minsan na lang ako maka-attend ng practice. pero okay lang, tapos naman na namin eh. sa totoo lang, hindi na ako makatawa. parang binagsakan na ako ng langit at lupa. binabasa ko palang yung note na yun. parang gusto ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin :'(
Name: Kamilla Nicole Ramirez
Age: 15
Status: Confirmed
CT Scan Results:
Inherited (genetic). Found a Brain Tumor.
abnormal. growth: very fast
Grade IV
hindi ko mapigilang lumuha. sa totoo lang, si mama at si ate Niobe palang nakakaalam. ayaw pa naming ipaalam kay Nico. masyado pa kasi siyang bata para dito. pati si LA at ang tropa, hindi ko sinabihan. hay nako. hindi ko na nga alam kung gaano ako nakatagal ng ganito. dati pa pala 'tong sakit ko na 'to. nasa linya pala ni papa ang sakit na brain cancer na na-inherit ko naman. grabe, ang saklap ko. nakakaiyak :"(
kailangan ko na nga magundergo ng chemotherapy eh. hindi rin naman kasi kaya ng surgery. una kasi masyadong mahal tsaka wala ring magagawa ang surgery. hindi rin nun matatanggal yung Brain Tumor. pero sinabi ko na hindi muna ako magpapachemotherapy. medyo kaya ko pa naman. tsaka hihintayin ko na muna yung stage presentation. pagtapos nun, bahala na si Lord sakin.
Lumipas ang ibang days. nag-act ako as normal. hindi na lang akong nagpapahalata na ang bigat bigat na ng loob ko ngayon. buti nga wala na si Isabella sa buhay ko eh. tingnan mo naman, hindi na nalabas sa kwento. grabe nga eh, hindi na siya nanggambala. pero non stop pa rin yung panglalandi niya kay LA. pero syempre, hindi naman siya pinapansin ni LA. asa pa siya.
sayang nga kami ni LA eh. gusto ko siya. gusto niya rin pala ako. kaso nga lang ayaw pa niyang gumawa ng first move eh. haaaay :( eh paano kung bukas, wala na ako?
paano na lang siya?
paano na lang kami?
bukas na pala yung stage presentation namin, puspusan nga yung practice namin ngayon eh. buti nga hindi ako inaatake nung mga symptoms na yun. kumbaga swerte pa din.
"saya mo ngayon ah hahaha :))"
"masama na bang maging masama ngayon?"
"hindi naman. eto talaga pikon eh haha"
"ang kulet naman kasi eh. bahala ka na nga dyan"
di naman talaga ako galit sa kanya. gusto ko lang na kunware nagtatampo ako sa kanya. hahaha. labo ko no?! tapos na rin yung practice namin nun. grabe, kabado na ako bukas. swerte na talaga akong tunay kapag bukas hindi ako atakihin. wiw. kaya ko 'to. ajaaaaa~!
inayos ko naman na yung gamit ko para maagang makauwi. feel ko kasi kailangan ko na talagang magpahinga para bukas.
[LA's POV]
parang wala nang nangyayare sa storyang 'to no? parang hindi mo kasi alam kung ano yung ending. akalain mo yun, hanggang ngayon hindi ko pa rin naaamin kay Nicz na mahal ko siya. kamusta naman yun?! ako na ata ang pambansang torpe sa mundo?!
"hoy LA! pumarine ka na nga dito!" Ano ba naman 'tong si Kat?! mga salita eh. hahaha. linapitan ko naman siya tapos tumabi ako dun sa upuan niya.
"oh ano yun bossing?"
"ikaw ha! sabihin mo nga may gusto ka ba kay Nicz?!"
nagulat naman ako sa pinagsasabi ni Kat. hindi ko naman kasi ineexpect no?!
"ano ba yang tanong mo?!"
"sagutin mo nga ako! baka kasi mamaya sobrang late mo na. dapat umamin ka na sakanya!"
"eh! bahala na talaga!" tumayo naman na ako at naglalakad papalayo kay Kat.
"hoy LA! pawalk-out walk out ka pa, ayaw na lang aminin eh?!"
hindi ko naman na siya pinansin. nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa labas ng gym. kailangan ko makalanghap ng sariwang hangin. nako, kung aminin ko na lang kaya?
napasandal ako dun sa pader nung school building. tiningnan ko yung langit. mukhang uulan. tsk. bigla kong natanaw si Nicz na patawid kalye. pauwi na siguro 'to.
napaisip tuloy ako lalo. ano na bang gagawin ko? susundan ko ba siya dun? ano baaaa?! LA, kita mo naman na wala na siyang makitang jeep na sasakyan oh?! binibigyan ka na ni Lord ng chance?! ano naaaa~?! kelan ka ba gagalaw dyan?! napailing ako.
at napapikit...
5...
4...
3...
2..
1...
sa hindi nalalamang dahilan, parang naglakad ng kusa yung paa ko.
patungo kay Nicz.
patungo sa buhay ko.
patungo sa kinabukasan ko
andun na ako sa labas nung school gate namin. kitang-kita ko si Nicz, naghihintay pa din ng jeep. ang dami ngang nadaan na kotse. ang dami tuloy sagabal, hindi ako makatawid.
kaso parang sayang sa oras kung maghihintay pa ko sa pagtigil ng mga kotse.
"NICZ?!" nakakahiyang sumigaw pero okay lang. eto na eh. it's no turning back.
nakita ko naman siyang napatingin sakin tapos napangiti.
"HOY LA?! ANO YUN?!"
"USAP TAYO! PUPUNTA AKO DYAN?! O PUPUNTA AKO DITO?!"
"HA?!! HINDI KITA MARINEG!"
badtrip naman yung mga kotse at jeep oh. ang iingay. tsk.
"WALA YUN. NICZ!...
I LOVE YOU!" shet! sana narinig niya yun :">
"HA?!" nung sinabi niya yun, ang laki-laki ng ngiti niya. sus, sigurado akong narinig niya yun. nagsenyas ako sa kanya na lumakad kami papunta dun papunta sa may over pass para makapagusap kami ng maayus.
"MAHAL TALAGA KITA NICZ. SOBRA NA OH!" nakakahiya kasi ang daming taong nakakarinig. tapos naglalakad pa kami nung sinigaw ko yan. naramdaman ko na yung ambon, pero parang wala pa rin sakin.
"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?! NAKAKAINES KA!"
"SORRY NAMAN!"
umakyat na ako dun sa stairs para i-meet siya sa taas nung over pass. siya naman umakyat sa kabilang stairs. naglakad kaming dalawa papunta sa isa't-isa. sakto nun, bigla na lang umulan.
"oh ayun nasabi ko na, anong reaksyon mo?"
"tae mo kasi. nakakaines ka. syempre,
mahal din kita. sobra din"
napangite ako nun. nakakapangsisi. sana pala dati ko pa sinabi sa kanya. eh di ayus sana ang lahat. :">
"kaso LA, paano kung..."
kinabahan ako bigla. napaisip ako kung ayus na ba talaga sana ang lahat? o.O
"paano kung...
mamatay na ako bukas? :("
parang nag-panic yung puso ko. hindi ko alam kung anong sasabihin ko. gusto kong sabihin na, `okay lang. susunod ako`. pero sa mga oras na yun, halos hindi ako makapagsalita. hindi ako makagalaw.
"LA...
I have Brain Cancer :'("
O.O
No comments:
Post a Comment