Tuesday, December 22, 2009

` Chapter 9

[ LA's POV ]

kasulukuyang hinahatid ko ang aking 6th girlfriend na si Megan sa bahay niya. HAHA. ngayon ko lang nalaman kapitbahay niya pala si Nicz. (si Megan yung nasa picture)



"sige.. Megan.. thanks for the time ha.."
"sige. bababye na.." sabay halik sa cheeks ko. yeah, this is my life. HAHA. napakasarap na buhay. nung pumasok na si Megan sa bahay niya, linapit ko yung motor ko sa bahay nila Nicz tapos sinilip ko siya. nakita ko naman siya dun sa balcony nila. nakaupo lang sa bench nila. ang cute niya talaga oh.

"Oi.. Nicz!!" tumingin siya sa akin.
"anu na namang ginagawa mo dito?!"
kunwaring nagulat. hehe.
"wala.. hindi na ikaw ang pinupuntahan ko dito.. yung kapitbahay mo na.."
"si Megan??"
"oo... bakit nagseselos ka ba?!"
"hinde.. asa naman.."
"asus... di nga?!"
"umalis ka na nga kung mangaasar ka lang..."
"eto naman oh?! hindi mabiro.."
tsk. ang pikon naman netong si Nicz. HAHA. pero cute niya pa rin. "may kasama ka ba dyan??"
"wala.."
"pwede pumasok??"
"kailangan ka pa bang pumasok??"
"sige na.. gusto ko lang makipagkwentuhan.."
"hindi ba magagalit yang Megan mo??"
"hindi yan magseselos tsaka wala naman tayong feelings para sa isa't isa di ba?!"
ako may feelings sayo. hindi nga lang tayo mutual. HAHA.
"oo..."
"kaya papasukin mo muna ako.."
inirapan niya naman ako. anung problema nun at kailangan pa akong pagtarayan?! HAHA.

binuksan rin naman niya yung gate niya at syempre, pumasok na rin ako. tapos tumabi ako sa kanya.

"bakit ka nakatambay dito??"
"wala lang.. nagpapahangin lang ako.."
"bakit wala kang kasama??" dami namang tanong neto?! bwiset. tsk.
"kasi si mama at si ate nasa trabaho.. si Nico naman.. hindi pa nauwi.. ewan ko kung nasaan yun ngayon.."
"oh?! eh di ibig sabihin tayong dalawa lang yung naandito?"
"oo... sa ngayon.. pero kung umalis ka na ngayon.. eh di hindi na sana tayo ang magkasama ngayon at ako na lang magisa.. kaya umalis ka na ngayon.."
"ayoko ngang iwanan ka ng magisa.. paano kung may magnanakaw na pumunta dito?!"
"sus.. ang dali lang nilang patumbahin eh.."
"ngek.. sa payat mong yan.. hindi mo sila kaya .. kaya nga andito ako eh.." sa totoo lang hindi siya payat eh. hindi rin siya mataba. sexy siya. HAHA. :))
swerte ko naman oh?! parang kasing pangMegan Fox katawan netong kausap ko ngayon.

"tumigil ka nga.." aww. pikon na naman. pero ang cute pa rin niya. HAHA.

"nga pala.. asan tatay mo??" tss. medyo natamaan ako sa tanong ah.
"tatay?? wala na ako nun.." ha?! anung ibig sabihin niya dun?! "namatay siya dati nung 6 years old ako dahil nag plane crash yung sinasakyan niyang eroplano nung pauwi na siya dito galing Canada.."
"ay.. sorry.." tsk. ang sama ko. bakit ko pa naitanong sa kanya yun?! badtrip naman oh?! tsk. pero magiging dahilan ko 'to para gawan siya ng first move. HAHA. hinawakan ko yung kamay niya.
"ayus lang yan.. ganun talaga ang buhay.. kailangang tanggapin tsaka-" bigla naman niyang pinutol yung sasabihin ko.
"alam mo... matagal na ako nakamove on dyan.. di ko na din kailangan ng mga inspirational words mo!" inalis niya kaagad yung kamay niya sa kamay ko. tsk. sayang naman yung inspirational-romantic speech ko sa kanya. sayang, siguro kung tinuloy ko yun. kanina ko pa siya nayakap. HAHA.
"eto naman kinocomfort ka na nga.. pero sanay ka ba palaging mag-isa??"
"oo.. kahit dati naman sa laguna eh.."
taga-laguna pala siya dati. unti-unti ko na rin siya nakikilala ah. HAHA. "sanay na talaga ako.. si mama nagtratrabaho.. si ate laging nasa bahay nung boyfriend niya dun.. tapos si Nico nasa bahay ng pinsan ko palagi natutulog.. minsan nga isang araw kaming hindi nagkikita eh... hahaha.. pero masaya pa rin naman ako kahit na ganun pero syempre.. mas maganda kung may tatay.."
may past pala 'to eh? tsk. yan tuloy, parang natatakot na akong saktan siya. tss. "napakahappy family noh?!" sabay ngite sa akin pero halatang peke. tsk.
"mas maganda pa nga pamilya mo kesa sa akin eh.." kung siya nag-share ng mga experiences niya. syempre, dapat ako din. para quits kami. "kumpleto nga.. feeling mo naman .. watak-watak.. tatay ko ginagawang tanga yung nanay ko.. eto namang si mama nagpapakatanga.. si papa kasi nambabae pero hindi lang basta babae... mahilig siya sa matandang babae!! mas matanda pa kay mama.. matatanggap ko pa sana kung bata eh, kasi sa totoo naman nagiging losyang na yung mama ko pero ang pinapalit niya kay mama, isang babaeng mas losyang pa.. oh di ba?! napakaunfair nun?! kaya naman mas maganda kung wala na lang akong tatay.. tapos pag may kalokohan ako, hindi niya dinadaan sa mabuting usapan.. agad-agad na lang siyang mapipikon tapos bigla na lang bubugbugin ako.. eto naman si mama at si kuya, walang magawa. kundi bugbog sarado rin sila kung pigilan nila si papa.. oh sige nga?! mas gugustuhin ko pa nga yung buhay mo eh.."
"so natulad ka pala sa papa mo??"
tsk. bakit ba ang galing magtanong ng babaeng 'to?!

"medyo pero at least magagandang babae ang pinupuntirya ko noh?!"
"so kung ganun, may balak ka pala mag kameron ng buhay na katulad sa papa mo?!"
"wala.. ayoko nga ng ganun.."
"eh bakit ka nagkakameron ng maraming girlfriends?!"
"simple lang.."
tsk. madrama 'tong sagot ko. "kulang ako sa pagmamahal"

nung sinabi ko yun, medyo nailang ako kay Nicz. sa kanya ko pa lang naman nasabi yung tunay na dahilan eh. ewan ko ba. feeling ko pwede ko siyang pagsabihan ng kung anu man yung nasa loob ko. pati nga sila EJ at Ethan, hindi 'to alam. tsk.

"oh?! talaga.." tumango na lang ako. "ang masasabi ko lang sayo
minsan may dadating sa iyo na tao na magkakameron ng malaking parte sa buhay mo para ibigay sayo ang mga bagay na wala ka ngayon..." ngumite siya sa akin. tsk. bakit yung ngite niya parang nagpapakalma sa nararamdaman ko?? tsk naman oh. "tulad niyan.. di ba sabi mo kulang ka sa pagmamahal.. malay mo may tao na magbibigay na sayo niyan.. ibibigay niya sayo yung bagay na wala ka.. " tsk. sana nga ikaw na yun.ano ba 'tong sinasabi ko?! di ba ayaw mo siyang saktan?! tinitigan ko siya. ang ganda ng mga ngite niya. tsk. napapaisip tuloy ako. di ko maisip na mawalan ng ngite yung mukha niya. tsk. di ko nga siya pwedeng mahalin. tsk naman oh?! bakit pa kasi siya binigyan ng nakakabaliw na ngite eh.
"oh?! bakit hindi ka na umimik dyan?!"

"ha?! sorry ba!"
tsk. natulala na ako sa kanya.
"di ka siguro, nakikinig sa kin noh?! hmf!"
"hindi.. nakikinig ako.. promise.."
"ows?!"
"oo.. nga pala.. 9 pm na oh?! wala pa ba yung kapatid mo.."
"oo nga noh?! tsk."
kinuha niya yung cellphone niya. "nagtext pala sa akin si mama.."

From: mama
nak,di kmi uwi ng ate m jan.
tas c nico stay cia sa kaklase nya.
overnyt dw sya dun. bka 1 wik kmi wala
kaw n bhala sa bhay ah. ingat plgi. love you.

ohh.. 1 week walang kasama?! tsk.

"wala kang kasama?! sure kang ok ka lang??"
"oo naman.. di ba sabi ko sayo sanay na ako..."

bigla na lang umambon. tsk. malas ko naman oh?! lalakad pa ako sa bahay ng naambon.
"tsk.. naambon na?! paano na ko ngayon?!"
"eh di dito ka muna.. hintayin mo na lang na tumila yung ambon.. baka mamaya magkasakit ka pa dyan.."
"sure ka??"
"oo.."
binuksan niya yung pinto nung bahay nila at pinapasok niya ako dun. tss. ngayon lang ako nakapasok sa bahay nila. tsaka medyo naiilang ako, kami lang magkasama dito. tsk. umupo siya dun sa sofa. umupo na din ako.

"anung gagawin natin dito??"
"teka.. tumahimik ka muna.."'

*sabay kulog*
medyo nagulat si Nicz nun. tumayo siya at sinarado yung mga binatana.
"bakit mo sinasarado??"
"ang lakas nung kulog eh.."
umupo na ulit siya sa tabi ko tapos yinakap yung unan niya.

*kulog ulit*
napayakap siya sa unan ng mahigpit. tsk. hindi kaya takot siya sa kulog? 0_o

"takot ka ba sa kulog??"
"hindi ah!!"
pero halatang nangingineg oh?!

*kulog ulit*
ngayon, tinakpan niya na yung tenga niya. tsk. takot nga. ayaw pang sabihin eh.

"ikaw talaga.. takot ka naman eh.." linapitan ko siya ng unti.
"alam mo kung mang-aasar ka lang.. lumayo ka na sa akin!!" hindi naman ako nang-aasar di ba??!

*kulog ulit*
nagulat na lang ako napalapit sa akin si Nicz. hawak niya yung damit ko ngayon. tsk. nagulat ako dun ah. isa pang kulog L
ord. HAHA

*kulog ulit*
napayakap naman siya sa akin ngayon! thank you Lord. kulog pa . last na! HAHA

*kulog ulit*
then yinakap niya ako ng mahigpit. tsk. o yeah, i love my life. HAHA.
yinakap ko rin siya syempre. tss. sarap ng feeling. mga 10 minutes din kaming magkayakap. HAHA.

humiwalay na siya sa akin ng unti-unti nung wala ng kulog.


"sorry talaga..."
"ayus lang.. hindi ka pa ba matutulog??"
"ha?! paano ka?! di ka pa pwede lumabas.. lakas pa ng ulan oh?!"
totoo nga. malakas pa nga yung ulan. tsk.
"ayus lang ako.. matulog ka na sa kwarto mo.."
"ayoko dun.. nakakatakot kaya.."
"ganun?! eh di dyan ka na lang sa sofa.. babantayan kita"
tsk. HAHA. bakit ba ako nagkakaganito sa kanya?!

tumayo ako para magkameron siya ng space para makahiga na siya. nung humiga na siya sa sofa, umupo lang ako dun sa sahig malapit sa sofa. yung tipong magkasinglevel yung mga mukha namin.
"matulog ka na dali.." pinikit niya na yung mga mata niya. tsk. ang cute. tsk.

hinawakan ko yung buhok niya. ang ganda ng buhok niya. tsk. patuloy ko pa rin hinahawakan yung buhok niya.

Take note: touching someone's hair expresses affection

Pero para sayo
Ako'y magbabago
kahit mahirap
kakayanin ko
basta't para sayo
handa akong magpakatino
laging isipin
lahat ay gagawin
basta't para sayo


tsk. kinantahan ko lang naman siya eh. pero medyo binagalan ko yung pagkanta ko sa kanya. nung medyo tumila na yung ulan, naghanap lang ako ng maliit na papel tsaka ballpen. luckily, nakakita ako. nagleave ako ng note sa kanya:

Oi Nicz.. umalis na nga pala ako
kitakits na lng tau mamaya
may atraso ka sa 'kin.
pinuyat mo ako

linagay ko yun sa kamay niya. madaling araw na yun, lagot na naman ako kay kuya. tsk. nung aalis na sana ako, nagulat na lang ako, nagsalita si Nicz habang tulog...





















"LA..." 0_o

No comments:

Post a Comment