Saturday, December 26, 2009

` Chapter 23

[ Nicz's POV ]

ang tahimik ko buong araw. nagsasalita ako pero minsan "oo" lang o "hindi".yung tipong tipid na tipid sa salita. ewan ko ba. bigla na lang ako nawala sa mood. narinig ko lang kasi yung Isabella na yun, parang nagseselos talaga ako. pero wala naman akong karapatan magselos di ba?! tsk.

nung before dismissal na, nagvolunteer ako as cleaner for the day nun. dagdag kasi ng grade sa values subject namin. HAHA. masipag ako eh. si Kat sana magvovolunteer din kaso nga lang may date sila ni EJ ngayon. sweet di ba?! tapos si Rachel, gusto rin sana kaya nga lang may formal family dinner sila with her relatives. big time eh?! HAHA. kaya naman ako with my 3 other classmates ang naglinis ng classroom. tapos yung iba nagdecorate. 6:30 pm na nun, kaya naman napilitan na rin akong umuwi.
"ui.. uuwi na ako ah.. late na eh.."
"sige.. magstestay muna kami dito.."

kinuha ko yung bag ko dun sa upuan ko. then umalis na rin. nung nasa 2nd floor na ako, nakasalubong ko si Nathan. nagkatinginan kami ng mga ilang seconds nun. tapos nginitian ko na lang siya. hindi ko kasi alam kung anung gagawin ko eh.

"pauwi ka na ba??"
"aah.. oo.. bakit??"
"kailangan ko sana ng makakausap eh.."
"sige.. lika.. magusap tayo.. pwede naman eh.."
"di ba pauwi ka na?!"
"ayus lang yun.. lika na.. punta tayo ng rooftop.."

tumango na lang si Nathan at sumunod sakin. ewan ko kung bakit ba ako pa yung nag-initiate sa kanya na makipagusap. siguro, sa mga oras na ganito kailangan ko din ng kausap katulad niya. haaay. tsk.

"bakit naman sa rooftop mo naisipan na mag-usap tayo.."
"ewan ko ba.. dun kasi ako madalas dinadala ni LA eh.. para makipagkwentuhan.."
"sus.. LA na naman?!.. gusto mo bang mag-try ng bago??"
"ha?! anong bago?!"
"imbis na sa rooftop.. pwedeng sa garden tayo.."
"garden?! sige ba.. hindi pa naman kasi ako dinadala ni LA dun eh.."

hinawakan ni Nathan yung wrist ko at hinila pababa ng stairs. naiisip ko yung paghawak sakin ng kamay ni LA nun. parehas sila ng expression sa mukha. ang pinagkaiba nga lang, may nararamdaman akong kakaiba para kay LA. pero kay Nathan, wala. as in wala akong nararamdaman. kahit na drummer siya o kahit na gwapo at matalino siya. parang wala lang talaga. nung nasa garden na kami. promise, maganda dun. HAHA.

"maganda pala dito eh.." lumakad ako papasok ng garden. gusto ko tingnan yung mga flowers eh. ang ganda. HAHA

"ikaw naman kasi eh kay LA ka pa nasama .. pwede namang.."
medyo naman napatigil siya sa pagsasalita.
"sakin.."
tiningnan ko siya. yung tipong nagtataka sa sinabi niya. pero nakakapagtaka naman talaga di ba?!
"lika na nga.. upo tayo sa may bench.." bago pa man ako makapagsalita, hinila niya na ulit ako sa bench. umupo kami dun habang pinagmamasdan yung mga flowers na tipong nakatingin samin. alam niyo ba yung feeling na yun?! basta mahirap i-explain. HAHA.


"ano nga pala yung gusto mong pagusapan??"
"wala naman talaga eh.. gusto ko lang ng kausap.. kahit anung topic.. basta may kausap.."
"nyek.. ano ba naman yan?! mahina ako sa mga topic na ganyan eh.."
"ikaw? siguro naman may gusto kang pagusapan di ba?! hindi ka naman papayag na makausap ako ng walang dahilan eh.."
matalino talaga siya ah. siguro, kung si LA yung andito, hindi niya mapapansin na may nagbabagabag sa isipan ko. haaay :((
"uhmm.. sa totoo lang kasi nacu-curious ako.." wala naman sigurong, masamang makipagusap kay Nathan di ba?! sigurado naman ako na magiging good friends talaga kami. mabait naman siya eh.
"saan?" and halata naman na handa siyang makinig sakin at open-minded din siya.
"kay Isabella.. ano ba talaga yung kwento niya??" tsk. alam ko naman na eh. kaso nga lang parang may something sa loob ko na parang pinipilit ako na may alamin pa tungkol dito. parang may something pa na dapat kong malaman.
"si Isabella? bakit naman siya pa ang pag-uusapan natin?" siguro, ayaw niya ding marinig yung name ni Isabella. kasi baka galit din siya dun.
"ewan ko.. parang gusto kong malaman dahil.." nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba. tsaka ano nga ba ang dahilan?! haaay :((
napabuntong hininga muna ako bago ko ituloy yung sasabihin ko.
"she's a girl from LA's past life.." syempre, susundan yan ng explanation. "not just any ordinary girl.. sabi ni Rachel at Kat, siya daw ang unang babae na sineryoso ni LA sa buong buhay niya.. kaya naman.." ano nga ba?!
"kaya naman naiinsecure ka at nagseselos?!" yun sana ang sasabihin ko pero syempre dapat itanggi.
"ha?! hindi naman eh.. sinabi ko naman sayo na curious lang talaga ako.."
"sa totoo lang niyan.. hindi lang siya babae from LA's past.. she's also a girl from my past.."
"ha?!"
"kasi sa una naman talaga, may gusto na talaga ako kay Isabella.."
nagkwekwento na siya. I better listen to this one. "ako ang una niyang nakilala.. ako ang unang nagkagusto sa kanya.. ako ang naunang manligaw.. pero ako rin ang nahuli.." ohh.. "nung nakilala niya si LA, nainlove din si LA sa kanya, nanligaw siya then after 2 months, sinagot siya ni Isabella.. kita mo naman nanalo si LA.. ako ang luge.. ako ang talo.."
"so may rivalry kayo??"
"yup.. ganyan naman palagi eh.. kahit nung mga bata pa kami siya na talaga palagi yung kalaban ko.. pagdating sa crushes at kung ano-ano man.. naging lamang lang talaga ako sa talino.."
"pero at least friends pa rin kayo di ba?! maganda pa rin yun.."
"oo nga eh.. pero alam mo ba hindi naman talaga deserving si LA kay Isabella eh.."
"ha? bakit naman?"
"kasi isa siyang simpleng manloloko.. nung sinagot siya ni Isabella, kinausap ko talaga si Isabella dito.. sinabi ko sa kanya lahat ng kalokohan ni LA.. hanggang magalit na lang siya sakin.. hindi niya na ako pinansin.. nung mga oras na yun, nagalit din sakin si LA.. naiingit lang daw ako sa kanya dahil lahat ng dapat sa akin ay naagaw niya.."
"pero hindi rin naman sila nagtagal di ba?"
"oo.. ewan ko kung anong nangyare eh.. nagulat na lang talaga kami na nagbreak sila.. si EJ at Ethan lang talaga ang nakakaalam sa grupo.."
tama nga sila Kat at Rachel.
"hanggang ngayon ba buhay pa rin yung friendly rivalry niyo?"
"yep.."
"san?"















"sayo.."
nung mga oras na yun, parang tumigil yung pagikot ng mundo ko at pagtibok ng puso ko. parang bang panaginip 'to lahat. tsk. nagulat talaga ako sa sinabi niya. ako daw?!
tumayo ako kaagad. gusto ko na umalis dito eh. eto na ba yung pagpaparamdam ni Nathan sakin?! tsk naman oh. pero pagkatayo ko, hinawakan niya yung wrist ko.
"saan ka pupunta??"
"uhmm.. I just have to go.. okay? late na rin eh..."
tumayo na rin siya sa harapan ko. pero hawak pa rin niya yung kamay ko.
"Nathan-" ewan ko kung anong sasabihin ko sa kanya. basta gusto ko ng humiwalay.
"wait Nicz... gusto ko sana isipin mo ang bawat galaw at mararamdaman mo.. gusto ko sana na maging sure ka sa lahat ng mga bagay-bagay.. if you're sure, then go ahead. pero kung parang may something na napigil sayo, please wag mo na gawin.. dahil kung ganun, dadating sayo ang disappointiment.. ayokong maramdaman mo yun.."
"ha?! anung ibig mong sabihin?!"
"please take every step carefully.. please don't rush things too rough.. I love you Nicz.."
tinitigan ko siya. kita ko talaga sa mga mata niya, yung sincerity niya. "and I'm sure of it na may gusto din sayo si LA.. and baka iniisip mo ngayon na may gusto ka kay LA.. pero sana pagisipan mo yan.. sasaktan ka lang niya and you don't deserve to be treated like that.. hindi ka pwedeng paiyakin ng kahit sino man.. lalong-lalo na si LA.." tumungo na lang ako. ewan ko ba. dapat ba akong maniwala kay Nathan?!
"wag mo sanang isipin na sinisiraan ko si LA sayo.. please do take this as a friendly advice.. ayokong iiyak ka.. okay?"
"Nathan-"
tinanggal niya na yung kamay niya.
"wag ka na magsalita.. umuwi na lang tayo.."
ewan ko kung anu bang dapat kong sabihin. I don't wanna hurt this man's heart who hasn't really yet recovered from his first love.
hindi ko sa kanya masabi na may gusto nga talaga ako kay LA. tsk. pero kung sabihin ko man yun sa kanya, wala namang mangyayare di ba?! so mas maganda kung ako lang at si Nico ang nakakaalam. nakakaines naman kasi si Nico eh. dapat kasi ako lang ang nakakaalam ng ng mga nararamdaman ko. sumakay kami sa kotse niya. tahimik kami pareho. nagiisip kung ano ang sunod naming sasabihin sa isa't isa.

nung nasa tapat na ako ng bahay ko...
"Nathan.. thanks for everything.."
"thanks for the time rin.."
bubuksan ko na sana yung door ng kotse niya pero hinawakan niya yung kamay ko at nginitian ako. tinanggal niya yung kamay niya sa kamay ko and lumabas dun sa kotse niya. tumapat siya dun sa door ko and opened it. gentleman much ah?! HAHA.

"you don't have to do this.." nakakahiya kaya. lumabas na rin ako ng kotse. inalalayan niya ako by holding my right hand.
"please think about my advice.. okay?"
tumango na lang ako at nginitian siya. then, sumakay na siya sa kotse niya and drove away. late na rin eh. mga malapit na mag 8:30 pm nun eh. pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako ni Ate Niobe.

"bakit ngayon ka lang?? alam mo bang kanina naghihintay si LA sayo dito.."
"ganun ba.. bakit daw?"
"hindi daw kasi kayo nagsabay umuwi.. chinicheck lang daw niya kung andito ka na.."
"hayaan mo na lang siya.. magkikita rin naman kami bukas eh.."
"o siya?! kumaen ka na.."
"hindi muna ako kakaen.. wala ako sa mood.."
"ha?!"
"mamaya na lang siguro.. pupunta muna ako sa kwarto."
narinig kong bumulong si ate habang inaayus yung pagkaen sa dining "anung problema nun?"
hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko.
humiga agad ako sa kama. ewan ko. parang tama si Nathan. dapat kong pagisipan ang lahat. baka kasi sa huli masaktan lang ako. haaaay. tsk naman oh.
ewan ko kung anong nararamdaman ko ngayon. hindi ko maintindihan. napaka unusual yung mga ganitong pagmomoment ko sa kwarto. ginawa ko lang 'to nung namatay si papa eh. yung mag-emote ng ganito. tsk naman eh. :(
napapaluha ako na ewan. hindi ko alam kung bakit. Is it because of Isabella? o sadyang hindi ko lang matanggap sa sarili ko na hindi ako minahal ni LA and isa lang talaga ang mahal niya.. which is si Isabella. his sparkle. wala akong magagawa dun. hindi ko na mapigilan. may nararamdaman ako sa loob ko na gusto ko talagang ilabas ngayon.














the next thing I knew I was crying with an unknown reason..

No comments:

Post a Comment