Wednesday, December 23, 2009

` Chapter 16

[ Nicz's POV ]

tsk. sparkle. puro na lang sparkle. nakakaines na ah. nakakabadtrip. >.<
pagkatapos naman nung kanilang jamming chorbaness sa stage, meron pang mga kumanta, nagsayaw at nagdrama. kung anu-ano yung ginawa nila. HAHA. lumapit naman sa amin nila Rachel at Kat sina LA. syempre etong si Kat nakipag alone time together kay EJ. matatag talaga relationship ng dalawang na 'to. tinabihan naman ako ni LA ah. bakit ganun?! hindi ko feel na liniligawan ako ni Nathan!? pero wala na akong care dun. tsk. andyan naman si LA eh. si Kyler naman at si Ethan nakipagsayawan sa kung sino-sino dun sa party. may part kasi dun talaga na sayawan. si Nathan naman may kinakausap. ewan ko kung sino eh. baka mga classmates niya tapos si Rachel naman kausap yung mga classmates namin kaya naman eto ako ngayon. kinikileg deep inside. akalain niyo yun. some alone time with LA. HAHA. oh di ba ang saya nun?!

"Oi.. sino ba kasi si Sparkle?! ang daya mo naman eh.. akala ko ba best friend mo ako?! tapos di ka man lang nagsasabi ng mga babaeng natitipuhan mo eh.."
"eh?! basta secret.. bawal sabihin sayo di ba?!"
bakit kasi bawal sakin sabihin?! nakakaines naman oh?!
"ang daya naman talaga oh?!"
"wala pa ngang nakakaalam kung sino si sparkle eh.."
"akala ko ba alam na nila EJ at Ethan?!"
"hinde nila alam.. joke lang yun.. basta wala pang makakaalam.. ang gusto ko kasi yung unang makakaalam na siya si sparkle, yung mismong si sparkle na tinutukoy ko..."
"ang daya naman nun?! tsk..."
"don't worry.. ikaw naman unang makakaalam nun.."
ha?! totoo ba ang naririnig ko?! ako ang unang makakaalam?! tsk. siguro dahil nga di ba BESTFRIEND kami. HAHA. tama. friends lang talaga.
"ha?!" bigla namang may tumugtog na slow music. tsk. eto na nga yung pang slow dance. nakita ko nga na magkasayaw si EJ at si Kat eh. HAHA. tumayo naman si LA sa harap ko and offered his hand.

"oh?! ano yan?!" duh?! yinayaya niya ako magsayaw. pero bakit ako?! 0_o
"eh di kamay na hahawak sayo at igaguide ka sa pagsasayaw.." tsk. a different way of saying "can i have this dance??" oww. sana mainggit si sparkle samin ni LA. HAHA. di niya nakakasayaw si LA!! bwahaha :))
ako pa rin ang panalo samin ni sparkle. oh si ba ang saya nun?!
syempre, hinawakan ko yung kamay ni LA then we dance. tsk. kinikileg ako ngayon oh?! pero kailangan itago. we looked in each other eyes. HAHA. ngayon ko lang talaga siya natitigan ng ganito katagal. nakakabaliw yung tingin niya. HAHA. grabe, lumipas ang mga araw, parang hindi pa rin ako makarecover sa mga nakakatunaw niyang tingin.HAHA.

lagi na rin siyang nabisita sa bahay namin. akala nga ni mama, ate Niobe at ni Nico magboyfriend na kami ni LA kasi nga di ba alam naman na nila na linigawan ako ni LA dati nung summer. pero since iba ang ugali niya nun, hindi counted yun as true feelings. HAHA. basta sabi niya stick to sparkle daw kasi siya. ayaw niya na daw maghanap ng iba. haaay :(
nagseselos tuloy ako. sana ako na lang siya...

and sa mga araw din ng june, di ako pinapansin ni Nathan. ngek. naguguluhan tuloy ako dun. HAHA. tapos nagpapansinan na sila ni Rachel. buti naman di ba?! HAHA. parang bang hindi lang natuloy yung date namin, hindi na niya ako liniligawan. HAHA.

everyday talaga makes me happy. lalo na pagnakikita ko si Lorenz Austin Dominguez.

~July
[ LA's POV ]

di ko akalain ang bilis ng panahon. july na pala. HAHA. astig din noh?!. HAHA,syempre. nagbago na ako dahil kay sparkle. HAHA. kilala niyo naman kung sino di ba?!

walang iba kundi si Kamilla Nicole Ramirez. my one and only love. tsk. sana ganun din siya sakin. HAHA.


naging usual tambayan ko talaga ang bahay ni Nicz, pero ngayon hindi na ako nanliligaw. basta bestfriends na lang kami. ewan ko ba kung kelan ko pa aaminin sa kanya na gusto ko siya.. kasi naman eh. natotorpe ako pagnaandyan siya. pagkaharap ko na siya, hindi na ako makaimik pa o makagalaw pa. tsk. ang hirap kaya ng ganun.

"Oi.. July na.. hindi mo pa rin sakin sinasabi kung sino si sparkle?! alam mo ba hanggang ngayon, naiintriga pa rin ako kung sino siya?!" ganyan palagi si Nicz pag napunta ako sa bahay nila. grabe. atat makilala si sparkle. eh siya naman yun di ba?! HAHA.
"malalaman mo rin naman eh.."
"kelan pa?! excited na ako eh?!"
"basta!! pagnakayanan ko ng aminin kay sparkle?!"
"ano ba yan?! natotorpe ka na ngayon??"
"kay sparkle lang naman ako natotorpe eh.."

[ Nicz's POV ]

nakakabadtrip. kay sparkle lang daw siya na totorpe. nakakaines naman yun oh?! kelan ko kaya aaminin sa kanya na gusto ko siya?! ay, mali pala ang tanong ko. aaminin ko pa nga ba sa kanya?! tsk.

I'm in love with my bestfriend...

minsan ko yung sinabi sa kanya dati nung tumambay ulit siya sa bahay namin eh...

"what if I'm in love with you??"
"sorry ka.. may sparkle
na ako eh!!" kaya naman. sober naiines na talaga ako kay sparkle. "bakit mo natanong??"
"wala lang.."
sabay bulong ko sa kanya ng "kasi I'm in love with my bestfriend na..."
"ha?! anong sabi mo??"
"wala.. sabi ko ang gwapo mo!"

[ LA's POV ]

tsk. alam ko naman hindi yun yung sinabi niya eh. may something siyang sinabi eh. parang mga words na dapat ko ngang marineg pero sadyang nabibinge ata ako nung mga araw na yun kaya hindi ko narinig yun. pabulong ba naman kasi niyang sinabi eh. hindi ko talaga maririnig yun. tsk.

pero nag-attempt rin naman ako na aminin sa kanya ang tunay na feelings ko eh. dati rin nung tumambay ako sa bahay nila

"may sasabihin ako sayo.."
"ano yun??"
"I-...I-.."
pero dahil natotorpe nga ako sa harap niya. eto lang ang nasabi ko sa kanya.

"143445254!!"

"ha?! ano?! pakiulit.."
"wala.. wag mo na lang intindihin yun.."

oh di ba hindi ko talaga kaya. tsk. btw, ibig sabihin nun ay "I love you very much mahal na mahal kita.."
tsk. haaaay :))

di ko rin akalain napakabilis talaga ng panahon. pero each day.. I'm wishing na masasabi ko rin yun kay sparkle..
















dun sa unang babae na sineryoso ko.
sa babaeng nagturo sakin kung paano magmahal
at nagturo sakin na magmahal ng isang tao lamang :)

No comments:

Post a Comment