ang labo naman kasi nung lorenz<3kamilla
Lumipas yung ibang days, ewan ko ba. Nagtuloy-tuloy yung practice namin para sa Romeo and Juliet. So far, wala pa namang kaabnormalan ang nangyayare. Kahit na andyan yung impaktang Isabella, okay lang. Hindi na nga siya nanggugulo eh. Siguro, para sa kanya enough na parang bastedin ko si LA sa harap ng lahat ng mga students. Although, hindi naman talaga pangbabasted yun. As bestfriend lang naman pala yung palabas na yun. Pero talo pa rin ni Isabella yun, lalo lang napalayo si LA sakanya. Ewan ko nga kung ano na namang plinaplano neto ni Isabella samin, siguro sisiraan niya ako. Tsk. Masyado siyang ampalaya ah! amp.
Sa amin naman ni Nathan, hmm ewan ko ba kung bakit ako nacoconfuse nung nagsasabi siya ng mga sweet words sakin. siguro dahil na rin sa malungkot ako nung naririneg ko yung mga yun kaya para sakin, medyo gumagaan yung loob ko. mabaet naman si Nathan, kaso wala lang talaga akong nararamdaman para sakanya. hindi ko na nga alam kung gagawin ko eh, nalulungkot ako para sakanya. naawa ako sakanya. minsan naisipan ko na ring lumayo sakanya para hindi na siya umasa, kaso mas nagmumukha siyang kawawa. pero pag lumapit naman ako sakanya, parang pinapaasa ko siya. ang gulo no?! haaaaaay :(
Sa amin ni LA, ayun bestfriends pa din. walang pinagbago. baka nga forever bestfriends na kami eh. Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung mga hidden messages niya. yung may i <3>
Mabilis ang paglipas ng panahon. Akalain niyo yun, December na. Malapit na ang stage presentation! woooooo. at last, matatapos na lahat ng paghihirap pero nakakawaaaaa pa din. over din kasing nakakakaba eh.
Next next week na nga yung presentation eh. Maayus na ang lahat. Wala ng problema. Practice na lang ng over over para siguradong perfect. haaaaay grabe :))
Wala kaming klase ngayon. Busy siguro yung mga teachers para sa preparation para sa Christmas Party na 'to. Ang sisipag talaga nilang mga guro HAHA
Kaya naman nakipagkwentuhan na lang ako kay Rachel. Si Kat kasi busy din dahil kasama siya dun sa committee n assign para dun sa stage presentation namin. First time ko ngang, magkakaroon ng alone time chikahan with Rachel. Sobrang nababaitan ako kay Rachel, kasi napakaunderstandin niya. Akalain mo yun, hindi nasira yung friendship namin dahil may gusto sakin si Nathan. wew.
"uy Rachel, grabe no. ang daming busy ngayon :)) haha"
"oo nga eh! uy paano ba 'tong equation na 'to?! hindi ko kasi talaga maintindihan"
naalala ko bigla yung mga kaotisan na numbers na pinakita sakin dati ni LA. ewan ko ba kung mapapangite ako dun o maasar. hindi ko naman kasi maintindihan yung mga meaning nun eh! :))
"nako Rachel, ako pa tinanung mo tungkol dyan. alam mo namang wala akong pag-asa sa math diba?! kay Kat na lang tayo magpaturo, ang galing galing nun eh!"
"sabagay! nakakatmad na din gawin yung seatwork na yan!"
ang galing naming estudyante no?! HAHAHA. linigpit na niya muna yung notebook niya para walang sagabal sa daldalan namin. hmm, kung itanong ko kaya sakanya yung mga numbers na sinasabi ni LA sakin. Malay mo may alam siya tungkol dun.
"ay Rachel may itatanong pala ako sayo!"
"ano naman yun?" kumuha ako ng scratch paper mula sa notebook ko tapos sinulat ko yun `i <>
"oh ayan, ano bang ibig sabihin niyan? hindi ko talaga yan magets eh"
medyo tiningnan niya ng mabuti yung sinulat ko tapos napangiti siyang bigla. feeling ko gets niya eh. ako lang ba ang taong hindi nakakagets neto?! napa out of fashion ko naman kung ganon! HAHAHA
"ay nako! I Love You ibig sabihin niyan. tingnan mo yung less than sign at number three, diba parang heart?! oha!"
nagulat ako ng over over. I LOVE YOU yun?! parang natalon-talon na yung puso ko sa tuwa. grabe, sisigaw na ba ako?! SHET i <3>
pero baka naman mamaya, as bestfriend lang yan. Tsk, aasa na naman ba ako? =( kasi baka mamaya masaktan na naman ako!
halos nakalimutan ko na na andyan si Rachel kasi akalain mo yun, all this time, in love sakin si LA?! ano ba 'tong iniisip ko?! naasa agad eh
Kaso parang halata naman diba? Ayoko lang tanggapin. Hindi ko ba alam kung tanga ba ako? o manhid lang? o bobo? o takot masaktan? o all of the above?
Hindi ko na talaga maintindihan. Bakit ba kasi ayaw niya na lang akong diretsuhin para hindi ako nahihirapan ng ganito? :(
"oh bakit hindi ka nakaimik dyan?" nagulat naman ako kay Rachel. kasi naman eh, pahamak talaga si LA. akala ko ba memorize niya na ang pambobola at pagamin. Eh bakit, pagdating sakin ang torpe torpe niya? o___0
"uh...eh... nagulat lang talaga ako"
"bakit ba? sinong nagsabi sayo niyan?"
lumunok muna ako bago bigkasin yung pangalan niya.
"si LA"
nahalata ko namang napangiti talaga si Rachel. eh ako, ngingiti na ba ako? o.o
"atlast nagkaalaman na :D"
nanglaki naman bigla yung mata ko. paanong "atlast nagkaalaman na"?!
"ha?! O.O"
"dati pa niya samin sinabi na..
mahal ka talaga niya..."
KINIKILIG AKO :">
hindi ko namamalayan sobrang wide na ng ngite ko. feeling ko nananaginip lang ako. feeling ko nagfeefeeling lang ako. kasi sobra talaga. gusto niya rin pala ako.
Unti-unti kong naalala lahat ng sinabi niya. lahat nung mga salita na akala ko ay wala lang pero ang laki-laki pala ng meaning :D
"at last.. nasolo na rin kita.."
"ui.. nagbla-blush ka?!!"
"pero ang cute mo pa rin.."
"seryoso ako..kung liligawan ba ulit kita sasagutin mo na ako??"
Roses For You...
From: LA
iniisip ko palang sobrang kinikilig nako :">
"hmmm.. itago mo siya sa pangalan na sparkle"
"she has sparkling eyes and a sparkling smile"
"ang daya mo naman.. ikaw nga love na love ko eh... "
"ngayon, marami na akong natutunan.. isa dun ang magmahal ng isang babae lamang..."
"eto sanang song na 'to, makarating sa kanya.. kay sparkle. gusto ko sana malaman niya na siya lang ang babaeng pinapangarap ko..."
"I love you so much Sparkle"
"hinde nila alam.. joke lang yun.. basta wala pang makakaalam.. ang gusto ko kasi yung unang makakaalam na siya si sparkle, yung mismong si sparkle na tinutukoy ko..."
"don't worry.. ikaw naman unang makakaalam nun.."
"kay sparkle lang naman ako natotorpe eh.."
all this time, pinagseselosan ko ang sarili ko. Ako pala siya. Ako pala yung taong gusto kong maging :')
"you're still the same beautiful Kamilla Nicole Ramirez.."
"matagal naman na akong naghihintay sayo eh"
"you're light stands out among the others.. tama.. you have those sparkling eyes and those sparkling smiles.. I wish you can hear everything.. natotorpe na kasi ako sayo...you've change me.. a lot..."
"kung bagay naman tayo.. bakit.."
"bakit hindi na lang natin totohanin??"
"bakit magiging problema ang Juliet kung ako naman si Romeo?"
"syempre.. bestfriend mo ako eh.. hindi kita pababayaan.."
akala ko hanggang bestfriends na lang. pwede din palang higitan yon :)
"nag-aalala na kasi si Lorenz kay Kamilla.. hindi kaya ni Lorenz na mawala si Kamilla.."
"hindi daw kasi kumpleto ang buhay ni Lorenz kung walang Kamilla eh.."
"bakit naman daw tanong ni Lorenz?! eh mahal na mahal nga daw ni Lorenz si Kamilla eh?!"
"eh di sila na?!"
"sana pala ako na lang si Lorenz tapos ikaw na lang si Kamilla.."
"sorry kung hindi ko napigilan yung sarili ko..."
"tae ka talaga Nicz.. alam mo namang hindi ko kaya na nalayo ka sakin eh.. bakit mo pa ako pinapahirapan.. tae ka talaga.."
hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang space mo dito.." sabay turo sa puso niya o_0
"naranasan mo na bang magmahal ng tanga?"
"yung bang magtitiis ka para lang sa kanya.."
"yung ibibigay mo lahat sa kanya basta masaya siya.."
"yung kakayanin ang lahat ng sakit para sa kanya.."
"tapos ang turing lang pala sayo.."
"tropa.."
"textmate.."
"at"
"bestfriend.."
"ikaw ang gusto ko.."
Kamilla<3lorenz
ganun pala yon. ako pala. mahal niya pala ako :)
"speechless ka no?! sana nga dati pa niya inamin!" sana dati pa nga. engot kasi siya eh! amp
"haaaay grabe :)"
"mahal mo rin siya diba?"
"sobra :)"
parang may hang-over pa rin sakin ang lahat. as in, parang uh! :)) di ko na lubos maexplain yung kasiyahan ko :">
after mga 5 seconds, ewan ko na lang kung magugulat ka. bigla na lang dumating si LA...
"may practice tayo lika na" haaaaay :">
supwe like!
ReplyDeleteomaygaaaaad