Monday, December 21, 2009

` Chapter 8

[ Nicz's POV ]

grabe. ang malas ko talaga. hinawakan niya yung kamay ko. waaa. patayin niyo na siya Lord. wag na ako ang kunin niyo. waaa. tapos kinuha niya yung panyo ko. ano bang problema neto?!

"sabi ko na nga ba ikaw yan?!"

waaa. hindi ako makapagsalita. shet naman oh?!
"oo nga si Nicz yan?!! musta na Nicz?!"
"tagal na nating hindi nagkita ah.."

"ayus lang ako.."
ano pa nga ba dapat ang sabihin ko?! tsss. badtrip naman oh?!

"magkakakilala pala kayo.. so ibig sabihin kilala mo rin si Nathan at Kyler??" sino naman yun?! baka yung dalawa nilang kasama...

"hindi niya kilala yun.. kaming tatlo lang kilala niya.." satsat ng satsat. di naman siya yung kinakausap. tss. epaloogs eh. walang kwenta. pssh. >.< "oh?! talaga..."

"nga pala Nicz.. eto nga pala si Nathan.."
sabay turo kay Nathan. halos malaglag yung panga ko nung nakita ko 'tong si Nathan. ang gwapo niya sa malapitan. HAHA. yiihee.. ang pogi oh?! "tapos eto si Kyler.." sabay turo kay Kyler. nakangite siya sa akin samantalang 'tong si Nathan, ang seryoso ng tingin sa akin. may pagka kenkoy kasi mukha netong si Kyler eh.

"Hi Nicz!! ano nga pala section??" oo nga noh?! anu nga pala section ko??
"oo nga.. Kat, anung section ko??"
"section 4-B.. sa 4th floor pa yun.. classmate kita.."
"oh?! talaga.. buti naman at may kakilala ako sa mga magiging classmates ko!"
swerte pa rin ako. HAHA. di ako mao-OP ng masyado sa klase.

"ui.. sige .. alis na ako.. punta na ako sa klase ko.."
"oh?! sige punta ka na dun sa mga college friends mo!!"
"sus!!"

college na pala si Ethan pero mukha siyang bata. HAHA. pumunta na siya dun sa tambayan ng mga college students.
bakit ganun hindi nagsasalita si Nathan?! pipi ba yan?! o masyado talagang seryoso?!

"Kyler.. punta na tayo sa klase natin.."
"sige!!"
nagsasalita rin pala si Nathan eh?! akala ko walang dila 'to. HAHA.

" saang floor kayo?"
"sa 3rd floor.."
"eh di sabay na kami sa inyo ni Kat sa pagpunta sa classroom namin.."
"pwede.. lika na.."

kinuha ko yung bag ko pero biglang hinawakan ni LA yung kamay ko. anung problema neto?!
"oh?! anung problema mo?"
"di mo pa sila pwedeng makasabay..."
"ha?! bakit?! "
ang bangag pala netong lalaking 'to eh. "Kat.. lika na.."
"teka.. di ba.. Kat, kailangan muna niyang magkameron ng school tour.. since may gagawin kayo ni EJ.. gawin niyo na yun.. ako ng bahala sa school tour ni Nicz.."

"ha?! may gagawin ba kami??"
nakita kong kumindat si LA kay EJ. shet! ano 'to?! set-up!??!
"oo.. Kat.. may gagawin tayo.. lika na.." hinila ni EJ si Kat papalayo. ewan ko kung anung gagawin nila. hala, setup nga 'to?! putek?! could this be any worse?!?!

"oh?! Kyler.. Nathan.. pumunta na kayo sa klase niyo.. ako na bahala kay Nicz.."

"sure ka??"
"oo.. dali na.. umalis na kayo.."
"please wag kayo umalis.."
"umalis na kayo.. wag niyo na 'to intindihin.."

tinawanan pa ako ni Nathan at ni Kyler eh. shet naman oh?! ang malas ko. nakakaines. haaay :((


napaupo na lang ulit ako dun sa may bleachers. hawak pa rin niya yung kamay ko eh. tapos unti-unti na ring nag-alisan yung mga estudyante. ano ba 'to?! unang day ko, late na agad ako sa klase ko. si LA naman kasi eh. nakakaines. nung kaming dalawa na lang yung nasa fields...

"at last.. nasolo na rin kita.."'
"ha?! ulol ka rin noh?! gusto ko na kaya bumalik sa klase ko.."
"mamaya na.. first day pa lang naman eh.. puro introduction lang yun.. nakakatamad.."
"mas nakakatamad naman dito noh?!"
"asa namang magstestay tayo dito sa fields buong magdamag noh?!"
"bakit saan pa ba tayo magstestay??"
hinawakan niya yung kamay ko. tapos bumababa kami dun sa mga bleachers. inalalayan niya ako sa pagbaba ko. tss.

