Tuesday, December 22, 2009

` Chapter 11

[ Nicz's POV ]

"liniligawan mo si Kat??!!!" napatayo ako kaagad. aba, hindi ko hahayaang ligawan niya si Kat noh?! lolokohin lang niya si Kat. tsk. player kase. tsk.
"ha?! ui.. umupo ka nga.. pinagtitinginan na tayo ng mga tao.."
"pabayaan mo muna ako Kat.."
tiningnan ko naman si LA ng seryoso. "oi.. ikaw.. kung may balak kang ligawan si Kat.. dadaan ka muna sakin.. alam mo namang una ko siyang kaibigan dito sa school.. baka mamaya tumakbo sakin yan na naiyak dahil sayo.. kung mangyari man yun.. lagot ka talaga sakin.."

natawa-tawa naman si LA pati sila Ethan. tsk. anung nakakatawa dun?! mukha ba akong nagjojoke?! tsk. badtrip ah.

"oh?! anung tinatawa mo dyan?! tsaka.. hindi kaya ikaw ang gusto ni Kat.. alam mo ba kung sino?!!"
"sige nga sino?!"
hinawakan ni Kat yung kamay ko.
"Kat.. teka lang.."
"hindi mo kasi naiintindihan.."
"hindi.. naiintindihan ko ang lahat.!!"
tumingin ulit ako kay LA.
"alam mo ba na ang gusto ni Kat ay si EJ?!?!" nakita ko naman na nahiya si Kat pero ayus lang yun. dapat lang malaman ni LA na wala siyang karapatan para saktan si Kat. tama, proprotektahan ko si Kat. nakita ko namang nagulat din si EJ. "wala ka ng magagawa dun LA!! si EJ na talaga kasi yung gusto niya! so umalis ka na dito!! kasi wala ka na talagang pag-asa!" ganyan akong kaibigan. taga-protekta. HAHA.

"narinig mo yung EJ.. may gusto pala sayo si Kat?!!" ha?! bakit ganun ang reaksyon ni LA. lahat naman ng tao sa canteen nag sigawan ng "yiiiieeeee". tsk. bakit ganun?! parang iba yung nangyayare?!

"teka.. teka.. bakit ganito?!"
"tongaks ka kasi.. di ko kaya liniligawan si Kat.. si EJ ang nanliligaw kay Kat?!"

tumingin ako kay Kat. takang-taka na ako sa mga nangyayari dito?! tsk. di ako makarelate!!

"totoo ba??"
"oo.."
pabulong niyang sabi sakin. tsk. pero dahil ayokong mapahiya lalo na kung kaharap ko ang taong ubod ng yabang tulad ni LA, ipagtatanggol ko pa rin ang side ko.

"sige nga.. explain nga this situation.. bakit ikaw ang nagbibigay ng roses instead of EJ??" barado ka na dito. wahaha :))

"alam mo kasi.. natotorpe si EJ pagdating kay Kat?!!" lahat naman ng mga tao. naghiyawan na naman . tsk.
"kaya EJ.. di ba dapat ikaw na yung sumuyo ngayon kay Kat?!" eto naman si EJ. nahihiya pa. halata ngang torpe. hala, natatabunan na ako. nasasapawan na ako
. napapahiya na ako. tsk.

"dali ikaw na ang magbigay ng roses kay Kat?!!" tumayo naman 'tong si EJ tapos lumapit sa amin at kinuha niya yung roses kay LA.

eto naman si Kat, kung makatingin talaga kay EJ, parang sobrang dikit na dikit eh. tsk. ang lalandi.HAHA

"oh?! anung tinutunga-tunganga mo dyan, EJ?! di ba liniligawan mo si Kat??" tsk. pinapatagal pa kasi. ang torpe nga. HAHA.

"aah.. eh.."
"dalian mo na EJ.. nagagalit na si Nicz oh?! hahaha"
tsk. di naman siya kasali tapos nakikisali. epal. hmf!

tumayo naman si Kat tapos si EJ lumuhod sa harapan ni Kat. sabay hiyawan ng mga tao sa canteen. pati yung mga nagbebenta, nakiki"yiiiiiieeee" na rin. HAHA. pero sa totoo lang, nakakakileg yung pagluhod ni EJ kay Kat ah. ang cute nilang tingnan. inabot ni EJ yung roses kay Kat sabay sabi ng...
















"Will you be my girlfriend??" tsk. pwede namang will you marry na para tapos na ang lahat. HAHA. nagtinginan pa ng matagal yung dalawa oh. ang tahimik nun. hinihintay namin ang sagot ni Kat and at last... we heard her...

"sure.. why not?!" sweet yes. HAHA.

"okok.. tapos na.. wag na kayong manuod.. si EJ na at si Kat.. tapos na ang palabas!! so moment na nila 'to kaya wala ng manunuod?!!" tsk. epal netong si LA eh. nakikimoment pa. tsk.

"tumahimik ka nga.. ang epal mo eh.."
"at ikaw.. kung naiinggit ka sa kanila kasi wala kang roses.. di bale padadalhan kita balang araw?!"

nagtinginan lahat sakin yung mga estudyante. yung tipong sober gulat na gulat sila sa narinig nila. HAHA. pati nga ako nagulat din eh.

"tumahimik ka ah.." nginitian na lang ako ni LA. putek naman oh?! roses lang yan?! tsk.

pagkatapos ng lunch, syempre magkasama yung newly wed. couple este yung bagong magboyfriend. tsk. HAHA. HHWW pa sila oh. Holding Hands While Walking. cute talaga nilang tingnan oh?!

lickily, hindi aatend ang aming next period teacher. nagkasakit daw kasi ng beke ang kanyang anak. aww. kaya naman nagkwentuhan lang kami nila Rachel at Kat dito. eto namang si Kat, kanina pa hawak yung roses niya. linalasap pa eh. roses lang naman yun. tsk. HAHA.

"grabe ah.. at last Kat.. sinagot mo na din si EJ.. halos 3 years na yung nanliligaw sayo eh?!" oh?! talaga?! ang galing naman ni EJ kung ganun. nakapaghintay siya ng pagkataga-tagal. deserving talaga siya kay Kat kung ganun. HAHA.
"oo nga eh.. ang sarap pala ng feeling..hahaha" tsk. tingnan mo 'tong dalawa. palibhasa, silang dalawa may lovelife. ako lang ang wala. kaya nga hindi ako makarelate sa kanila eh. "pero teka Rachel.. di ba may gusto ka kay Nathan?!"
"ha?! saan mo naman yan nakuha?!"
histerical mode agad 'tong si Rachel. narinig lang pangalan ni Nathan.
"sabihin mo nga yung totoo.. magkakaibigan naman tayo di ba?!"
"ah.. eh.. wag niyo na lang sasabihin.. crush lang naman eh.."
"ikaw ah.. ang galing.. ako may EJ.. ikaw may Nathan tapos si Nicz.. hmm.. kanino nga ba??"
tsk. wala naman di ba?! "ah.. kilala ko na..!!"
"sino naman yan?!"

"si LA.. sino pa nga ba?!"
duh?! kaderder. ewwness. gusto ko ng sumuka oh?! dalan niyo na ako ng sampung balde dito?!
"ngek.. asa naman .. kayo talaga?!"
"pero infairness bagay kayo.."
"ha?!"
"promise.. Nicz.. bagay talaga kayo!!!"
nababangag na 'tong mga kasama ko eh.
"hindi talaga.."

bigla naman akong tinawag ni Christine.yung class president namin na pinsan ni author. HAHA.

Author's Note: sosyal ka ate Christine.. ginawa kitang extra, bwahaha :))

"Nicz.. may nagpapadala sayo neto.." may binigay siya sa akin na isang bagay na nakabalot sa dyaryo. tsk. ano 'to?!
"galing kanino??"
"tingnan mo na lang may tag dyan.."

pumunta ako ulit dun kay na Rachel. nakita ko naman yung loob nung nasa dyaryo. tatlong roses.
tapos binuksan ko yung tag. sabay - sabay naming nakita nila Rachel at Kat yung nakasulat sa tag.

















Roses For You...

From: LA

tsk. 0_o

No comments:

Post a Comment