"ma.. pwede ba muna ako magstay ka na Kuya Arvyn.. gusto ko dun.." well. si Kuya Arvyn lang naman yung 2nd cousin namin. yung bahay nila malapit lang sa school ni Nico. minsan dun nagste-stay si Nico pag gabi na siya nakakauwi. tsk. magisa na naman ako ah.
"ok.. ikaw bahala.. basta bukas na ang alis namin ni Niobe.. oh?! basta ikaw Nicole.. ikaw na bahala sa bahay tapos ikaw LA.. ikaw na bahala kay Nicz.." tsk. si mama talaga oh?!
"Niobe.. ayusin mo na yung gamit natin para bukas.."
"oh.. sige ma.. ako na bahala dun.."
"at ikaw naman Nico.. handa mo na rin gamit mo.. papunta kay na Arvyn.."
"ok ma.." pumasok naman na si Nico sa loob ng bahay.
"Tita.. pwede po ba minsan matulog si Nicz sa bahay namin?!" ako?? matutulog sa bahay ni LA?!
"sure!! basta ikaw na bahala sa kanya.. okay? may trust naman ako sayo eh.." sabay pasok ni mama sa loob ng bahay. tutulungan niya si Nico at Ate Niobe sa pagaayus ng gamit.
"narinig mo naman yun??!! matutulog ka sa bahay namin??"
"seryoso ka??"
"oo.. bukas.. friday naman bukas eh.. tapos wala si papa at mama bukas.. si kuya lang naandun kaya ayus lang.."
tsk. papayag ba ako?
"sige na.." kelan ba ako makakatanggi sa kanya?! HAHA.
"oh?! sige alis na ako... sabay tayo bukas ng umaga pumasok aah.."
"sige basta ba mahihintay mo ako.."
"oo na.. matagal naman na akong naghihintay sayo eh"
"ha?!"
"wala.. sige babye na.."
binuksan ni LA yung gate then waved goodbye. HAHA. syempre, ako pumasok na ng bahay. nagkakagulo na sila Ate Niobe. grabe, halatang excited oh?! HAHA.
pumunta ako sa kwarto ko. ipapaalam ko na sa inyo kung ano yung pinakielaman na gamit ni Nico?! tsk. binuksan ko yung drawer ko. tsk . eto na. notebook siya. ganito yung itsura:
4 pages ng notebook pinuno ko ng pangalan ni LA. hindi naman halatang adik noh?! HAHA. halata rin hindi napapagod. tapos yung iba linalagyan ko ng:
Kamilla Nicole Dominguez
nagiilusyon ako na magiging Dominguez din ang surname ko. HAHA. kasi naman..
I never get tired of writing my name with his surname :)
Thursday, December 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment