Saturday, August 21, 2010

` Chapter 46

[Nicz's POV]

talaga naman oh?! ang torpe talaga ng lalakeng 'to. amp eh. nakakaines to eh. tsk, siguro hindi pa ngayon yung panahon na aamin siya. hay nako nga naman talaga LA eh :)) kung hindi lang kita mahaaaaaal :))

medyo sumakit naman yung ulo ko. hindi ko alam kung bakit. biglaan nga eh. parang bigla na lang akong dinapuan ng sakit sa ulo. muntik na nga akong mapasubsob kay LA eh. nahalata niya rin siguro, inalalayan niya kasi ako eh

"oh, anong nangyayare sayo?"
"sumakit lang yung ulo ko. pagod lang siguro" medyo sumasakit pa rin pero kaya ko pa naman. sanay naman na ako na nasakit ulo ko eh.
"sigurado ka? gusto mong umuwi na lang muna?"
"uh.. wala lang 'to. sanay na ako na ganito. simpleng headache lang 'to"
"di nga? sure ka? ihahatid na lang kita. lika na. wag ka na magpagod. tsaka wag ka na ring makulit" yihiii. concern siya oh :)) haaaaaay. kainlove lang eh.
"nako. sige na nga..."

nagpaalam na si LA na uuwi na kami. medyo sumasakit na rin kasi talaga yung ulo ko ng over over eh. parang hindi ko kakayanin. wiiiiiw. ano ba 'tong nangyayare sakin?! nalaman ko lang na inlove din pala sakin 'tong si LA, sumakit na ulo ko?! kamusta naman yun?! nung nasa tapat na kami ng bahay ko, inalalayan pa ako ni LA papasok sa bahay namin. nakakapanghina kasi yung sakit ko sa ulo ko.

"ay LA, salamat sa paghatid dito kay Nicz ha! nako nako. nasakit na naman ulo niya"
"okay lang po yun"

palapit na sana ako dun sa sofa namin ng parang biglang nagble-blur yung paningin ko. parang sinasabayan ng pagsakit ng ulo ko yung pag-ikot ng paningin ko. teka, parang naaout of balance pa ata ako na parang magcocollapse ako. o___O ano ba tong nangyayare sakin?! parang nanghihina pa yung paa ko. tapos yung shoulders ko nabigat. waaaaaa. ang hiraaaaap :((

masyadong mabilis ung pangyayare, hindi na ata nakayanan ng tuhod ko lahat. napaupo ako bigla sa sahig. alam ko na nagulat si Ate Niobe at LA. lumapit agad sila sakin. napatakbo pa si Mama at Nico sakin na galing pa sa kusina nung mga panahon na yun. lahat sila nagaalala.

"uy Nicz, ano bang nararamdaman mo ngayon?"
"ayy dalin nalang natin siya sa kwarto. dalii"

pagtapos nun, hindi ko na alam yung nangyare. nagising na lang ako ng nakahiga na ako sa kama ko. feeling ko, okay naman na ako. parang wala ngang nangtare kagabi eh. siguro pagod lang talaga yung sa kahapon. overrrrr. first time kong maranasan yun. dati kasi pagsakit lang talaga ng ulo eh. ngayon, parang hindi ko na kakayanin. ano ba naman yan?!

malelate pa ako sa pagpasok. siguro kapag lunch time na lang ako papasok. bumaba na ako sa kusina. andun si Mama, naghahanda ng almusal ko.

"oh nicz, kamusta pakiramdam mo?"
"okay na po ako Ma."
"ikaw ha, sabi ni LA, sobra ka daw magpagod. wag ka na magpapagod ha!" napangiti naman ako dun. kinikilig ang bida niyo! HAHAHA. wag na kayong kumontra :))
"Opo Ma! :)"

pagtapos ng lahat, syempre, kailangan ipagpatuloy ang buhay :)) nakakapasok naman ako ng maayos. kaso nga lang, madalas na rin nasakit yung ulo ko pero kinabukasan nawawala rin. at hindi pa rin naamin si LA :)) kelan niya kaya aaminin?! kapag ako hindi nakapagpigil, ako na talaga aamin?! HAHAHAHA

marami kaming ginawa ngayon. and daming deadlines ng projects at activities. isabay mo pa yung practice namin sa stage presentation. 2 days na lang, at Christmas Party naaaaaaaaa :)) naeexcite ako na ewan.

pero bago yan, proproblemahin ko muna yung sandamakmak na projects na 'to. grabeeee :)) buti na lang may inspiration ako. pumunta naman ako sa locker room para kunin dun yung triangle ko at mech.pen. grabe, feeling ko ang layo layo nung locker. nakakapagod kaagad. haaaay, ang dali ko namang mapagod. grabe ah. after 100 years, nakarating na ako sa locker room. nakita ko si Nathan. wiiiiiiw. medyo kinabahan ako. siguro dahil na rin sa medyo nanghihina ako ngayon tapos nakikita ko pa si Nathan ngayon.

"Hm, Hi"
"Hi"

okaaaaay. hanggang dun na lang kami. binuksan ko yung locker ko tapos kinuha yung mga kailangan kong gamit. bago ko isarado yung locker, medyo napasandal pa ako dun sa locker. haaaaay, inaatake ata ako ng hika ko aah. wrong timing 'to men! kaya pala pagod na pagod ako. amp, sabayan mo pa ng pagsakit ng ulo ko.

Oh shit, tutumba na ata ako eh. tuhod ko na naman ang napansin ko na sobrang nanghihina. at sa inaakala kong pagbagsak ko na ng tuluyan sa sahig, hindi ko na naisip andyan pala si Nathan para saluhin ako. napatingin pa ako sakanya. naiilang na nahihiya.

"ano na bang meron sayo? madalas ng nanakit ulo mo ah"

pinilit kong tumayo. wiw. kaya ko 'to. kaya ko ba talagaaaa? o.o

"wala 'to. kaya ko 'to"

sinabayan niya ako sa paglabas nung locker room. siguro, binabantayan niya ako. tsk. haaaaay, ang sakit talaga ng ulo ko. nakakabadtrip lang. hindi ko na lang namalayan napasandal nalang ako dun sa pader. nagtitinginan sakin yung mga tao. dali-dali namang lumapit sakin si Nathan

"huy ano ng nangyayare sayo??"

hindi na ako nakapagsalita. ang sakit ng ulo ko. sobra. parang may migraine ako. grabe, hindi ko na kaya. hindi ko aakalain na mapapasigaw ako sa sobrang sakit. ano na ba talagang nangyayare sakin?! feeling ko pawis na pawis ako. parang sobrang pagod na pagod ako. hinihingal ako. bawat paghinga ko, kailangan ng effort.

naikot na ang mundo ko..














sana pagkagising ko may mundo pa 'kong babalikan...









"Nicz?!"
blackout :x

No comments:

Post a Comment