Monday, December 21, 2009

` Prologue- Nicz's POV

April na ngayon. summer vacation na namin. and sa pasukan sa june, 4th year high school na ako pero nakakalungkot isipin na aalis na ako dito sa Laguna, sa aking ever most beautiful homeland. dito na kasi ako lumaki at andito rin ang mga kaibigan at mga pinsan ko. and pupunta na kami ng pamilya ko sa makati. dun na daw kasi ako magpapatuloy ng 4th year high school ko. meron kasing trabaho na dun yung mama kaya mas mabuti siguro na dun na rin kami manirahan kesa naman araw-araw silang luluwas papunta sa trabaho nila. ewan ko ba kung paano ako makaka-adjust pero siguro madali na lang ito. palakaibigan naman ako eh. at kahit na galing akong probinsya, hindi naman ako promdi at losyang kung tingnan. bongga pa rin ako noh?! HAHA. syempre, sa ganda kong 'to. baka mapagkamalan pa akong galing sa mayaman na pamilya. HAHA. bago ako magkwento ng magkwento, gusto ko sanang ipakilala ang aking sarili. Ako ay si Kamilla Nicole Ramirez. Sa totoo lang, ayaw ko ng pangalan ko na Kamilla kaya naman naiinis ako pag may natawag sa akin ng Kamilla. ewan ko kung bakit. parang kasing pang lola eh. kaya naman ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Nicz. para namang mukhang presentable di ba?! pagkatapos ng 3 hours ng byahe namin, at last, nakarating na kami sa aming bagong bahay. sa totoo lang, hindi namin 'to bahay eh. bahay ng tita ko 'to. pero nasa America na sila kaya naman amin na 'to. HAHA.

"Oi... Nicz.. tumulong ka nga sa pagbubuhat ng gamit!!"
yan ang ate ko. si Kristina Niobe Ramirez. ayaw niya din ng Kristina. kaya naman ang tawag namin sa kanya ay Niobe. mas gusto ko pa nga yung pangalan niya eh kesa sa Nicole. unique kasi yung Niobe eh.
"pwede namang maghintay di ba?!" ganyan kami palagi. nagsisigawan pero hindi ibig sabihin nun galit kami sa isa't isa
. ganyan lang talaga kami maglambingan. HAHA
"Oi.. ate Nicz.. bilisan mo nga..." yan, ang bunso kong kapatid. si Karlo Nicholas Ramirez. ayaw niya din ng Karlo. HAHA. pare-parehas kami. kaya naman Nico ang tawag namin dyan. grabe ang kaadikan niyan sa game boy. kulang na lang eh, pakasalan niya yung game boy niya eh!
"oo na.. gusto mo bagalan ko pa eh??!!"
pagpasok ko naman sa bahay namin, syempre si mama inayus na yung gamit namin. ang laki rin pala ng kwarto ko. tsaka a note to remember: wala akong tatay. matagal na siyang natigok.
nagplane crash kasi yung airplane na sinasakyan niya nung pauwi na siya ng Pilipinas galing sa Canada. OFW kasi si papa dun eh. kaya naman nakakalungkot pero tuloy pa rin ang buhay.
"Ma... saan ba ako mag-aaral??"
"basta anak, malapit lang dito..."
hindi ko na babanggitin yung school. kailangan ng privacy. HAHA.
"Ma.. sigurado ba kayong makakaadjust na agad ako dito??"
"oo .. sure ako.. wag ka lang talaga magpakaspoiled brat!!"
sus.. ako?! spoiled brat?! as if?! nakukuha ko lang talaga lahat ng gusto ko?! wahaha. alam ko pareho yun. pero hindi naman masyado. HAHA.


syempre, tinulungan ko na si mama na magayus ng gamit namin. mabait akong anak eh. HAHA.

nasabi ko na ba sa inyo na bilib talaga ako kay mama?! o yan, nasabi ko na. kasi nung namatay si papa parang ang tatag niya. sabi nga niya sa amin dati..
"kung ako babagsak.. paano na lang kayo??"
oh di ba?! nakakatouch naman talaga. pero at least naman talaga naging masaya si mama na nakapiling niya si papa. kasi sabi nga niya sa akin, si papa yung nagturo sa kanya na magmahal at nagpasaya sa kanya. parang ba si papa daw ang nagbigay ng mga bagay na wala si mama. tulad ng sapat na pagmamahal at kasiyahan. galing kasi si mama sa isang broken family eh kaya naman sad talaga siya. kaya naman sabi niya parin sa akin dati...
"minsan may dadating sa inyong tao na magkakameron ng malaking parte sa buhay niyo para ibigay sa inyo ang mga bagay na wala kayo ngayon..."

napaisip ako. ano nga ba ang wala sa akin??
una, wala akong love life. wala pa nga akong mangliligaw eh. wala pa rin akong nababalitaan na nagkacrush sa akin. kahit na maganda naman talaga ako. medy suplada daw kasi ako. di naman talaga kasi ako papapansin sa mga lalaki eh. wala naman talaga akong pakielam kung magpapansin sila sa akin eh.
pangalawa, wala na akong tatay. 6 years old na kasi ako nung namatay siya eh. since 15 years old ako ngayon. 9 years na akong walang tatay. so ibig sabihin talaga nun, kulang ako sa pagmamahal ng isang ama.

minsan kasi kahit na masaya ka na sa kung anung meron sayo, mapapaisip ka rin. di ba mas maganda kung may tatay ka. syempre kahit na may nanay ka na, kailangan mo pa rin ng ama para happy family.
kaya naman..
















Two is better than One.

No comments:

Post a Comment