"may practice tayo. lika na" nagulat ako sa reaksyon ni Rachel at Nicz. ang laki at ganda kasi ng mga ngite ni Nicz. may nangyare ba? ano bang meron? teka, may namiss ba ako na pangyayare?! o___O tapos eto pang si Rachel, kakaiba yung ngiti. parang nangaasar na ewan. hindi ako sanay kay Rachel na ganito ha! kinakabahan na tuloy ako -___-
"oh yan Nicz, andyan na si LA ohh :))" teka, oh ano ngayon? o.O
"eh ano naman ngayon Rachel?" nakakapagtaka kasi diba?
"WALAAAAAA. sige mauna na ako. baka malate ako sa practice hahaha :P" okaaaay, parang sinapian ng ibang kaluluwa tong si Rachel. nag-iba yung kilos. adik lang eh :)) umalis naman na siya. nahuli ko pa si Nicz na nangingite. nababaliw na ata 'to eh?! :D
"oh bakit napapangite ka dyan?"
"WALAAAA. sige mauna ka na sa practice, aayusin ko lang 'to" halaaaaa, natulad siya kay Rachel ah. ano bang meron?! O.O
"hinde, tutulungan na kita dyan" lumapit naman ako sakanya. inayus ko yung pagkakapatong-patong nung mga libro niya at notebooks. "ipapasok mo ba 'to sa locker mo?"
"uh..oo.. ako na dyan" kukunin niya sana yung mga books niya pero syempre, hindi ko siya hahayaang mahirapan.
"Ako na. ang kulit mo eh" syempre dahil mapilit ako, pumayag na siya. pumunta kami dun sa locker room. dala-dala ko yung books at siya naman yung may dala nung notebooks niya. kinikilig ako. hindi ko alam kung bakit. hahaha :)) siguro nababangag lang ako.
binuksan na niya yung locker niya. nasa itaas pala yung locker niya eh mukhang hindi pa niya kayang ilagay yung notebook niya sa itaas. nakakatawa nga siya eh, parang siyang bata na nagpipilit kunin yung laruan niya sa taas ng isang malaking cabinet :)) nakatungtong pa siya dun sa parang step stool. oh grabeeee. ang liit niya hahaha :))
"ako na nga maglalagay para maayos! ayaw pa mag patulong sakin eh"
"kainis 'to" napikon pa eh. cute talaga niya. hahaha :">
syempre, wala akong kahirap-hirap sa paglalagay nung notebooks niya. maayus pa. ohaaa! kahit na busy ako sa pag-aayus ng books at notebooks niya, nahuhuli ko pa rin siyang nakatingin sakin. nasa step stool pa rin kasi siya kaya medyo malapit yung mukha namin sa isa't-isa. grabe no! nakipag-eye-to-eye contact naman na ako sakanya, yung tipong sobrang lapit na nung mukha ng isa namin sa isa't-isa. nakakailang pero gusto ko din :))
"kanina ka pa nakatingin sakin ah!" mukhang nagulat siya sakin. lumaki talaga yung mata eh haha :))
"ha?!" kasabay nun ay muntik na siyang mahulog dun sa step stool na kinakatayuan niya. buti na lang andun lang ako sa bandang gilid niya para saluhin siya, grabe, parang nangyayare lang 'to sa mga pelikula. akalain mong, pwede ring mangyare sa totoong buhay.
Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo at pagtakbo ng oras. parang ang tagal-tagal namin sa posisyon na yun kahit na limang segundo lang naman talaga. grabe no? :))
"uh... sorry... napakaclumsy ko.." sabi niya habang nababa siya dun sa step stool.
"in love ka no!?"
"h-ha?!... pano mo naman nasabi yan?!" ang defensive naman neto hahaha :))
"halata ka buii... haha" umirap naman siya sakin. grabeeee, ang cute talaga eh hahaha :))
"hay nako LA. ALAM NA! :D" bigla naman akong kinilabutan nung sinabi niya yung ALAM NA. parang.... halaaaaa O.o anu yung ALAM NA?!
"a-anong alam na?"
"hahaha. punta na nga tayo sa practice!"
hinila naman niya ako papunta dun sa gym kung saan kami magprapractice. grabe, kinakabahan ako sa kilos ng babaeng 'to ha. kahit sa practice, panay ang ngiti. parang nakaperfect lang sa exam ng physics eh :)) sobrang tuwa. nung break namin sa practice, tinabihan ko siya dun sa bench sa labas nung gym
"saya mo ngayon ah... ano bang meron ngayon ha?"
"wala naman :) may nalaman lang..." eh? ano yuuuuun ? o.0
"ano?"
"hm, ikaw ba, diba may gusto ka kay sparkle? :)" okay. ang weird na neto. first time niyang iopen sakin yung sparkle topic ng ganito. i mean siya si sparkle. pero nakakatakot pa ring umamin -___-
"oo, hindi ko lang siya gusto. mahal ko na siya"
"haaaaaay. inamin mo na ba sa kanya?"
"hindi pa. hindi ko kasi kaya. hindi ko nga alam kung aaminin ko pa eh."
"aminin mo kaya!"
"sus, bakit pa?! minsan na nga lang akong magseryoso, masasaktan pa ako. nakakapagod din kasi eh. naasa pa ako sakanya, eh alam namang walang pag-asa"
"paano mo nalaman na walang pag-asa, eh hindi mo pa nga nasusubukan. malay mo, mahal ka rin niya"
napabuntong hininga na lang ako. mahal niya ako? hindi ko alam. sana oo.
"paano ba ako aamin sakanya?"
"hm, yayain mo siya ng kayo lang kahit saan basta kayo lang tapos sabihin mo na sakanya lahat. parang ganito, tayo lang"
nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na ba sakanya o hindi. kabado na kasi talaga ako eh. parang nanginginig na ako. parang nauubusan ako ng dugo.
"oh ano na?"
"hindi ko ata kaya yun Nicz"
"baket?!"
"k-kasi ewan ko. nakakatakot. baka iba yung reaksyon niya"
ang kulit ko din no. ako na nga 'tong binibigyan ng opportunity para umamin sakanya, hindi ko pa magawa. hay nako, paano ba kasi umamin?! tsk.
"hay nako. bahala ka nga dyan. ang kulit mo"
patayo na sana siya nun pero bigla kong hinawakan yung kamay niya. tsk, eto na talaga. sasabihin ko na talaga 'to. tumayo na rin ako tapos humarap sakanya. nakakailang tapos nakakanginig. nakakakaba. nakakatakot. pero sige bahala na kung ano mang mangyare. kung hindi man kami, okay lang. kung si Nathan ang piliin niya, okay lang. basta maamin ko sakanya ngayon na, yun ang importante.
"Nicz..."
"oh?"
oh ayan. itutuloy ko na talaga 'to. inhale exhale. wew.
"ano kasi... kasi..
wala pala."
hindi ko talaga kaya :x
No comments:
Post a Comment