Friday, December 25, 2009
` Chapter 21
[ Nicz's POV ]
then suddenly, nadulas ako dun sa may stairs pababa ng gate namin and guess what?! sinalo ako ni LA. yakap yakap niya ako nun. nasa likod ko nga siya eh. ewan ko kung pano nangyare yun. ewan ko ba. grabe, parang tumitigil yung takbo ng oras at pag-ikot ng mundo dahil dun. kinakabahan ako pero kinikileg ako. ang gulo ng nararamdaman ko. parang gusto kong magtagal 'to. pero hindi pwede.
(parang ganyan kami oh.. )
humiwalay agad siya sakin.
"ang engot mo! sa susunod nga mag-ingat ka.."
"sorry naman.. tama na nga yan baka sermonan mo pa ako eh.. baka hindi na tayo makapunta sa SM!!" dahil sa sobrang hiya ko, ako na rin yung nagyayang umalis kaagad. nakakahiya ah. napakaclumsy ko naman kasi.
naglakad kami palabas nung subdivision. sumakay rin kami sa jeep. grabe, ang traffic tapos ang init pa. medyo siksikan pa sa jeep. nakaka-badtrip naman oh. tahimik kami ni LA at hindi nag-uusap. ewan ko ba. siguro, ayaw na rin namin makisali sa ingay ng mga driver na nagwawala sa sobrang traffic at ang pagchichikahan ng mga kapwa pasehero namin. hindi nga rin kami nagtitinginan ni LA eh. ewan ko ba. nagkakailangan kasi kami. hindi ko rin alam kung bakit. close friends naman na kami bakit pa namin kailangan magkahiyaan pa?! hindi ko ma-explain. ang hirap eh. narinig ko naman yung dalawang matandang babae, mga around thirties sila, nagchichikahan tungkol samin. grabe, kami pa ni LA yung napagdiskitahan eh. HAHA.
"tingnan mo yung dalawa oh?! bagay sila noh?!"
"oo nga.. gwapo yung lalake.. maganda din yung babae.."
bagay daw kami oh?! HAHA. pero bagay nga ba kami?! tsk.
"siguro magboyfriend yung dalawang yan.."
"pero naman hindi sila ng p-PDA.."
"maganda ang turo sa kanila ng kanilang mga magulang... kahit na may boyfriend na, walang public display of affection.."
grabe naman ah. ngayon, napagkamalang kami. tiningnan ko si LA. napapangite siya. alam ko naririnig niya yung pagchichikahan nung dalawang ale. patuloy pa rin sa pagchichikahan yung ale, ngayon gusto daw nilang gayahin kami ng mga anak nila. yung hindi naglalandian kahit na magboyfriend sila. pero hindi naman kami eh. tsk. after 30 minutes, at last nakarating na rin kami sa SM. grabe, dapat mga 10 minutes lang ang byahe namin, naging 30 minutes.
"narinig mo yung pinaguusapan ng ale kanina sa jeep??" kasulukuyang, naglalakad lakad kami ni LA habang nakaen ng ice cream.
"aah.. yung bagay daw tayo??"
"oo.. di ba akala nila tayo na?!"
"oo nga eh.. ang baliw din nila eh.."
"oo nga eh.."
nagkameron ng moment of silence bago ulit siya magsalita. parang pinagisipan muna kung sasabihin ba niya yung susunod niyang sasabihin o hindi. basta magulo.
"kung bagay naman tayo.. bakit.." medyo napatigil siya. "bakit hindi na lang natin totohanin??"
ano daw?! totohanin?!
"nahihibang ka na ba o nasisiraan lang?!"
"ewan ko.. nasisiraan ata. .. haha.." tsk. akala ko naman nagseseryoso siya. kasi ba naman napakaseryoso ng mukha niya. joke lang pala. HAHA. sanay na rin naman ako sa mga joke na ganyan eh. pero grabe ah, muntik na akong maniwala na parang may gusto rin siya sakin.
