Thursday, December 31, 2009

` Chapter 35

[ LA's POV ]

anung problema nun?! grabe ah. susundan ko ba? tae naman yun. nakita ko namang tumakbo rin palayo si Nathan. sinundan niya si Nicz. tae. bakit wala akong magawa?! wala akong kwenta. ano ba yan!? tiningnan ko muna sila Rachel, Kat, EJ at Ethan na super nagulat naman talaga sa rason ko. tsk. halos malaglag na ang panga nila sa sobrang gulat eh.

"so pinagpalit mo kami sa impaktang yun?!" hindi naman ah. 0_o

"oo nga?! tol, akala ko pa naman mga kaibigan mo kami?!"
"tol.. hindi ganun yun.. sinabi ko na wala na kami.."

patay na. tae naman kasi eh. si Rachel at si Kat andito. wala naman talaga silang alam sa "tunay" na nangyare eh.

"alam niyo.. sa totoo lang hindi kami makarelate?! ayus lang naman samin eh.. pero bakit ba kasi naging impakta yun?!"
"oo nga.. ang tagal na nating magkakilala.. hindi mo pa rin samin sinasabi kung ano ang tunay na nangyare.."

patay na nga. ayoko na ngang irecall yun eh.

"basta.. wala na yun.. tapos na yun eh.. nangyare na ang nangyare.. ang mabuti na lang..pumunta na tayo sa classroom.."

yinaya ko na sila papunta dun sa campus namin ng pigilan ako ni EJ. nagulat nga sila Kat eh. ang dami kasi nilang hindi alam.. akalain niyo yun, hindi nga nila alam na may gusto ako kay Nicz eh. tsk.

"oh bakit tol?" tinitingnan ko yung kamay ni EJ na mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"hindi mo ba susundan si Nicz dun?"
"ha?"

tae. tiningnan ko muna sila Kat at Rachel na halata namang nagtataka sa mga pangyayare.

"magpapatalo ka na lang ba kay Nathan?"

tae. may balak ba silang bukingin ako?! tae naman yun?! ano ba naman EJ?! ano ba naman yan Ethan?! wala na ba kayo sa side ko?! tuluyan niyo na bang ibubuking na may gusto ako kay Nicz.

pero sa totoo lang, natauhan ako ng kaunti sa sinabi ni Ethan sakin. kung magpapatalo ba ako kay Nathan. tsk. syempre, hindi. ano ba!?

"hinde.. bakit ako magpapatalo dun?!"
"kaya nga eh.. eh di puntahan mo siya dun.."

tumingin muna ako kay na Kat na mukhang na-gegets na ang mga nangyayare . tae. buking na nga. tsk.

"alam ko na eh?! getchingin ko na ang lahat ng nangyayare dito eh?!"
"oo nga eh.."

tiningnan ko muna sila. alam ko may sasabihin sila eh. tae. bakit ba ginawang matatalino ang mga babae na 'to!?

"kung mahal mo talaga si Nicz.. sundan mo.. mas boto kami sayo.."

ano daw?! 0_o

"rinig mo naman yun.."
"oh dali na.. sundan mo na.. ako na bahala kung malate ka.."

gagawin ko ba 'to?! susundan ko ba sila?! tae naman yun?! nginitian ko na lang siya sabay takbo papunta dun sa direksyon na pinagtakbuhan ni Nicz.

ako si Romeo. siya si Juliet. hindi naman pwedeng si Paris ang naandun. tama ako di ba?!

and in the first place, hindi ko siya maintindihan. bakit niya kelangang umiyak!? tae. tapos ngayon, hahanapin ko pa siya. pero kelangan eh. mahal ko siya. gagawin ko ang lahat para sa kanya.

[ Nicz's POV ]

tae. bakit ba ako naiyak?! nakipagmeet siya kay Isabella?! for sure, nagkabalikan na sila. nakakaines na buhay 'to oh?! pumunta ako dun sa locker room para hindi nila makita na naiyak ako. grabe. ano bang nangyayare sakin?! syet naman oh?! bakit kasi may Isabella pa sa kwentong 'to?! nakakaines. tae. :'(

nagulat naman ako na bigla na lang pumasok si Nathan sa locker room. sinundan niya pala ako. sa totoo lang, hindi siya yung tao na ine-expect ko na susunod sakin. mas gusto ko sana na ang sumunod sakin si LA.

"andito ka lang pala.. nag-alala ako sayo.."

ano baaaa~?! Nathan naman eh?! yung mga words na naman niya eh. ang tae. naguguluhan ulit ako. tsk. badtriiiiiip. :'(

yinakap niya agad ako. ako naman, hindi pa rin natahan sa pagiyak. ano ba naman yan?! ang tae. ang tae. nakakaines. nagseselos na talaga ako. kahit na wala akong karapatang magselos. nagseselos pa rin ako. ang tae. :'(

"ano na naman bang problema?"
"si LA..."

tsk. palagi naman. yinakap niya ako ng mas mahigpit. napayakap na rin ako sa kanya. ano ba naman yan?! tsk. ano baaaa~?!

bigla namang bumukas yung pinto ng locker room. hindi ko na sana papansinin kung sino yung taong yun eh. kasi malay mo. simpleng estudyante lang di ba?! pero tinitigan ko ng mabuti yung estudyanteng yun...
















si LA..

tae. anong ginagawa niya dito?! humiwalay agad ako kay Nathan. tsk. seryoso siyang nakatingin sakin. i mean ngayon ko lang siya tumitig samin ng ganito kaseryoso. parang may something na nararamdaman siya na ewan. hindi ko maexplain. tsk. hindi kami makapagsalita ni Nathan. as if hindi kami makagalaw.

[ LA's POV ]

andito lang pala sila eh. nagyayakapan. naglalambingan at naglalampungan. tae. mga malalanding bata. tsk. selos ba 'to?! tae. parang gusto ko ng patayin si Nathan eh. ano yan chansing?! tae. tinitigan ko sila. grabe, parang gusto kong magwala sa harapan nila. parang gusto kong sugurin si Nathan at suntukin siya kaagad. tsk. sinarado ko na yung fist ko to control my temper. tae. kung hindi lang ako mabait, kanina pa basag ang mukha ni Nathan. tsk.

lumapit si Nicz sakin. ewan ko kung sakin ba siya lalapit o sa door para makalabas na siya. tiningnan ko siya. tae. bakit ba siya ganito?! bakit si Nathan ba?! tsk. lumabas agad si Nicz ng locker room ng hindi nagsasalita. pero naiyak siya. sa totoo lang, mas sumobra pa yung pagiyak niya habang nalabas sa locker room. iniiwasan niya talaga ako. pero bakit?! tae. ano bang sinabi ni Nathan kay Nicz?!

tingingnan ko si Nathan. lumapit siya sakin. papaalis na rin siya ng hawakan ko yung braso niya eh. tae. bubugbugin ko na 'to?! tsk. buti na lang talaga mabait ako. tae.

"anong problema mo?" ang yabang ng loko ah.

"liniligawan mo pa rin siya?"
"oo..bakit? anong problema mo dun?"

tsk. dapat tumigil na siya. kundi mapupuruhan na siya sakin. tsk. tae. hindi na lang ako nagsalita pero hawak ko pa rin yung braho niya.

"'may gusto ka rin sa kanya noh?! liligawan mo din noh?! pero sorry ka na lang 'tol.. malapit na ako sa kanya. ikaw, malayo ka pa.."

tanga talaga ni Nathan. palibhasa hindi niya lang alam na mas nauna akong manligaw kay Nicz. tarantadong mayabang. ang bobo eh.. tsk.

"inaamin ko yun.. may gusto ako sa kanya.. may balak akong ligawan siya.. at inaamin ko din na malapit ka na sakanya at ako malayo pa.. so karibal pala kita sa kanya?"

hindi ko alam kung bakit ko 'to nasasabi sa kanya?! friendly rivalry na naman .. pero sa tingin ko masmatindi 'to.

"oo.. dati ko pa rin yung ine-expect.."
"gusto kong tanungin sayo.. ilang beses mo na siyang nahalikan?"

halatang nagulat siya sa tanong ko pero dahil sa kayabangan niya hindi niya medyo pinahalata kahit na halata naman talaga. tae. bobo talaga ni Nathan eh.

"isa.. kahapon.. at bakit? alam ko ikaw.. nakaisa ka na rin nung romeo and juliet.. pero ano ka ba?! play lang yun?! kung pinagmamalaki mo sa kin na nahalikan mo na siya, hindi ako naiingit sayo.. "

tae. hindi naman yun yung point ko?!

"hindi yun yung point ko basta eto na lang..."

huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya ang kondisyon ko.

"wag na wag mo siyang hahalikan.. liligawan nating dalawa.. pero inuulit ko sayo wag mo siyang hahalikan hangga't hindi pa siya sayo..."

hindi ko matatanggap na hahalikan siya ni Nathan ng wala naman silang commitment para sa isa't isa. gusto ko kung sino ang panalo, yun lang ang may tanging karapatan para halikan siya. tsk. hiniwalay ni Nathan yung braso niya sa kamay ko.

















"may the best man win na lang"
sorry ka.
I'm the best man for her.

1 comment: