Saturday, January 2, 2010

` Chapter 41

[ LA's POV ]

"sorry kung wala kang space sa puso ko..." pagkasabi niya ng mga words na yun, nabagsak ko yung mic. hindi ako makapaniwala. tae. ano ba kasi ang mapapala ko?! mas pinili niya si Nathan, yun na yun. hindi ko maiwasang umiyak. tae. nawawalan na ako ng pride dito ah.

nagkatinginan pa kami ni Nicz. bumulong si Nicz sakin ng "sorry" . tapos tinalikuran ako. hindi ko na alam kung ano mang gagawin niya sa buhay niya basta ang tanging alam ko lang hindi ako ang mahal ni Nicz. feeling ko guguho na yung mundo ko. kung kelan ako nagkameron ng courage para sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko, dun pumalpak ang lahat. tsk. sana pala hindi ko sinabi sa kanya. nagsisisi na ako ngayon. bakit ko pa kasi sinabi?

halos hindi ko na maintindihan yung nasa paligid ko. feeling ko napagiwanan na ako ng lahat. the next thing I knew, naglalakad na papalayo si Nicz. tsk. hindi ko naman siya kayang sisihin kung hindi naman talaga niya kayang mahalin ako. tsk.

lumapit sakin si EJ at Ethan.

"tol.. ayus ka lang ba?"

tae. syempre hindi ako ayus. tae. tumayo na lang ako at bumababa sa stage. ayoko ng magsalita pa. tsk. grabe na 'to. nagmukha na akong tanga. this was my first rejection. ayus lang sana kung nanggaling yung rejection na yun sa ibang tao eh. pero iba 'to. nanggaling ang first rejection na yun kay Nicz. galing sa taong nagpabago sa buhay ko. galing sa taong minahal ko ng sobra sobra. galing sa taong sobrang pinahalagahan ko. tae. lumabas ako ng gym gamit yung back door. wala na akong pakielam kung ano mang sabihin nila sakin. masyado na 'tong masakit para problemahin ko pa ang iba. tsk. bakit hindi pa kasi ako ang pinili ni Nicz? bakit kasi ganun?! :'(

[ Nicz's POV ]

tinalikuran ko siya. ayokong makita niya ako na naiyak. lumabas agad ako ng gym. tae. hindi ko akalain kaya ko yung gawin. mahal na mahal ko siya pero rineject ko siya. tae. naging masyado ata akong makasarili. ang tanga ko. sobra. pumunta agad ako sa rooftop. bawat step na ginagawa ko, feeling ko gusto ko ng magpakamatay. ang sama ko. ang tanga ko. naiisip ko na sana hindi na lang pinanganak sa mundo kung ako lang rin naman ang dahilan ni LA na umiyak. ang tae.

ewan ko kung maniniwala ba ako sa sinabi niya?! tae. ang gulo. umupo na lang ako sa sahig ng rooftop. tsk. wala na akong matatakbuhan ngayon ah. wala kasi si LA eh. tsk. tumungo na lang ako at yinakap yung legs ko. grabe. feeling ko gusto kong matulog ngayon. gusto kong itulog lahat ng 'to but my eyes wished to cry.

hindi ko na mapigilan yung luha ko. nahihirapan na akong huminga. ghad! parang ang dami-daming luha na naipon sa loob ko at ngayon lang pwedeng ilabas. hindi ko na talaga kaya. sh*t. i hate my life. I'm hating it like sh*t. sana kunin na ako ng itaas. ayoko ng mabuhay. kung ganito lang ang magiging takbo ng buhay ko. bigla namang may narinig akong mga footsteps. tsk.

tiningnan ko kung sino yung tao na yun.

correction pala.. hindi siya tao. isang impakta. you know her right?! si Isabella. nakatayo siya sa harapan ko. hawak niya yung mga pictures namin ni LA na naghahalikan. hawak niya yung mga bagay na ng push sakin na ireject si LA. hawak niya yung sumisira sa buhay ko. hawak niya yung sisira sa pagkatao at dignidad ko. she was just there staring at me. yung tipong sinasabi niya sakin na "ako ang nagwagi".

tumayo ako pero naiyak pa rin. pero hindi ang mga pistures ang dahilan ng pagiyak ko. si LA ang dahilan ng bawat paglabas ng luha ko. tsk.

"nice show sis.."

tae. show lang?! palabas lang ang tawag mo dun?! tae. sinaktan mo yung puso ko. mula ng dumating ka, gumulo na ang buhay ko. tae. demonya! hindi ko akalain na may ganyan pang tao na nabubuhay dito. kung mamatay ako ngayon, hindi ako magsisisi kung isasama kita. para naman mabawasan ang mga hinayupak na demonya sa mundong ibabaw. tsk.

binigay niya sakin yung mga pictures. tae.

"so yan.. free ka na.. pwede mo ng itapon yung condition natin.. hindi ko na maikakalat yan..don't worry wala ng ibang copy niyan so happy ka na huh?! you're free na.."

so yun pala ang plano all along. wtf?! free?! happy?! WATDAHEL?! tae. hindi ko kailangan ng freedom. hindi ko kailangan ng happiness. ang tanging kailangan ko lang ay si LA. so ganun pala yun?! kapalit ng happiness at freedom si LA?! damn fvck?! tumingin ako sa kanya.

"grabe ka.."

nanginginig yung boses ko habang sinasabi ko yun. parang anytime magdidilim na yung paningin ko sa sobrang galit sa impaktitang na 'to.

"why?"

ang yabang pa niya habang sinasabi yan. wtf?!

"ang talino mo.."

planado pala talaga lahat?! ghad!

"ako pa.."

binulong niya kahit rinig ko naman. tae. tapos bigla siyang umalis ng rooftop. ghad! tiningnan ko ulit yung mga pictures. natulo ulit yung luha ko habang tinitingnan ko 'tong mga 'to. tae. hindi ako makapaniwala. sh*t. linukot ko yung mga pictures. grabe. bumigay agad ako. wala talaga akong kwenta. napaupo ulit ako. ano baaa~?!

hindi ko na ata makakayanan 'to. pag as in nawalan na talaga ako ng pag-asa, magpapakamatay na talaga ako. sh*t. tumungo na lang ulit ako. gusto kong ilabas lahat ng masasamang nararamdaman ko ngayon. gusto kong umiyak. sumabay ang pagpatak ng ulan sa bawat pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. wala na akong pakielam kung kumulog dito. wala na akong pakielam kung maulanan ako dito. wala na talaga akong pakielam.

[ LA's POV ]

napabuntong hininga na lang ako. tsk. naulan na rin kaya naman pumasok na lang ako sa may gym. hindi ko alam kung sino ang makikita ko pagpasok ng gym. gusto ko sana na ang una kong makikita ay si Nicz. pero wala siya.

lumapit na lang ako dun sa table kung nasan si Nathan. ewan ko kung bakit ko 'to gagawin. basta naguguluhan na lang talaga ako ngayon tsaka i heard enough reasons to give her up.

"Nathan.."
"oh?"

tiningnan ko siya ng seryoso. tsk.

"wag na wag mong sasaktan si Nicz ah... tsaka ngayon sayo na siya.. alam kong maalagaan mo siya.."

alam kong nagulat si Nathan sa sinabi ko pero totoo na talaga 'to.

"sigurado ka ba dyan, LA?"
"oo sigurado na ako.."

bigla namang ngumite si Nathan sakin. halatang masaya talaga siya. siguro nga siya nga yung lalaki para kay Nicz. kaya nga minsan naisip ko hindi porket blue ang linya ko ay ibig sabihin na nun ay ako ang leading man. dahil sa kwentong 'to, narealize ko. hindi pala batayan ang kulay ng dialogue para malaman kung sino ang makakatuluyan ng bida. tsk.

"salamat 'tol.."

alagaan mo talaga siya kundi aagawin ko ulit siya sayo.