after namin maglibot at kumaen ng ice cream, nanuod kami ng movie. HAHA. comedy yung movie kaya naman nagkakasundo talaga kami sa pagtawa. mahilig din pala siya sa comedy movies. HAHA. pagkatapos manuod ng movie, syempre, lumabas na kami ng sinehan. grabe, siksikan yung mga tao. ang dami kasing nanuod eh. badtrip tuloy. nagulat naman ako, hinawakan ni LA yung kamay ko. yung tipong ayaw niya na akong bitawan. ang higpit kasi eh. siya yung nangunguna mag lakad. samantalang ako nakasunod lang sa kanya. binibilisan niya yung lakad niya kasi sobrang sikip talaga eh. marami na nga akong nabubunggo eh. ang dami talagang tao.
nung moment na yun, tinitigan ko siya. lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya. may kakaiba talaga. mahirap i-explain. it's beyond normal.
nakalabas na kami ng tuluyan dun sa SM cinemas, pero tuloy pa rin ang pagdagsa ng tao. ewan ko ba kung bakit ang daming tao. nakakaines. hawak pa rin niya yung kamay ko. patuloy na nangunguna. ako naman, patuloy pa na pinagmamasdan siya. bigla naman na siyang lumiko at pumunta dun sa National Bookstore. yung place kung saan ko siya unang nakilala. yung akala ko nasisiraan ng bait.
"at last.. nakatakas na rin sa mga tao.. dito muna tayo.. wala masyadong tao dito eh.."
"sige.." magkahawak pa rin yung kamay namin. hindi niya ata namamalayan pero ako alam na alam ko pero gusto kong sulitin 'to. gusto ko na at least, mahawakan ko yung kamay niya ng ganito katagal. nung paglingon namin sa kanan,medyo sabay kaming lumingon, nakita naming dalawa si Nathan. nagulat nga kami eh. nung tumingin si Nathan samin, tinanggal ni LA agad yung kamay niya sa pagkakahawak niya sakin. lumapit si Nathan samin...
"ano yan?? date??" medyo may pagka-rude yung manner niya nung sinabi niya samin yan.
"ah.. hinde.. sinamahan niya lang ako.."
"ganun ba? okay.. mauna na ako.." umalis si Nathan ng hindi tumitingin sa akin. ano bang meron?! di ba tumigil naman na siya sa pangliligaw. tsaka in the first place, hindi naman talaga siya nanligaw eh. tsaka hindi ko pa rin siya pinapayagan. pero hindi siya nagpaparamdam sakin ng kung ano mang feelings niya. naguguluhan na tuloy ako.
"umuwi na kaya tayo.." himala, siya ang nag-yayang umalis. tsk.
"ha?! bakit?!"
"basta.. may nakalimutan yata akong gawin sa bahay.."
"ganun ba?.. lika na nga.."
lumabas na kami ng National Bookstore para makalabas na sa SM. tahimik lang siya. parang ang lalim ng iniisip. parang may something na bumabagabag sa isipan niya. hindi ko talaga maintindihan kung anong nararamdaman niya. hindi ko alam kung anong iniisip niya. haaaay.
sabay kaming sumakay ng jeep. hindi kami nag-uusap. nahihiya naman ako na i-approach siya. bigla na lang kasi siyang nawala sa mood eh. buti na lang hindi na nun traffic. nakarating na agad kami sa subdivision. hinatid niya ako sa bahay ko.
"sige.. babye na.. salamat sa time ah.."
"oo.. sige..." tiningnan ko siya bago siya tuluyang makalayo. nung hindi ko na siya makita, pumasok na ako ng bahay. binato ko lang yung mga gamit ko sa sofa. ewan ko ba. nung nakita namin si Nathan, nagiba bigla yung mood niya. pati si Nathan. parang naninibago rin ako sa kanya nung nakita namin siya. nagulat siya pero parang may something na hindi ko ma-explain. bakit ba ganun?! ang gulo. nagpapaka-ilusyonada na ako dito eh. medyo may naiisip ako na talaga namang parang imposibleng mangyari. magkaibigan si Nathan at si LA pero sa tingin ko nasisira na yung friendship nila. dahil sakin. ewan ko ah. kasi ba naman hindi na sila masyado naguusap. tsaka iba yung trato ni Nathan kay LA kanina. di ba dapat nagtatawagan sila ng "tol!" o "pre". tsaka dapat di ba masaya sila na nagkita sila sa SM. may something talaga eh. baka naman...
may gusto na sila sakin pareho... tsk. nagpapaka-ilusyonada na oh?!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment