nagulat talaga ako. nagtipon-tipon kasi bigla yung mga tao eh. bigla ko na lang nakita si Nicz don. napapasigaw na nga siya eh sa sobrang sakit ng ulo niya. nung mga oras na yun, gusto kong i-wish na sana ako na lang yung nakakaranas nung sakit niya. wag na lang si Nicz. ayoko siyang nakikitang nahihirapan.
"Nicz?!"
sakto nun, nahimatay na talaga siya. pinatabi ko lahat ng tao. sa totoo lang, andun nga si Nathan eh. nagseselos ako pero siguro dapat ko munang ipagpaliban 'tong nararamdaman ko. parehas lang naman ang gusto namin ni Nathan eh. ang maging masaya at maayus palagi si Nicz.
Binuhat ko si Nicz papunta ng clinic. hindi ko nga alam kung bakit hindi na sumunod si Nathan eh. linagay ko si Nicz dun sa higaan. syempre, yung school nurse na namin ang bahala sa kanya.
lumabas muna ako ng clinic, tapos tinext ko na rin si Ate Niobe at yung mama niya sa kung ano man yung nangyare kay Nicz. medyo kinakabahan ako nun kasi parang iba na. siguro nga dala lang yan ng pagod niya -____- pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mag-alala sa ibang bagay. hay nako Nicz, pinapatay mo na ako eh sa sobrang pagaalala eh . tsk
nagsidatingan naman na sila Kat, Rachel, Nathan at ang tropa.
"oh LA?! anung nangyare kay Nicz?! okay na ba siya?!"
"oo nga, kamusta na siya?! nagaalala na kasi kami talaga dito?!"
kung kayo nagaalala, paano pa kaya ako?! tss..
"ayun, nakahiga pa siya dun sa loob ng clinic. " napatingin naman ako kay Nathan. "Nathan, salamat pala at andun ka para kay Nicz"
"ah.. yun ba? no prob" siguro, pangarap na rin niya yun. na kahit saglit, matulungan niya si Nicz.
syempre, umupo muna kami dun sa parang bench sa tapat ng clinic. magkatabi pa nga kami ni Nathan, nako po. dahil dito, hindi kami makakaattend ng mga klase. hay nako! tsk
"alam mo ba LA, nakakainggit ka..." nagulat naman ako sa sinabi ni Nathan.
"ako? nakakainggit?baket naman?"
"nakuha mo na naman kasi yung tao na gusto kong makuha. lahat na lang ng gusto ko, napupunta sayo" eh hindi ko nga mukuha-kuha si Nicz tapos ako pa swerte ngayon. kalokohan.
"hindi ko nga makuha si Nicz eh"
"hindi mo lang alam... pero
matagal mo na siyang nakuha" hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. may gusto din naman kasi siya kay Nicz.
"sus, ano ba yang pinagsasabi mo?"
"mahal ka rin naman nun eh. pansin ko na talaga dati pa. tsaka kanina, nung nakita ka niya. dun ko lang nakita na kahit ganun yung nararamdaman niya, gumaan yung loob niya"
gusto kong sabihin sa kanya na `ows? di nga?`. gusto kong maniwala kasi ang saya kapag totoo nga yun. pero at the same time, ayokong maniwala kasi ayokong umasa.
magsasalita na sana ako nun ng biglang lumabas yung school nurse namin kasama si Nicz na mukhang mahina nga. sakto rin ang pagdating ni Ate Niobe para sunduin si Nicz.
"oh? Nicz?! okay ka na ba?" napatayo ako nun. grabe no, hindi naman halata na sobra akong nag-alala.
"oo, okay na ako. uuwi lang ako para magpahinga" kakaiba yung ngiti niya. halata na hindi siya okay pero sinabi niya pa rin niya na okay na siya ng nakangiti.
"salamat talaga LA haa!"
"sige po. ingat kayo!"
nginitian ako ni Nicz bago sila umalis. sila Kat naman at yung iba naming kasama sinundan na si Nicz. kami na lang yung naiwan ni Nathan dito.
"sabi ko naman na sayo na ikaw talaga yung gusto ni Nicz..."
napatingin ako sa kanya.
"tingnan mo yung ngiti niya nung nakita ka niya. kakaiba diba? imposbile na hindi mo napansin yun?"
hindi ako nakapagsalita. ayokong umasa na mahal din ako ni Nicz. pero gusto ko na mahalin niya rin ako. ang labo ko din no?!
iniwanan naman na ako ni Nathan at sinundan sila Kat. at ako naman, hindi ko na alam ang gagawin ko.
sobra ng nakakapagod manghula.
[Nicz's POV]
sumakay kami ni ate sa jeep nun. buti na lang andun si Nathan at LA para alalayan ako. hindi ko akalain na sobra magalala yung tropa sa akin. nakakagaan tuloy ng loob :)
napansin ko naman na ibang jeep yung sinakyan namin ni ate.
"ate, mali ata 'tong jeep na nasakyan natin"
"hindi pa naman tayo uuwi, pupunta tayong ospital. syempre, papacheck-up na tayo nu!"
"grabe ka naman ate! simpleng migraine lang yun no!"
"kahit na. wag ka ngang makulit dyan"
syempre, hindi na ako nagsalita. over over naman kasi, migraine lang. pacheck-up na kaagad hahaha :)) kamusta naman yun?! after ilang minutes, bumaba na rin kami dun sa ospital.
kumuha kami nung number para dun sa pagpapacheck-up something. ang dami ngang nakapila eh. mga pang 46 pa kami. sasakit tuloy pwetan namin ni ate kakaupo hahaha :))
dahil sobrang tagal pa, nagtext na lang ako kay LA :)) syempre namaaaaan, miss ko na yun kaagad
To: LA<3
hoy =)
hindi pa man nagiging minutes ang minute, nagreply na siya. bilis no?!
From: LA<3
angaling. tetxt p mn din sna kta.
mis u na :( nkuwi kn b?
ang sweet naman :)) napapangiti tuloy ako ng wala sa oras.
To: LA<3
mis u din :(
d pa. and2 aq ospital
tuloy-tuloy yung pagtetext namin. bawat text niya ata napapangiti ako tapos kinikilig ako. ang saya-saya tuloy hahaha :))
after 1 million years, at last! turn na namin. ang tagal eh :))
pumasok na kami dun sa kwarto nung doctor. wiiiiw. kinakabahan ako. grabe. pinaupo ako dun sa upuan malapit sa doctor.
"anung nararamdaman niya?"
"ay ayun nga doc, nagcollapse siya kanina sa school nila pero mukhang okay naman siya. iba na kaya yan?"
"hmm, kasi baka dala lang yan ng pagod pero iha, ano pa bang naeexperience mo?"
"uhm, yung po, nasakit po yung ulo ko madalas. tapos ang dali ko pong mapagod. yung nga po, parang hindi na nakakaya ng katawan ko yung sakit"
"nagsusuka ka ba?"
"uhm, dati po. pero minsan minsan lang naman po yun"
"ay, mahirap yan ah. eh sa mata mo? nagkakaproblema ba?"
"opo, nagbleblur nga po madalas eh. masyado na po atang nalabo yung mata ko eh"
"kasi yung mga symptoms na yan ay mga dangerous symptoms, pwede siyang mag-undergo ng mga steps. gusto niyo ba?"
"ayy opo doc. ano bang mga tests yan?"
"kailangan niya magpa CT scan"
"ha? bakit po?"
"because....
I think she has brain cancer..."
hindi ko na namalayan, napaluha na talaga ako :'(
No comments:
Post a Comment