Monday, December 21, 2009

` Chapter 1

[ Nicz's POV ]
nagpaalam ako kay mama na pupunta muna ako ng SM para maggala. tsaka mamimile na rin ako ng mga kung anu-anong bagay. and syempre, pinayagan ako. HAHA.
nanuod muna ako ng sine. pinanuod ko yung New Moon. ang gwapo ni Jacob Black oh. wahaha :))
kahit na magisa lang ako. masaya pa rin ako noh?! nasa harapan ko naman si Jacob Black. shet! ang gwapo talaga eh. pero hindi ko rin masyado naenjoy yung movie. paano ba naman?! yung couple na nasa harapan ko, naglalandian. nakakaines eh.
nakita ko naman inakbayan nung lalaki yung babae tapos hinalikan nung boy yung noo nung girl. ano ba naman yan?! ang lalandi?! di na nahiya.

"stop.. LA.. nakakahiya na oh?!"
buti naman yung babae. may kahihiyan pa.
"anung nakakahiya dun?? we're together naman eh.." hinawakan naman nung boy yung kamay nung girl. eto namang babae na 'to, bumigay kaagad. nagpahawak pa rin ng kamay. ano ba naman 'tong babae na to?! napaka chipangarutay!!

"sige na nga..." then yun. nagtatawanan sila. naghihipuan na ata dun. grabe ah, anu kaya ang sinasabi ng mga magulang nila sa kanila. grabe .. ang ingay nila. eto na yung part na naguusap ng masinsinan si Jacob at si Bella. tapos sila nagtatawanan. aba, pigilan niyo ako. sasapukin ko 'tong mga 'to eh.

"ano ba naman yan?! nakikipaglandian pa.." oh my ghad! di ko na napigilan yung bibig ko. tanga ko naman oh?! napatingin naman sa akin yung lalaki. pero yung babae ata hindi narinig. napakunot ako ng noo. anu yang tinitingin-tingin niya?! syempre, inirapan ko na lang yung lalake. nakita ko naman, di na siya nakatingin sa akin. whew! akala ko . aawayin ako eh. HAHA. pagkatapos nung movie, at last, wala na rin ako sa lugar ng mga naglalandian. grabe, nandidire ako sa kanya. san naman kaya ako pupunta?? hmmm... may malapit na Starbucks sa SM kaya naman dun muna ako tumambay. oh di ba?! sosyal ako eh.
habang umiinom ako ng Caffe Mocha, may namataan naman akong dalawang couple na nasa isa pang table. nakita ko naiyak yung babae. ohh.. ano kayang nangyayari dun?! siguro nakikipagbreak yung lalaki dun sa babae. ohh. naawa ako dun sa babae. mukha talagang mahal niya yung babae. nakita ko naman, aba, umalis na yung babae. nagwalk-out. grabe ah, nakakaawa. napatingin ako dun sa lalaki. medyo naiinis ako sa kanya. di man lang niya sinundan yung babae. lumingon sa akin yung lalaki. laking gulat ko, aba, yung yung lalaki sa sinehan ah!!! di ba may iba siyang kasama dun sa sinehan. kinabahan agad ako. kaya naman di ko na inubos yung Caffe Mocha ko. umalis na agad ako dun sa Starbucks. bumalik ulit ako ng SM. pumunta muna ako dun sa may National Bookstore para bumili hunger games na libro. HAHA. syempre, una kong hinanap yung hunger games. grabe ah, ang hirap hanapin dito. ang daming mga libro oh?! tapos hindi pa ako sanay dito. dun kasi sa laguna, madaling mahanap yung sa SM sta.rosa eh. nakakaines naman oh?!
"uhmm.. miss.. wala na bang hunger games dito??"
"wala na po eh... may bibili na po kasi nung last stock eh.."
so ibig sabihin nun, di pa nabibili kasi may bibili pa lang. kaya naman hinanap ko yung tao na may hawak nung hunger games. halata ring adik noh?! HAHA. susuko na ako sana nun, nung may tumapat na lalaki sa akin. unang nakita ko yung librong hawak niya. shocks! hunger games yung hawak niya!! tiningnan ko yung mukha nung lalake. aba, siya na naman. yung lalaking nakita ko sa movie at sa Starbucks.