[ Nicz's POV ]

hindi ko na alam kung anong ginagawa nila sa gym. medyo madilim na rin nun eh. siguro tapos na yung party. tae. basang-basa ako tapos napapapikit na yung mata ko. tsk. tumayo na ako mula sa kinakaupuan ko. grabe. nahihilo ako na ewan. umiikot yung paningin ko. umalis na muna ako ng rooftop. napapasandal na ako sa mga pader. tsk. halos patay na rin yung mga ilaw. wala na rin atang tao. umuwi na siguro sila. tsk. grabe. ang hirap naman neto. parang akong lasing na ewan.

bumababa ako ng hanggang 3rd floor. tae. hindi ko na ata kayang bumababa pa. nanghihina na yung buong katawan ko. nag-iinit yung buong katawan. tsk. nahihilo na talaga ako. hindi ko na talaga ata kaya. hindi ako makahinga ng mabuti. umupo muna ako dun malapit sa stairs ng 3rd floor. tsk. grabe. tumungo na lang ako. tae. grabe. ang hirap ng gumalaw.

[ LA's POV ]

tapos na rin ang party. humina na din ang ulan. grabe. parang binagsakan pa rin ako ng langit at lupa. tsk. sinusuko ko na talaga siya eh. grabe?! tsk.

"Oi LA.. uwi na tayo.."

bago ako sumama sa kanila. chineck ko muna yung mga gamit ko kung kumpleto ba. ay tae. nakalimutan ko yung cellphone ko sa taas. badtrip.

"una na muna kayong umuwi.. susunod na lang ako.. nakalimutan ko yung cellphone ko sa taas.."
"ang adik mo talaga.. dalian mo na lang ah?!"
"oo.."

tae naman yun. cellphone ko pa yung nakalimutan ko sa taas. nagmadali na lang ako. tsk. grabe. hindi ako sanay ng may nanggugulo sa isipan ko. ang hirap. parang sasabog anytime yung puso at utak ko. bago pa man maka-akyat sa 3rd floor. napansin ko siya. nakaupo siya dun sa may stairs. nakatungo. tsk. ano ba ang gagawin ko?! iiwanan ko ba siya?! lalagpasan ko na sana siya ng narinig ko siyang umubo. wala akong choice kungdi lapitan siya. pinat ko yung likod niya.pero hindi ako nagsasalita.

"lumayo ka sakin.."

sinabi niya sakin habang nakatungo siya. garalgal pa yung boses niya. pinat ko ulit yung likod niya. pero hindi siya nagalaw.

"di ba sabi ko sayo.. lumayo ka sakin.. hindi kita kailangan.. si LA lang ang kailangan ko.."

anu?! 0_o si Nicz ba talaga 'to?! nagulat naman ako ng himatayin siya. napahiga siya sa lap ko. tae. ako? ako lang ang kailangan ko?! hinawakan ko yung leeg niya. ang taas ng lagnat niya. ano bang ginawa ng babaeng 'to?! tae. hindi ko naman siya kayang iwanan para kunin yung cellphone ko. tae naman. basang basa pa. nagpaulan ba 'to?! loko-loko pala 'to eh?!

hay naku Nicz. wag mo naman ako pagaalahin oh?! binuhat ko naman siya papunta sa classroom namin. hindi naman siya masyadong mabigat kaya ayus lang. linagay ko muna siya sa isang upuan at kinuha yung cellphone ko sa ilalim ng desk ko. tsk. hindi naman pwede na buhatin ko siya pauwi sa kanila. hay naku naman. kumuha ako ng isa pang upuan para tabihan siya. hiniga ko yung ulo niya sa lap ko. tae. bakit pa may ganitong pangyayari?! tapos na dapat tayo eh. bakit mas nahuhulog ako sayo ngayon?! dinial ko yung cellphone number ni kuya at tinawagan siya. pagkatapos ng talong ring, inaccept niya yung call..

"bakit ka napatawag?"
"kuya.. pwede bang sunduin niyo kami dito ni Nicz? andito kami sa 3rd floor"
"sa school?! bakit?!"
"inaapoy ng lagnat si Nicz.. kami lang naiwan dito.. dali na kuya.."
"sige I'm on my way.."

tiningnan ko muna sa Nicz bago i-end yung call. napabuntong hininga na lang ako. tsk. hinawakan ko yung mukha ni Nicz. tsk. sana ganito na lang palagi.

"LA.." nagsalita siya habang natutulog. hindi ko na ikakagulat yun dahil ganyan rin naman siya dati. pero ang mas kinagulat ko ay...




































umiiyak siya habang natutulog..



No comments:

Post a Comment