Ako ang dakilang pasaway sa pamilya ko. parang ngang di ako kapamilya ng Dominguez Family eh. matino daw kasi mga tao dun eh at ako hindi. pero bago ang kung anu-anung bagay, ako nga pala si Lorenz Austin Dominguez. For short, LA. tawag sa akin ng pamilya ko Lorenz kaya naman nababagot talaga ako. ayoko ng pangalan na yun. walang bahid ng kaastigan. ang corny nga talaga ng pamilya ko eh.
"Lorenz... kamusta na nga pala studies mo??" yan si Leandro Arvin Dominguez. ang kuya kong saksakan ng talino. siya ang paborito sa amin. palibahasa, mabait at matalino. pero never pa nagkakagirlfriend. kaya nga siguro, tatanda yang binata eh. nagtratrabaho na rin siya. may sarili nga siyang business eh. siya na rin ang nagpapa-aral sa akin.
"wala... ganun pa rin.." sabi ko habang tinotono ko yung gitara ko. mahilig kasi talaga akong maggitara eh. sa totoo lang, may banda kami ng mga kaibigan ko at ako yung lead.
"anung ganun pa rin?! panay bagsak.." pssh. well sa totoo lang, may talino naman ako kahit papaano. pumapasa naman ako sa mga subjects ko eh. isa lang talaga ang binagsak ko. nung 4th quarter ng 3rd year high school, ang algebra. alam niyo ba kung bakit.. ngayong malalaman niyo na. kasi naging girlfriend ko yung anak nung teacher namin sa algebra. eh dahil ako ay napakagwapo at maraming nagkakandarapa sa akin at mabait naman talaga ako, marami akong nagiging girlfriend. nung nakipagbreak ako dun sa anak nung teacher namin, aba nagalit naman sa akin tong teacher ko. kaya naman binagsak ako. unfair noh?! masama ba talagang maging mabait sa mga babae. di ko naman sinasadya saktan yung anak niya eh. tsaka minahal ko yung anak niya kahit na one minute lang. HAHA. pero syempre, hindi ako apektado. ang dami kasing babae eh. tapos ang unti ng oras tsaka tutal naman nangbabae si papa. kaso nga lang puro matatanda ang pinupuntirya. mas maganda pa nga si mama dun eh. eto naman si mama, kahit na ilang beses niyang mahuli si papa na may ibang matandang babae na kasama, pinapatawad pa rin niya. ganyan naman siya eh, laging nagpapakatang pagdating kay papa. kaya nga madalas na siyang naloloko ni papa eh. gusto ko man siyang ipagtanggol pero bugbog ang abot ko nun kay papa.
"oh?! bakit hindi ka makasagot?!!"
"may iniisip kasi ako!" istorbo talaga yan si kuya.pagpasensiyahan niyo na.
"bakit ka ba kasi bumagsak sa algebra?? kung gusto mo ipapatutor kita.." tutor ka dyan?! asa! liligawan ko lang yung tutor pag nangyari yun. HAHA.
"nakipagbreak kasi ako dun sa anak nung teacher..."
"ang unfair pala nun eh!! dapat nating kausapin ang teacher na yun.."
"wag na nga kuya.."
"tsaka masabi ko lang sayo.. ang dami dami mong nagiging girlfriend, wala ka man lang dinadala dito..isang babae pa lang ang dinadala mo dito ah.."
asus. parang naman siya may dinala ng babae dito. ang yabang eh. at dun sa babae na tinutukoy niya, yun si Isabella. yung ex ko. naging kami nung 2nd year high school ako. sa totoo lang, siya ang kauna-unahan kong babae na sineryoso ko. kahit na 3 months lang kami, minahal ko talaga siya. pero ayaw sa kanya ni mama at papa. pati na rin si kuya. di ko alam kung bakit. kaya naman nakipagbreak siya sa akin nun.
"tapos ang dinala mo pa dito may dugong impakta.. kelan ka pa ba magdadala ng babaeng may dugong anghel.??"
"basta.. depende na yun kuya.." tumayo naman na ako at kinuha yung gitara ko. "sige kuya.. alis na ako may band practice pa ako.."
"o sige.. siguraduhin mo lang uuwi ka pa.."
"oo na.."
umalis naman ako kaagad. at last, nakawala na rin sa mga sermon ni kuya. dahil wala pa akong driving license, nagcommute muna ako. dahil mamaya pa namang hapon ang aming band practice, sinabi ko lang ngayong umaga para makipagdate sa MGA girlfriend ko. HAHA. syempre ngayong umaga, manunuod kami ng movie ni Cynthia. tapos makikipagbreak na rin ako kay Tricia. oh di ba planado?! tapos magkikita kami ni Mae sa National Bookstore. ayun naman pala eh. planado na ang lahat. kita niyo naman tatlo lang yan. may dalawa pa ako. kakadate lang namin kagabi. HAHA. eh kasi naman kesa naman isa lang di ba. syempre.
Two is better than One
hindi pala. Five is better than One!!
Monday, December 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment