Friday, December 25, 2009

` Chapter 22

[ LA's POV ]

nung nagkita kami kanina ni Nathan, parang nagiba yung tingin niya sakin. yung tipong may halong inis at selos. nagseselos kaya siya?! kasi naman, bakit ayaw pa niyang ligawan o magparamdam man lang ng feelings para kay Nicz. binibigyan ko na nga siya ng chance eh, hanggang bestfriend na nga lang ang tinuturing ko kay Nicz eh. ako na nga yung nagsakripisyo para sa kanya eh. para na rin sa ikabubuti ng friendship namin.

mabilis na dumaan ang mga araw, everyday ko na ring kasabay si Nicz sa pag-uwi at pagpasok sa school. HAHA. napagkakamalan na nga kami nila Kyler at Kat na kami na eh. kalat na rin sa buong school na "MU" daw kami. hindi naman di ba?! hindi kasi mutual eh. ako lang yung may gusto sa kanya. siya? siguro, wala nga. kasi di ba mahilig siya sa mga drummer tulad ni Nathan. hay nako. nakakabagot eh.

~August

maaga kaming pumasok ni Nicz. ewan ko din kung bakit. basta maaga kaming nagising pareho. HAHA. nung nasa school na kami, tumambay kami sa bleachers kasama sila Kat, EJ, Kyler, pampam, at Nathan. dahil college boy na yang si Ethan, syempre dun na siya nasama sa mga college friends niya. HAHA.pero magkakaibigan parin kami syempre. tropa eh.

"students.. attention students.. "

pag may ganyan, ibig sabihin may i-aanounce yung principal namin. ganyan naman palagi pag may activity eh. HAHA. syempre lahat ng mga estudyante tatahimik. terror yang principal namin eh. naguusok ilong niyan pag maingay kami. daig pa ang mga librarian eh. HAHA.

"By december, particularly on the day of our Christmas Party, there will be a stage presentation for each level"

yan na naman. yung mga stage presentation na ka-ekekan. naiines ako sa mga ganyan eh. dati kasi nung 1st year high school ako dito, stage presentation namin yung
Cinderella. grabe, nahihiya talaga ako nun. hindi naman ako sanay sa mga ganun eh. pero ayus parin. kasi si Cinderella si Isabella. HAHA. pero syempre, wala na yun. kay Nicz na ako eh. HAHA. dating nag-aaral dito si Isabella pero nung kalagitnaan nung 2nd year niya dito, pumunta siya ng ibang bansa tapos nun goodbye na. wala na. pero wala naman sa kanya yung kwento eh. so never mind na lang. HAHA.

"so there will be assigned administrators for every level to give you additional information about this stage presentation.. so you will have at least 3 months to prepare.. okay? "

sabay ring ng bell. ganyan naman palagi. ayaw ko ng maulit yung nangyari sakin nung 1st year high school. nakakahiya na. HAHA. sabay-sabay na rin kami ng tropa sa pagpunta ng classrooms namin.


"yan na naman tayo sa mga stage presentations?!!"
"nakakasawa na nga eh.."
"ano naman kayang sunod na stage presentation yan?!"
"basta kahit ano pa yan?! dapat si LA ang gaganap?!!"
ano daw?!

"anong ako?! mga sira-ulo pala kayo eh?!" wag lang talaga ako ang inominate nila pagdating sa mga ganyan. kung di, lagot talaga sila sakin. nakakahiya kaya.
"bakit si LA??"

"alam mo kasi Nicz.. si LA.. naging character niya yung prince sa cinderella.. ang cute nga niya nun eh?!"
patay. napapahiya na tuloy ako.
"oh?! talaga?! may picture ba kayo dyan?! pakita naman oh?!"
putek. picture ka dyan?! tsk.

"oi.. aba.. wag nga kayong magpakita ng picture dyan?!"
"bakit naman?! ipapakita lang namin di ba?!"
dun sa tono ng pagsasalita ni Nathan. parang may kakaiba. parang may something na naghahamon siya ng competition. tsk.

kinuha ni EJ yung wallet niya at may hinugot na picture.

"tinago ko talaga dito yun eh.."

sabay pinakita sa kanila yung picture ko na kasayaw si Isabella. tsk. nakakahiya na oh.

"wow naman.. sino 'tong babaeng 'to??"
"yan ba? si Isabella yan.. yung ex ni LA.."
nakita kong nagulat yung expression ni Nicz. hindi ko pa kasi nashe-share sa kanya yung tungkol kay Isabella.
"Isabella??"
"oo nga.. maganda nga siya eh.. bakit nga ba kayo nagbreak nun, LA?!!"

kailangan pa ba sagutin yan?! tsk. ayoko na ngang maulit ulet yun eh. sa totoo lang, si EJ at Ethan lang ang nakakaalam sa tropa kung bakit kami nagbreak. pati sila Nathan at Kyler, hindi alam. pero nung una, boto talaga silang lahat kay Isabella kaso nga lang may nangyari eh kaya nga tawag nila dun "impakta" eh.

bigla naman nagring ulet yung bell, second ring na. pagumabot man sa 3rd bell yan. ibig sabihin, malelate na kami. buti na lang at hindi ko na kailangan ikwento sa kanila. ayoko na kasing maalala eh. nasasaktan lang ako. ewan ko kung bakit affected pa rin ako dahil sa kanya?! eh may Nicz naman na ako. may feelings pa ba ako kay Isabella?? tsk naman oh.

"next time na natin yan pagusapan.. punta na tayo sa classes natin.."
"oo nga... pumunta na tayo.."

nung nagsalita si Nathan, parang talagang may galit siya sakin na hindi mo maintindihan. parang sinasakayan niya ako pero parang nakontra pa rin. magulo. basta. pumunta na agad kami sa classroom namin. ayaw na rin namin kasing malate eh.

[ Nicz's POV ]

pumasok ako sa classroom namin. naguguluhan ako sa mga nalaman ko kanina. ex ni LA? tsk. ewan ko kung bakit ako affected. panigurado naman na isa rin yun sa mga babaeng pinagsabay-sabay niya. pero bakit hindi alam nila Rachel kung bakit nagbreak si Isabella at si LA. seryoso na ba yun?! naguguluhan na ako ah. tsk. ayoko ng ganito.feeling ko nagseselos ako. pero bakit naman ako magseselos?! wala naman akong karapatan na magselos eh. bestfriend ka lang niya Nicz. wala ng iba. tsk.

"ang tahimik mo dyan?!"
"ah.. eh.. wala.."
"may problema ka ba??"

may problema nga ba ako? ewan ko ba. ang gulo naman kasi eh.

"wala.. medyo curious lang ako kay Isabella.. sino ba yun??"
"ah.. ex ni LA.."
"pero kakaiba siya sa mga naging ex ni LA?!"
"bakit??"
"well.. sa pagkakaalam namin, si Isabella ang unang sineryoso ni LA.. as in yung super seryoso.. yung totoo niya talagang minahal.."
"pero hanggang dun lang ang alam namin.. basta bigla na lang nalaman namin na nagbreak na yung dalawa.."

hindi na ako nagsalita. gusto ko kasing maintindihan yung kwento nila.

"nagulat nga talaga kami nung nagbreak yun eh.. kasi nung una, parang talagang unbreakable sila.."
"hindi rin namin alam kung bakit sila nagbreak.. sila EJ at Ethan lang ang nakakaalam.. sila yung bestfriends eh.."

bestfriend din naman ako di ba?! bakit hindi ko alam.?! tsk.

"kahit na kami na ni EJ, hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi sakin.. grabe nga eh.."

"ano bang itsura nung Isabella??"

"hmm.. para sakin maganda talaga siya.. she's one of a kind nga eh.. maganda yung mata at mga ngite niya.."

maganda daw ang mata?! maganda daw ang ngite?! hindi kaya si Isabella at si sparkle ay iisa?! waaa. :'((

"oo nga.. kaya nga na-love at first sight talaga si LA dun eh?!"

"uhmm.. yung itsura lang ba ang nagustuhan ni LA sa kanya?!"
"hindi lang.. ibang klase kasi yun eh.. yung tipong mahinhin sa bawat kilos tapos ang bait.. boto nga kami dun eh.."
"oo talaga.. nagba-ballet din siya.. magaling talaga siya eh.."
"oh talaga?!"
"kaya nga sobra talagang mahal ni LA yun.. baka nga hanggang ngayon may gusto pa rin si LA dun kay Isabella.."

parang tumigil yung mundo ko nung narinig ko yung mga sinabi ni Rachel. now, parang totoo na nga 'tong nararamdaman ko na si sparkle ay si Isabella. waaa. :'((
sobrang pagseselos na 'to. haaay :((
bigla naman ng pumasok yung 1st period teacher namin kaya umayus na rin kami sa pagkakaupo namin.

hindi ko masyado naintindihan yung tinuturo nung teacher namin. hindi kasi ako nakikineg eh tsaka iniisip ko pa rin yung mysterious Isabella na yun. tsk naman oh?!
mahal pa nga ba ni LA si Isabella?? hay nako naman oh?! nakakaines.















nagseselos na talaga ako. 0_o

No comments:

Post a Comment