"kanina mo pa ako sinusundan ah?! alagad ka ni kuya noh!?" anung alagad na sinasabi neto?! bangag ata 'to eh.
"alagad ka dyan?! di kita maintindihan ah.. nakainom ka ba??"
"basta alam ko marami kang nakita.. wag mo na lang sabihin kay na kuya ah.."
"ha?! sino bang kuya mo??!!"
"kanina mo pa kasi ako sinusundan?!! yung kuya ko kaya laging nagpapadala ng kung sino-sino para bantayan bawat galaw ko.."
at ngayon, ang ganda ng pinadala niya ah. first time. sexy pa. HAHA
"wala talaga akong maintindihan sa pinagsasabi mo.. pero pwede bang ako na lang yung bibile nung hunger games??"
"eto ba ang gusto mo??"
"oo.. yan..please naman oh.."
binigay niya sa akin yung hunger games. at last, na sa akin na 'to. nung paalis na ako, hinawakan ni unknown guy yung kamay ko. yung tipong pinipigilan niya ako.
"oh?! anung problema mo??"
"name mo muna?!!"
jackpot ako dito. HAHA
"ha?!"
"binge ka ba??.. sabi ko pangalan mo.."
"ah.. eh.. Nicole.. for short Nicz.. "
may topak pa ata tong lalaking to eh.
"kaya naman bitawan niyo na po ako.." aba, hinigpitan pa lalo ang hawak sa akin.
"number mo??"
"ha?!"
kinuha niya yung cellphone niya sa pocket niya at binigay sa akin.
"lagay mo dyan number mo.. pag lang mali yan at hindi kita natext.. lagot ka sa akin.." ugh! syempre linagay ko yung number ko para matapos na ang lahat ng 'to.
"o yan na.." b
inigay ko sa kanya yung cellphone niya.
binitawan niya naman na ako. at last.
"nga pala.. di naman pwede na hindi ako makipagkilala sayo di ba?!" nginitian niya ako. bakit ganun?! ang cute neto ah! pero eww pa dn. HAHA
"Ako si LA.. short for Lorenz Austin.."
"ah.. oo sige na.. babye na LA..."
umalis na agad ako. ayaw ko na makita yung weirdong lalaking 'to! grabe naman. binayaran ko agad sa cashier yung hunger games at umalis kaagad. umuwi agad ako ng bahay. ang weird naman talaga ng mga pangyayari
ngayon.

nung gabi, bago ako matulog. syempre, chineck ko yung cellphone ko. hala, may text message from an unknown number. si LA na 'to siguro.


From: 0917*******
hi Nicz. LA 2. gus2 m bng twagan kta?

tawagan?! abnormal pala 'to eh?!

To: LA
wag na..

From: LA
hinde.. gusto kong tawagan ka..

sinarado ko muna yung pintuan ng kwarto ko. baka kasi kung ano isipin ni mama eh. tinawagan nga ako ni LA. yaman din pala sa load eh.
"ano?! bakit ka ba tumawag??!"
"wala.. namiss kita eh"
ulol pala to eh. binababa ko naman na yung cellphone ko tapos yung tumawag na naman ulit
"ano na naman?!!"
"matutulog ka na ba??"
"oo.. kaya wag mo na ako tawagan!!"
"teka wait lang gusto ko sanang sabihin sayo na... good night.. sweet dreams at i love you so much!!"
"ulol!!"
binababa ko agad yung cellphone ko. grabe, ang lande ng lalaking 'to.
in-off ko na yung cellphone ko para wala ng mambubulabog. pinilit kong makatulog pero bakit ganun, hindi ako makatulog. shet naman oh?! di ko pa rin nakakalimutan yung LA na yun. ano ba naman yan?!!
binuksan ko ulit yung cellphone ko. aba, 10 missed calls. lahat galing kay LA.
ano bang balak neto?! close ba kami?!
tumatawag na ulit siya. oh ano?! sasagutin ko ba?! siguro naman, wala namang masamang kausapin siya di ba?! haaaay. sinagot ko nga yung tawag niya. tapos ang sabi pa niya sa akin.






















"Hi babe.." ulol. binaba ko agad yung cellphone ko. babe ka dyan?! ulol! di ko na talaga sasagutin tawag niya noh!?!


No comments:

Post a Comment