"oh san tayo pupunta tsaka pwede bang bitawan mo muna ako..."
"sure.. wala naman akong balak makipagholding hands sayo buong umaga noh?!"
tss. binitawanan niya na yung kamay ko tapos linagay niya yung kamay niya sa pocket niya. sus. feeling mo naman napaka astig niya with his matching shades pa. yabang kaya ng dating niya. HAHA.

"so saan ang punta natin??"
"sumunod ka na lang sa akin.."

sumunod na lang ako sa kanya. siya lang naman ang makakausap ko dito eh. pumunta kami dun sa rooftop. tanaw na tanaw ko talaga yung buong campus. ang laki talaga.

"ang ganda dito noh?!"
"oo.. maganda nga yung view dito kasi tanaw mo pa yung mga mountains.. kahit na nasa city ka parang maka-nature pa rin ang dating dito.."
tiningnan niya ako. ang lagkit ng tingin niya. ano ba naman yan?! nakakailang tuloy.

"oo.. maganda nga..."
tumingin naman ako sa kanya.
"yung view yung tinutukoy ko.. okay?? bakit ka sa akin nakatingin?!"
linapitan niya ako.
"bakit ba?! maganda yung view.. maganda ka rin.." sus. palpak na bolero. putek. buking ko na siya. HAHA
"tumigil ka nga... parang 'tong tanga eh..."

lumapit pa siya sa akin. yung tipong, ang lapit na nung mukha niya sa akin. tss. ang bilis na tuloy ng bawat pagtibok ng puso ko?! parang naninikip yung dibdib ko. nasosobrahan na sa suplay yung dugo ko. waaa. parang namumula na ako ah.
"lumayo ka nga sa akin.."
"ui.. nagbla-blush ka?!!"
tumungo agad ako. nakakahiya kaya.
"pero ang cute mo pa rin.."

tumingin naman ako sa kanya. nakangite siya sa akin. ok, inaamin ko. cute siya. tss.

"flattered ka naman?!"
"di rin noh?!"
humiwalay naman na siya sa akin. medyo dumistansya sa akin ng unti.

"alam mo ba na ikaw ang unang nangbasted sa akin??"
"so.. anu ngayon??"
"gusto ko lang ipaalala sayo.. na sana walang makakaalam na linigawan kita.. okay??"
"sure.. di ko naman pinagmamalaki yun eh tsaka mamaya dumugin ako ng mga babae mo.. sa ganda kong 'to baka patayin na nila ako. hahaha"
"tsaka alam mo rin ba.. ikaw ang pinakamagandang babaeng niligawan ko??"
"alam ko..hahaha"
"seryoso ako..kung liligawan ba ulit kita sasagutin mo na ako??"

tiningnan ko siya. tss. anu bang magandang sabihin??

"anu ba naman yan?! ang dami-dami ng pwedeng pagusapan bakit yung past pa yung pinaguusapan?! di ba dapat FRIENDSHIP natin at tanging FRIENDSHIP lang ang pinaguusapan natin?!!"
"tss.. oo na.."
"ano bang tunay mong pangalan??"
"Lorenz Austin Dominguez pero wag na wag mo akong tatawagin na Lorenz.. nababagot ako dun.. LA itawag mo sa akin.."
"sure Lorenz.."
sadya yun. HAHA "este LA.. haha" tumingin naman siya sa akin ng masama. umupo muna kami sa sahig.

"eh ikaw? anu whole name mo??"
"Kamilla Nicole Ramirez... Nicz yung nickname ko.. ayaw kong tinatawag ako na Kamilla.. pang lola eh.."
"di ka naman mukhang lola eh.. alam mo ba ang ibig sabihin ng Kamilla ay perfect.. variant siya ng Kamillah.."
"oh?! perfect.. wow naman.."
"tapos ibig sabihin ng Nicole ay victory of the people.."
"oh?! saan mo naman yan nalaman?!?"
"tss.. mahilig akong magbasa ng mga meaning ng names. haha.. natutuwa kasi ako eh.. isipin mo yung.. perfect victory ibig sabihin ng name mo.."
"wow naman.. haha"

medyo masaya ring kausap si Lorenz este LA. wahaha :))
di lang basta siya nambobola. kung anu-anu rin yung pinagkwekwentuhan namin eh. nung nagbell na para sa lunch, dun lang kami pumunta sa classrooms namin. magkatabi lang pala yung classroom namin. tss. ewan ko ba. HAHA. pagpasok ko dun sa kwarto, sinalubong agad ako ni Kat.

"anung ginawa sayo ni LA?!!!" halatang naghihisterical siya. ano bang meron?!
"wala.. nagkwentuhan lang kami sa rooftop.."
"buti naman... akala ko kayo na eh.."
"anung kami na?!!"
"alam mo kasi iba yung tingin niya sayo... for sure, may gusto yun sayo?!!"
"sus.. asa naman.."
"late ka ah.. lagot ka mamaya.. may consequence ang mga late.."
"may ganun pala.."
"don't worry may kasama ka naman... si Rachel.. nalate din siya kaninang umaga eh..."
tinuro niya sa akin si Rachel. buti naman, at least may kadamay ako. HAHA

umupo na kami ni Kat sa upuan namin at kumain ng lunch. pagkatapos nun, syempre, tuloy ang classes. di naman talaga kami nagklase. puro introduction nga lang. tama nga si LA. HAHA. buti naman at minsan may tama rin siyang nasasabi. HAHA.

mabilis na natapos yung araw. pero dahil ako ay may consequence pa.. meron pa akong mga dapat gawin. ang ibigay ang mga limpak limpak na handouts na 'to sa section 4-A. yung 1st section daw.

"ui.. ibibigay ko pa to sa 1st section.. hintayin mo akong umuwi ah.."
"sige.. Rachel.. tulungan mo si Nicz.."

tinulungan ako ni Rachel na dalin yung mga papel. tapos pumunta kami dun sa 3rd floor. andun kasi yung classroom ng 1st section. si Kat naman umupo lang dun sa isang mahabang bleacher sa 3rd floor.
"hindi ka ba natatakot??! 1st section yung iaaproach mo??"
"hinde naman... tao naman sila noh?!.. hindi naman sila nangangain eh!!"
"nakakatakot kaya..."
"hindi ah.. ako bahala.. basta dito ka lang"

buti na lang bukas yung pintuan sa 1st section. nakita ko na andun si Nathan. wow, bongga. 1st section pala siya. may inaayus rin siyang mga papel eh. tumingin naman siya sa akin.

"na sayo ba yung mga papel??"
"aahh.. oo.. nasa amin ni Rachel.."
halatang natatakot si Rachel. ano bang kinakatakutan nila?! si Nathan lang naman 'to oh?!
"saan namin ilalagay??"
"dyan na lang sa table.."

linagay namin ni Rachel yung mga papel dun sa teacher's table. eto naman si Nathan, kinuha niya yung bag niya sa upuan niya pati yung jacket niya tapos pinatong niya sa shoulders niya yung jacket niya habang hawak niya yung kabilang dulo. tss. ang cool niyang tingnan.

"pauwi na ba kayo??"
"oo.. gusto mo sumabay??"
binulungan naman ako ni Rachel "wag na... nakakatakot kaya.."
"ayaw ata ni Rachel"
ang talas naman ng panrinig neto. kilala niya pala ako.
"hinde.. nahihiya lang yan.. sabay ka na sa amin.."
"ako na rin maghahatid sa inyo.."
"ha?! wag na.."
"oo na.. wag mo na pansinin si Rachel... haha.."
sumabay sa amin si Nathan. teka dikit na dikit sa akin si Rachel ah. HAHA. may nafifi-feel ako sa kanilang dalawa. hmm. HAHA

"Kat.. sabay na tayo dali.."
"oh Nathan?! ihahatid mo kami?!"
"oo..."
"wow.. good.. kasama pala natin si Rachel.. hahaha"
sumakay kami dun sa kotse ni Nathan. in fairness sosyal siya, may sariling kotse.

"may lisensiya ka??"
"wala.. I'm driving without license..."
"hala.. akala ko matino ka.. hindi pala.. pasaway ka rin pala tulad nila LA.. haha.."
"tsk.."

ang tahimik ni Rachel buong byahe namin. ang galing nga din eh, parehas kami ng subdivision ni Kat tapos yung bahay ni Rachel malapit lang sa subdivision namin kaya sabay sabay na rin kaming bumababa.

"ui.. sige salamat.."
"no prob.."
umalis na si Nathan nun. si Rachel naman naglakad na papunta sa bahay nila. kami ni Kat yung sabay na naglakad papunta sa bahay namin.

"alam mo ba first time ni Nathan yun??"
"oh talaga?!"
"nakakabigla nga eh... sila LA lang kasi yung pinapasakay niya sa kotse niya.. first time ko nga dun eh.."

nung nasa tapat na ako ng bahay namin...
"alam mo naiisip ko baka may gusto sayo si Nathan o kaya kay Rachel siya may gusto..."
"tss.. baka kay Rachel.. haha.."
"pero ang chismis.. may gusto si Rachel kay Nathan.. magkababata yun eh.. pero hindi nila pinapansin ang isa't isa. "
"oh?! talaga?!"'
"sige... babye na.. bukas na lang ulit.."
pumasok na ako dun sa bahay namin. tsk. buti naman ngayon, medyo maayos ang takbo ng aking first day. wala si mama at ate pagdating ko sa bahay. nasa trabaho siguro. si Nico naman, wala pa rin. magisa lang pala ako. nagpalit muna ako ng damit. lumabas muna ako sa porch namin. HAHA. medyo mahangin kasi eh. nakakarelax. may nagpark na motor sa harap ng bahay ng kapitbahay namin. dahil chismosa ako, tiningnan ko kung sino yun. may babae nakashort. basta ang alam ko si Megan pangalan nung teenager na kapitbahay namin eh. nagulat na lang ako, yung lalaking nasa motor. aba, si































LA yun ah?!


No comments:

Post a Comment