[ LA's POV ]
di ako makapaniwala. nabasted ako. first time yun ah. ano bang type ng babaeng yun?! di niya ba alam na ako ang pinapangarap ng mga babae at siya ang pinapangarap ko. siguro, hindi lang ako. baka pag nakita siya ng mga kaibigan ko, magustuhan din siya. She's every man's dream. o yeah. tama. maganda siya. ang ganda ng ngite at mga mata niya. haaaay :))
nakakain love. pero teka, in love nga ba ako ulit? pssh. asa naman. pagkauwi ko sa bahay, patay na naman ako kay kuya. nagpaulan ba naman ako tapos madaling araw na oh.
"oh?! ano na namang kalokohan yung ginawa mo?!" oh di ba?! sermon na naman abot ko dito.
"nabasted ako kuya..."
"oh talaga?! buti naman. first time yun ah. sino naman kaya yung babaeng yun na hindi bumigay sa pagkabolero mo?!"
"basta ngayon ngayon ko lang siya nakilala tapos natamaan agad ako..."
"good luck na lang sa panliligaw mo dyan..."
"hindi ko na yun liligawan .. masyadong pakipot eh.."
"ha?! so pinaglalaruan mo lang siya?!"
"hindi.. ayoko kaya siyang saktan kaya nga hindi ko na siya liligawan eh kasi alam ko masasaktan yun sa huli..."
"ohh.. so mahal mo siya??"
"ewan ko basta ayaw ko siyang masaktan.. tapos.."
"wow... nababawasan na ngayon sungay mo ah!" may sungay ba ako?! ulol eh.
"tss.. sa kanya lang naman eh .."
sa totoo lang, sa kanya lang talaga ako medyo nagtino kahit 1%. kasi ewan ko. ayaw ko siyang saktan kaya hindi ko na siya liligawan. makikipag friends na lang ako sa kanya tapos hindi na ako makikipagkita sa kanya in the rest of my life. tama nga yun. HAHA. nagshower muna ako at nagpalit ng damit. tapus natulog na rin. kinabukasan, wala akong date sa MGA girlfriends ko kaya naman pupunta muna ako kay na Ethan at EJ. sila yung magkapatid na best friends ko. silang dalawa lang ang nakakaalam ng lahat ng mga kalokohan ko. HAHA. si Ethan yung rhythm namin. tapos si EJ yung bass. oh di ba, mga gitarista kami. HAHA. dahil welcome na welcome talaga ako sa bahay nila, hindi ko na kailangan magdoor bell o kumatok sa pintuan nila. basta pasok na lang ako.
"LA... sila EJ nasa kwarto nila.." yan si Ellise. 1 year na mas bata siya sa akin. linigawan ko yan dati eh. sinagot ako pero syempre may mga kasabay yan.pero nakipagbreak sakin yan. HAHA.
"ahh.. ok.. hindi naman sila yung pupuntahan ko dito eh.."
"ulol.. pumunta ka na dun.. lolokohin mo lang ulit ako eh.." wow. alam niya na agad ang gagawin ko. nginitian ko na lang siya at pumunta na dun sa kwarto nila Ethan at EJ. 1st year college na si Ethan sa pasukan pero sa iisang school pa rin kami. may elementary, high school at college kasi sa school namin eh tsaka para na rin sa tropa at banda namin.
pagpasok ko dun sa kwarto nila, naggigitara si EJ nun habang si Ethan may pinagaaralan na chords. ewan ko kung anung kanta yun eh.
"oh. tol, bakit napapunta ka dito?!" yan si Ethan. HAHA.
"nabasted ako eh.."
"ows? wag ka magjoke. di nga?!" yan si EJ. nabigla sila sa aking balita ah. HAHA.
"oo nga tol.. promise.."
"sino naman bumasted sayo tol?! kakaibang babae yun ah.."
"kakaiba talaga... si Nicz... maganda siya tapos basta nakakain love.."
"paano mo naman yun nakilala??"
"nakilala ko siya sa National Bookstore... akala ko kasi alagad siya ni kuya eh.. hindi pala.. kaya yun kinuha ko number niya at pangalan niya... natamaan nga ako kaagad nung nakita ko siya eh.."
