yun na yun eh. confirmed. may brain cancer nga siya. naluluha na lang ako. hindi ko alam yung sasabihin ko. hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. ang hina ko talaga. siya na 'tong may sakit, pero pakiramdam ko, ako na 'tong may mas malalang sakit eh.
"hindi ko nga agad nasabi sayo eh..." namumuo na yung mga luha niya sa mga mata niya. halatang pinipigilan pa nga niya 'tong pumatak. "sorry ha. kung masyadong late mong nalaman!"
hindi ko na napigilan na mapayakap sa kanya. mas hinigpitan ko pa nga eh. feel ko huling yakap ko na 'to sakanya. pero wag naman sana.
"sorry talaga :'(" hindi ko na napigilang umiyak. ang sakit sakit kasi. sobra
"hayaan mo. gagawin na natin lahat ngayon ng gusto mong gawin" tiningnan ko siya at pinilit kong ngumite. sana kahit sa sandaling ito, malaman niya na kahit gaano man kaikli ang panahon para samin, kaya namin gawing makabuluhan iyon. basta magkasama kami.
"eh paano kung wala na ako next month? paano na?"
"atleast may panahon pa tayo para gawin yun lahat"
"paano kung next week?"
"eh di lalasapin ko na bawat araw na kasama kita"
nakakainis. bakit kaya ganito no?! kung kelan, akala mo ayus na ang lahat. akala mo wala ka ng problema. wala ng sagabal. nasayo ng lahat ng kailangan mo pero sa isang iglap, kaya palang makuha sayo. abot kamay mo na eh, kaso mawawala pa.
hanggang gabi, tumambay kami dun sa over pass. inoff nga namin yung cellphone namin eh para walang sagabal. siguro, nagpapanic na si Kuya at yung mama at ate ni Nicz. madaling araw na rin kasi. andito pa rin kami ni Nicz, nagkwekwentuhan.
"oh dali. gawa tayong listahan ng mga gagawin natin!" kumuha ako ng papel at ballpen.
"eh sus. kaya ba talaga natin yun gawin haa?!"
"syempre! dali na kasi! anong gusto mo?"
"hmm, syempre gusto ko matapos natin ng mganda yung stage presentation!" pinakinggan ko na lang siya. at kasabay nun, sinusulat ko lahat ng mga pangarap niya sa buhay. "tapos gusto kong makajoy ride at libutin ang buong makati... gusto kong makita ang sunset at sunrise kasama ka at syempre...
gusto kong magka-asawa at magkaroon ng pamilya"
1. stage presentation
2. joy ride
3. sunset & sunrise
4. family
yun. kakayanin namin yan. medyo nagdalawang isip pa nga ako dun sa huling parte. yung family. pero malay mo, kaya pa namin paabutin don :)
"yun lang. masaya na ako :)"
"osige! gagawin natin 'to haa!"
pero nginitian niya na lang ako. pagtapos nung mahabang kwentuhan namin, hinatid ko na siya sa bahay nila. mga 2 am na rin siguro nun. grabe no? sinulit na talaga namin yung mga espesyal na sandaling yun.
dumating na din yung araw ng stage presentation namin. maayus na ang lahat. kumpleto ang costumes at props. pati yung setting, ayus na rin. atlast. isang pangarap ni Nicz ang matutpad sa stage presentation na 'to.
"oh ano? kaya mo?"
"oo naman. eto naman, kailangan ko pa 'tong matupad no!"
bilib ako sa kanya. kahit kasi may pinagdadaanan siya na napakabigat ngayon, masaya pa rin siya. pinapakita niya kung gaano siya kalakas.
nagsimula na yung stage presentation. nung una, sobrang kabado ako pero habang nagtatagal. nawawala din yung kaba ko.
natatakot nga ako para kay Nicz eh. bawat scene, nagaalala ako para sakanya. kasi baka mamaya magcollapse na lang siya bigla. wiw.
3 hours din yung stage presentation namin, succesful naman. nakangite nga si Nicz nung huli eh, grabe. halatang masaya siya sa ginawa niya. nakakalungkot na isipin na pwede rin palang mawala yung mga ngiti na 'to.
hay, bakit ba puro kadramahan yung iniisip ko?! tsk -____-
nagtipon-tipon kaming lahat ng mga cast at syempre yung tropa sa backstage. at last, tapos na ang stage presentation na 'to. mahirap yun ah. puspusang pagprapractice rin to.
"oh ayan. stage presentation. check na yun! gusto mo na ba mag joy ride?"
"ang bilis naman nun! kakatapos lang tapos ganun na!"
"sige na kasiii! lika na!"
hinila ko naman siya papalabas. nagtaka nga sila Nathan nun eh, hindi pa naman kasi nila alam yun :x tsk. ayoko na nga isipin yun. ang importante, masaya si Nicz. yun lang naman ang gusto ko eh.
hiniram ko talaga yung kotse ni kuya para sa pangarap niyang 'to. kahit na walang lisensiya, okay lang. basta para kay Nicz.
"oh? ano yan?" tinutukoy niya yung kotse na nasa harapan niya ngayon
"ayy tricycle yan! grabe, syempre malamang kotse :)))" nagawa ko pang mangasar no? hahaha :))
"amp ka! sige ka hindi ako sasama sayo!"
"ang arte mo. sakay na!" binuksan ko yung kotse para sa kanya tapos syempre, sumakay na ako dun sa driver's seat. tiningnan ko muna siya, mukha ngang nanghihina siya eh. nakakaawa pero napailing ako. hindi dapat ako ganito eh. hindi ko dapat iparamdam sa kanya na nakakaawa siya.
"oh ayan, tutuoparin na natin yung pangalawang pangarap mo ha!"
nag-nod na lang siya. habang nagdra-drive ako. amaze na amaze siya sa nakikita niya sa labas. first time niya sigurong malibot ang makati ng ganito. mga isang oras na rin akong nagdra-drive. wala ngang stop-over eh. nahalata ko na rin na hindi na sa bintana nakatingin si Nicz. nakatingin na siya sakin.
"oh bakit ka ganyan makatingin? nakakatunaw ha"
"patawa ka no!" astig talaga yung ganito. yung tipong wala kayong inaalala. ganun. "gusto lang kitang tingnan. baka mamiss ko yung itsura mo eh"
"sus, ayaw pang sabihin na gwapong-gwapo ka sakin eh :))"
"ang kapal neto hahaha :P asa naman yun"
natahimik kami pareho. parang sabay nga kaming nag-sigh eh.
"kapag ako nawala na, ano ngang gagawin mo?"
napatigil ako dun.
"wag mo ngang sabihin yan. hindi yan mangyayare"
"pero hindi nga? ano ngang gagawin mo?"
"hindi ako iiyak kasi baka
sumunod ako sayo"
papanindigan ko yan. parang kasing pag nawala na siya, wala ding saysay yung buhay ko. parang hindi ako kumpleto. kulang na kulang na kumbaga.
"wag ka ngang ganyan! hindi kita hahayaan na gawin mo yun no?!"
"at bakit naman?!"
"eh kasi gusto ko ikaw yung tumupad nung panghuli kong pangarap para sakin :)"
yung family -___- tsss.
"bakit?! aabot naman tayo dun ha! magpapakasal tayo. tapos magkakaanak tayo! totoo yan. kaya natin yun no!"
"let's face the truth LA. alam mo naman diba? hindi natin kaya"
"kung hindi lang ikaw ang mapapangasawa ko. kung hindi lang ikaw ang magiging ina ng mga anak ko. mas maigi na lang na hindi na ako magkapamilya"
No comments:
Post a Comment