Monday, December 21, 2009

` Chapter 6

[ LA's POV ]

ang saya nga naman talaga nun oh?! pero seryoso naman talaga ako sa sinabi ko sa kanya. yung "babye Nicz" .
napagisipan ko lang na never ko na siyang pupuntahan. last na talaga yun. di ko na rin siya liligawan. di ba nga sabi ko sa inyo.. ayoko lang masaktan siya. HAHA.

"tol.. ayus ka rin noh!? hinalikan mo?!"
"sus..daming beses ko na yung ginawa.."
"astig ka rin tol noh?!"
"ako pa.."

tumigil na kami sa kakatakbo nung nasa tapat na kami ng bahay nila EJ. syempre, ako nagpatuloy pa rin sa paglalakad ko papunta ng bahay namin.

in some way, di ko pa rin makalimutan yung pagkiss ko sa kanya. di ko nga rin akalain gagawin ko pala yun. HAHA. pero sarap ng feeling. :))
pagpasok ko ng bahay namin. nakita ko agad si kuya, nakaupo siya dun sa couch. naghihintay sa akin.

"bakit ngayon ka na lang ulit?! umakyat ka na naman ng ligaw noh?!"
"hindi na ah..."
"alam mo... kung mahal mo naman talaga yung babae na yan.. pwede ka namang magbago eh.."
"ako? magbabago??"
"oo... magisip ka Lorenz.. may opportunity ka pa para baguhin yang kagaspangan sa ugali mo.."

di ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni kuya. ako? magbabago? pumasok muna ako sa kwarto ko. napahiga ako dun sa kama ko.

minsan nga may point si kuya. kung gusto ko nga naman talaga si Nicz, bakit nga naman hindi na lang ako magbago. pwede ko siyang gawing dahilan at inspiration para magbago ako. tama, siguro. eto na yung tamang oras para magbago na ako. ayoko kasi siyang masaktan eh. in love na ata ako.
for sure, wala ng dugo ng impakta 'tong si Nicz. mukhang pasado kay na EJ at Ethan eh. HAHA.
tama. magbabago na nga ako. for starters, bre-breakan ko lahat ng girlfriend ko.
as in ngayong gabi na...

kinuha ko yung cellphone ko and dialled the number of Cynthia. it's no turning back. makikipagbreak na ako. bahala na sila kung anung isipin nila basta gagawin ko ang lahat para magbago. para kay Nicz.

pinick-up na ni Cynthia yung phone niya...

"Hi babe.. napatawag ka??"

oh?! ano?! makikipagbreak na ba ako?!


"wala lang babe namiss lang kita!!"


asa namang magbago ako. sa mga mararaming maganda at seksing babae na nagkakagusto sa akin, bakit ko sila ipagpapalit sa babaeng ang hirap pabigayin. sus, di naman ako apektado na nabasted ako ni Nicz eh. madali lang yun kahit na mas maganda sana kung magiging kami pero no regrets pa rin. HAHA.

"sige babe.. babye na.. gusto ko lang marinig boses mo.. i love you so much.."

binababa ko na yung cellphone. bakit ko sasayangin lahat ng mga pinaghirapan kong ligawan para kay Nicz?! hindi naman ako abnormal noh?! pero siya lang ang nakilala kong babaeng may matinong pagiisip. yung hindi basta basta bumibigay sa mga taong katulad ko. She's one of a kind. nakakainlove talaga oh?!

pero dahil ayaw kong nahihirapan ako. hindi ko na siya liligawan. hindi ko na siya tatawagan at hindi ko na rin siya itetext. tama. tama.

pero teka, bakit nga ba siya ang iniisip ko?! pwede namang si Cynthia. si Sandra. si Mae. si Tricia. nga pala, break na kami. HAHA. tapos meron pa akong Mitch. oh di ba?! ang dami. bakit ko sila ipapagpapalit lahat kay Nicz?! tama naman ako di ba?!

kasi naman eh, ang mga babae parang mga vices. nakakaadik. tsaka hobby ko na ring mangolekta ng babae. alam niyo yun. collect and collect then select.

tama naman ako di ba?!
girls are just like pretty little toys. kayang-kayang paglaruan. parang si mama. madaling napapaikot ni papa. tsaka ang mga babae rin naman di ba?! pinaglalaruan rin ang mga lalake. experience ko na lang with Isabella.

sineryoso ko siya, pero pinagsabay niya pala ako sa pangit niyang boyfriend. kaya naman para quits at may equality, why not play with them too??

tama ako di ba?!

There's no such thing as love. kasi yung love lang naman na yan eh isang game.

minsan GAME OVER na. pero pwedeng pwede mong ireset. maexperience na ako sa lokong laro na 'to kaya naman sana wala ng magbabalak na makipaglaro sa akin kasi masasaktan lang sila. kaso nga lang di naiintindihan ang mga babae. tuloy pa rin sila kahit na alam nila na sasaktan ko lang naman sila. hindi ba nila alam yung tanging prinsipyo ko:




















Don't play games with someone who plays better

No comments:

Post a Comment