"ohh.. kelan lang kayo nagkakilala??"
"kahapon ng kahapon..."
"ows?! tapos in love ka na agad?!"
"oo... masama ba yun?"
"tol.. kakakilala mo lang yung tao.. nanligaw ka na kaagad.. ano pa bang alam mo sa kanya??"
"marame.."
"sige nga... anu-ano??"
"magtanong na lang kayo kung anung gusto niyong malaman.."
"ano whole name niya??" whole name?? hmmm. di ko yun alam ah. ohhh. di ko nga alam whole name niya.
"aahh... eh.."
"tingnan mo.. hindi mo man lang alam pangalan niya... ano mga hobbies niya??" hobbies?? wala akong alam sa hobbies niya. di tuloy ako makasagot.
"di mo man lang masagot... ano pangalan ng mga kapatid niya at mga magulang niya??"
"ewan ko.. dapat pa bang alamin yun?!"
"oo naman.. alam mo ba yung mga bagay tungkol sa love life niya??" lovelife niya?! hmmm. wala akong alam dun ah.
"may alam ka ba tungkol sa personal life niya??"
"wala rin.."
"oh di ba pre.. nainlove ka sa babaeng hindi mo man lang alam ang whole name, hobbies, love life at personal life.. ano ba naman yan!?!"
"pero EJ.. promise.. ang ganda niya talaga..."
"maganda nga siya.. pano kung may boyfriend na siyang iba?!"
"tapos paano kung yung boyfriend niya anak ng drug lord at ipapatay ka!!"
"oi.. pre.. wala namang ganyanan.. ako papatayin?! baka bumaha ng mga luha.."
"baka nga magparty pa mga babae eh.."
"pero imaginine niyo na lang.. paano kung sagutin ako ni Nicz.. eh di greatest achievement ko na yun!!"
"bakit naman??"
"syempre, siya ang unang bumasted sa akin.. pag linigawan ko na ulit siya tapos sinagot niya na ako.. ang saya kaya ng feeling ng ganun.."
"so liligawan mo pa rin siya?? kahit binasted ka na niya.."
"ewan ko.. hindi na siguro.."
"gulo mo rin noh?!"
"kasi kung mapasagot ko lang siya, baka paglaruan ko lang siya.."
"pinaglalaruan mo na nga siya eh... yan siguro yung dahilan kung bakit ka niya binasted.. buking ka na niya siguro.." oo nga noh?! marami nga pala siyang nakita. ohhh.
"pero hindi lang naman yun eh... ayoko siyang masaktan.."
"ows?! seryoso ka??"
"oo.. kaya nga hindi ko na siya liligawan eh baka masaktan lang siya sa huli.."
"first time yan ah.. first time mong naisip ang mararamdaman ng isang babae..."
"pangalawa naman.."
"ulol... hindi.. minahal mo nga Isabella pero may sinabay ka pa rin dun tsaka kahit papano pinerahan mo yun?!"
"pero dahil may dugong impakta talaga yun, mabuti na rin na hindi natuloy ang relationship niyo.."
"ganun?!"
"so una mo talaga yan.. ayus ah.."
"unang basted.. unang sineryoso!!"
"di ko na nga liligawan eh..."
"di mo nga liligawan pero pwede ba namin siyang makita??"
"ha?! bakit??"
"di ba sabi mo di mo na liligawan.. kung magandahan ako, eh di ako na ang manliligaw.."
"ha?! asa. walang ganyanan tol. akin yun eh.."
"paano yun magiging sayo?! binasted ka nga..."
"hinde... basta tol.. wag niyong ligawan yun.."
"oo .. sige na.. di ka namin aagawan" halata naman malakas tama mo dyan eh. HAHA "basta ba gusto namin siya makita mamayang gabi.."
"ha?! paano??!!"
nagtinginan yung dalawang magkapatid. ano 'to?! anung plano nila?! parang sila lang yung nagkakaintindihan ah. binigay sa akin ni EJ yung gitara niya.
"oh?! para san 'to??"
may binigay sa akin na chords si Ethan.
"pag-aralan mo yan.. dapat mamayang gabi, matutugtog mo yan.."
"ha?! para san?!!"
"manghaharana ka ng babae.. " ows?!
Monday, December 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment