Sunday, December 27, 2009

` Chapter 29

[ Nicz's POV ]

back to normal na nga kaming dalawa. i mean yung magkasabay umuwi at pagpasok. palaging magkausap sa may bleachers. nagkikita sa may rooftop. nagchichikahan. nagtatawanan. nag-aasaran. masarap maging normal pero mas masarap kung pwedeng i-level up di ba?! tsk. hindi pa ako satisfied sa ganito. kasama ko nga siya, pero feeling ko ang layo layo niya sakin. ang drama?! tsk. tuloy pa rin ang practice namin sa ACT II. natapos na namin yun ng mabilis. syempre, normal na rin ang pakiramdam ko eh. hindi ko na naiisip yung kiss na yun. tsaka wala namang meaning yun di ba?!!

"Three words, dear Romeo, and good night indeed."

kasulukuyan pineperfect yun ACT 2. HAHA. isa yan sa mga favorite lines ko eh. well, syempre gusto ko naman talaga sabihin yan kay LA. haaay :)) pero mas favorite ko 'to.

"God pardon sin! wast thou with Rosaline?" yung isang student galing sa 4-C section yung nag-play as si Friar Laurece. eto na yung favorite line ko ni Romeo eh. abangan niyo lang?! HAHA

"With Rosaline, my ghostly father? no;
I have forgot that name, and that name's woe."

oh yeah?! ang saya di ba?! nakalimutan na ni Romeo si Rosaline?! tama lang. kaya naman dapat ng kalimutan ni LA si Isabella. HAHAHA.

"Then plainly know my heart's dear love is set
On the fair daughter of rich Capulet:
As mine on hers, so hers is set on mine;"

kung totoo lang sana ang lahat ng niyan, magpapapiyesta ako sa buong makati. HAHA.

"Is Rosaline, whom thou didst love so dear,
So soon forsaken? young men's love then lies
Not truly in their hearts, but in their eyes."

ano ba yan si Friar Laurence?! in love na nga kay Juliet, pinagpipilitan pa kay Rosaline?! tsk. nakakaines naman?! HAHA

"I pray thee, chide not; she whom I love now"

oo nga, si Juliet na yung gusto niya. BOO ROSALINE?! HAHA.

pagkatapos nung practice na yun, pinuntahan ko agad si LA. syempre, best friends eh. tsk.

"ui.. uwi na tayo.."
"sorry Nicz.. may pupuntahan pa kami nila kuya eh.. sige babye na.."
ganun?! tsk. sayang naman.

"ay.. ganun.. sige.."
disappointing?! hmf!


nagmadaling umalis si LA. ano kayang pupuntahan nila?! ano ba naman yan?! hindi pa kami magkasabay umuwi?! tsk. pero ayus lang baka naman kasi importante yung pupuntahan nila nung kuya niya.
kinuha ko na yung gamit ko dun sa bleacher. marami na rin kasing nagaalisan. tsaka gusto ko na ring umuwi, gusto ko ng kumaen at matulog. buti na lang at saturday bukas, makakapagpahinga. haaay :)
kasi naman super pagod na ako galing sa practice.akalain mo yun, paulit-ulitin ka ng mga linya. HAHA. buti nga at hindi ako na-paos o something. HAHA.
palabas na sana ako ng gym ng harangan ako ni EJ, Kat at Kyler.

"oh?! san ka pupunta?!"
"uuwi malamang.."

san pa nga ba?!

"'sinong nagsabing pwede ka ng umuwi?!"
"si Kyler?! di ba Kyler, pwede ng umuwi?!"
"pwede na silang umuwi...pero tayo hindi pa?!"
"ha?! ang unfair niyo naman.. problema na ang pagiging Juliet.. ayoko ng makisali sa problema niyo sa props at costume?!"

bigla naman sumingit si Rachel sa usapan namin. kasulukyang magkasama sila ni Nathan eh. kakileg naman oh?! hindi pa nga alam ni Rachel na liniligawan ako ni Nathan. medyo kasi natatakot ako na sabihin sa kanya eh. ewan ko kung bakit. HAHA.

"hindi naman yun yung problema natin eh?!"
"eh di ano?!"
"sabihin niyo na kasi??! may intro pa kayo eh?!"

tama si Nathan. ano ba kasing tinutukoy nilang problema?! tsk. hindi na ako maka-relate. HAHA.

"hay nako Nicz, hindi mo ba alam?"
"anong hindi ko alam?! sa dami-dami ng bagay na hindi ko alam, mahihirapan talaga akong makita ang hindi ko alam?!"
"ang baliw mo talaga?! alam mo ba kung anong meron bukas?!"
"saturday. weekend. happy time. rest time. yun lang naman ah.. ano pa bang meron?!"

oo nga. ano bang meron?! sabihin niyo nga sakin?!

"birthday ni LA bukas Nicz.."

tama ba ang naririnig ko galing kay Rachel?! birthday daw ni LA?! wala akong kwentang kaibigan?! hindi ko man lang alam ang birthday niya. may gusto pa man din ako sa kanya, tapos hindi ko pala alam ang birthday niya?!
tsk.

"ows? di nga?!"

maninigurado na. baka mamaya trip lang eh?!

"oo nga.. kaya nga sumama siya sa kuya niya ngayon eh.. magbobonding sila.. magiging busy kasi kuya niya bukas kaya ngayon na lang sila magcecelebrate?!"

"kaya naman.. dapat tayong magprepare ng kahit isang formal lunch lang.. di ba?!"
"oo nga.. kahit sa shakeys lang tayo.."

"okay.. so yun na yung napagkasunduan ah?! shakeys tomorrow.. 11 am.. para lunch.. okay naman na yun di ba!?"
"ako na lang rin bahalang maginform kay LA at kay kuya Ethan.."

sosyal naman. shakeys pa?! HAHA. sinong manlilibre?!

"teka! sinong mag-tre-treat.?! sari-sarilihan ba tayo?!"

wala pa akong allowance. pano yun?! HAHA


"malamang?!"
'wala pa akong allowance?! ano ba kayo?!"

"hindi na bale yun.. ako na lang manglilibre sayo.."

nagkameron ng moment of silence nun. ililibre daw ako ni Nathan?! tiningnan ko muna si Rachel. tsk. selos kaya siya?! mukha eh. waa. ang sama ko na talagang kaibigan. tsk. nung sinabi niya yun, parang hindi na ako makapagsalita. hindi na nga rin ako nakikineg eh. alam kong naguusap ang lahat ng tao sa paligid ko tungkol dun sa birthday ni LA bukas pero parang wala akong masabi. kanina ko pa tinitingnan si Rachel na halata namang nalungkot talaga. tsk.
ako ba ang may kasalanan?!
kung hindi ako, sino?!
si Nathan?
o walang may kasalanan?!
pero kung walang may kasalanan, dapat wala ring masasaktan?!
pero may nasasaktan, si Rachel.
ibig sabihin nun may taong may kasalanan.
sa pag-aanalyze ko ng problem na 'to na mas mahirap pa sa mga problem solving sa algebra, sumakit talaga ang ulo ko. pero kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo at kung saang angulo mo man tingnan ang problema na 'to, sa isang tao lang papatak ang may kasalanan. sino pa ba?! kung di AKO. tsk.

nawala na rin ang attention ko sa mga plano nila, hindi ko na nga rin namalayan tapos na pala sila sa pagplano. na-nagsasabi na pala sila ng goodbye sa isa't isa.

"tapos na ba kayo magplano?!"
"oo.. ikaw ah.. pag nalate ka bukas.. lagot ka samin.."

bakit nga naman ba ako malelate?! halerr?! birthday yun ni LA?! i mean special day di ba?! HAHA. lumabas na rin kami sa gym. kasama ko si Kat at EJ sa paguwi. nao-OP ako sa kanila. kasi naman ang sweet nila. linalanggam na oh?! HAHA. after 10 minutes ng pagbyahe namin, at last, andun na kami sa may gate ng subdivision. hindi na ako nakikisali sa paguusap ni Kat at EJ. ayoko ng makigulo. hindi naman kasi ako epal eh. HAHA. basta tahimik lang ako. nung nasa tapat na kami ng bahay ko, parang naiisip ko, may nagkulang. i mean sanay ako na naandyan si LA eh. tsk. parang 30 minutes lang eh, namiss ko na agad. HAHA.

"oh?! sige ingat kayo.."
"oi.. basta wag ka malate bukas ah?!"
"oo na.."

hindi ko na sila tiningnan hanggang makalayo na sila. I mean sanay ako na tinitingnan ko muna si LA papalayo hanggang hindi ko na siya matanaw. pumasok na ako ng bahay namin. kumaen ng dinner magisa at pumunta ulit sa kwarto. ganyan naman palagi. HAHA. madadatnan mo yung mga tao ditong natutulog, nanunuod ng TV o kaya naman naglilines. syempre, napahiga ulit ako sa kama ko. naging daily habit ko na rin ang paghiga sa kama kapag may iniisip ako.
pero anu nga ba ang iniisip ko!?
ang naramdaman ba kanina ni Rachel o ang birthday ni LA bukas?! hmf!
tsk. napabuntong hininga na lang ako.
pagkatapos ng aking deep breath, parang kinabahan ako. i mean, wala namang dahilan na kabahan di ba?!
ewan ko. may nasesense ako. ngek!? mga imagination ko talaga. HAHA
pero seriosly, parang tumatakbo lahat ng dugo ko papataas. parang nagrereverse yung pag-daloy ng dugo ko. parang natatakot na ako ah
baka naman may multo dito?!
aba, wag naman.
ewan ko ah. parang may something na nagpakaba sakin.

*dugdugdugdugdug*

ang bilis ng pagtibok ng puso ko. ano bang nangyayare?!























parang kinakabahan ako ng walang rason..

No comments:

Post a Comment