Monday, December 28, 2009

` Chapter 31

[ LA's POV ]

siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit hindi ako nakasama dun sa dapat na birthday celebration ko. alam ko naman na kakantahan nila ako dun ng "happy birthday" at mapapahiya ako, pero hindi pa rin yun yung dahilan. ewan ko kung mababaw ba 'tong naging dahilan ko pero ang tangi ko lang alam ay napa-isip talaga ako ng husto ng mangyare yun. i-rerewind natin ng kaunti ang mga pangyayari mula nung umaga.

maaga akong nagising. sa totoo lang, hinihintay ko yung "happy birthday message" ni Nicz. at 6:30 am pa lang dumating na ito. kaya naman ang saya-saya ko di ba?! pero hindi ko na ikwekwento yun dahil alam niyo na yun. dahil sobrang aga kong magising, 5 am pa lang ata gising na ako, natulog na lang ulit ako. syempre, antok eh. paggising ko naman, ang oras na ay 10:45 am. kaya naman alam ko na ma-lelate ako. pero hindi pa rin yun yung dahilan.

nag-aayus na ako ng sarili ko nun eh. as in nagmamadali na ako. pagbaba ko sa sala nagbibihis pa rin ako ng t-shirt ko.

"nga pala..LA..may sasa-" si kuya naman kasi eh. halata naman na nagmamadali na yung tao. kakausapin pa ako?!
"kuya.. mamaya na yan.. nagmamadali na ako eh?!"
"importante 'to LA.. kasi.."

hindi ko pinapansin yung mga sinasabi ni kuya. kasi naman super late na ako. mababatukan ako nila Kat. kaya naman nag-suklay na ako ng dali-dali.

"kuya.. alis na ako ah?!" syempre, nagmamadali ako eh?!
"teka lang?!"

ilang hakbang ko pa lang sa pinto, bigla na lang may nag-doorbell. sabay bulong ni kuya ng:

"andyan na siya.."
"sinong siya?"
"ikaw naman kasi eh.. ayaw mo muna makinig?!"

manenermon pa si kuya eh?! kaya naman kesa makinig sa semon ni kuya, binuksan ko na yung pinto. nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon. i mean ngayon ko lang ulit siya nakita.















"Isabella?"

siya yung dahilan kung bakit hindi ako nakapunta...


"mukhang nagulat ka..."

siya pa rin yun. she's the same Isabella I knew and I loved. mahinhin. maganda. at mala-anghel ang mukha.

"hindi ko kasi alam na pupunta ka dito eh.."

hindi ko akalain na makakausap ko siya ulit eh. ewan ko kung anong nararamdaman ko ngayon. magulo.

"tinawagan ko yung kuya mo eh.."

kaya naman pala. yun pala yung sasabihin sakin ni kuya...

"so bakit ka andito?"

oo nga naman di ba?! bakit siya naandito?!

"gusto lang sana kita makausap.. i mean let's have a lunch date at Savory Restaurant..bihis na bihis ka naman na eh.. pero pwede nating i-pospone kung may lakad ka ngayon.."

lunch date daw? 0_o
tapos sa Savory Restaurant. meaningful yun para sakin kasi dun yung first date namin ni Isabella?! pero teka, meaningful pa nga ba yun sakin ngayon?! tsk.

"ha? hindi.. sige.. let's have a lunch date.."

ewan ko kung bakit ako pumayag sa kanya na maglunch date kami. parang pinagpalit ko yung mga kaibigan ko kay Isabella...

"eh pano na lang yung lakad mo?"

grabe. ang sweet ng voice niya. tsk.


"wala na yun.."

hindi ko akalain nasasabi ko 'to?! ang sama ko.

"so we can go?"
"sure.."

nagulat naman ako may dala siyang kotse. tsk. big time na siya ngayon ah. pinayagan na siya magka-kotse. binigay niya sakin yung car keys sabay sabi ng..

"you drive.. be careful.. you have me on board.."

nginitian ko na lang siya. hindi ko maintindihan ah. ngayon ko lang ulit siya nakita eh.

pumasok ako dun sa kotse. pumasok rin siya.


As I start to drive, nababagabag na naman ang isipan ko. ang dami na namang kung ano-ano ang naiisip ko. I mean iniwan niya ako nun tapos ngayon babalik siya. yayain niya ako ng lunch date. pumayag naman ako. tapos iiwan ko ang mga kaibigan ko. sobrang awkward. i mean hindi pangkarinawan yung mga ganito. di ba?!
tahimik akong nagdrive, dun ko nareceive yung text sakin ni EJ. nakalimutan ko pala sabihin na hindi ako makakapunta.


To: pre EJ
sori tol.cant mit u p. bwi n lng ako.

sending...


SENT!

so alam niyo na yung dahilan kung bakit hindi ako nakasama?! pero hindi ako makapaniwala na pinagpalit ko si Nicz kay Isabella.

na-traffic kami nun. sinamantala ko na rin ang pag-rereply kay EJ ng...

To: Pre EJ
xplain q n lng 2m. hve fun n lng jan.
bwi n lng tlga aq ult. sori tol.

sending...


SENT!

napabuntong hininga na lang ako. ewan ko ah, parang nagsisi ata ako sa pagpili kay Isabella. and in the first place, bakit ko prinioritize si Isabella?! mali talaga ako. tsk. napansin ko naman nakatingin sakin si Isabella. nakangite siya. cute talaga siya. tsk.

"bakit ka ganyan makatingin?"
"ewan ko.. gusto lang kitang tingnan ng mas matagal.."

kinakabahan na ako sa pananalita niya. sumisikip yung dibdib ko. lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. ano ba 'to?! may mga nabalik galing sa past ko. teka, hindi pwede yun?!

"ha?"

tinawanan niya lang naman ako. cute talaga siya. grabe. ilang beses ko na napansin ang pagkacute niya?! tsk. bakit ako nagkakaganito?!

bigla niyang hinawakan yung kamay ko. traffic naman nun. at hindi nagalaw yung kotse namin. kaya medyo safe pa rin. tinitigan niya muna ang mga mata ko.
kinakabahan na talaga ako. bakit siya nagkakaganito?! ano 'tong mga nararamdaman ko?!

"LA..."

pagsabi pa lang niya sa pangalan ko, nangangamba na ako na may mga emosyon akong mararamdaman at babalik pag narinig ko ang susunod niyang sasabihin...























"I still love you.. let's start over.."
Honestly, I'm falling for her again...

No comments:

Post a Comment