Monday, December 21, 2009

` Chapter 3

[ Nicz's POV ]

akyat daw ng ligaw eh. sus, asa naman siya. HAHA.
"si ate may kasamang boy kanina!!!!" patay ako. nakita ni Nico!!
"friend lang yun.. ano ka ba?!"
"eh ano yung narinig ko na aakyat ng ligaw?!!"
patay nga ako.
"joke lang yun.."
"paano mo ba yun nakilala anak??"
hay nako. grabe naman yung
mga tanong nila.parang nasa hot seat ako eh. nakakaintriga! HAHA
"nakilala ko po siya sa national bookstore.. siya po yung dahilan kung bakit ko nabili yung hunger games.."
"oh talaga?! siguraduhin mong di ka sasaktan nun ah!"
"eh hindi naman yun nanliligaw eh.."
"siguraduhin mo lang... mukhang playboy eh.."
well. halata ko naman na playboy talaga siya. so kahit na ligawan niya ako, hindi ako bibigay. syempre, alam ko na yung tunay na kulay niya eh!! naglalaro lang siya ng mga babae. in short, masama ugali niya. tama naman ako di ba?!

pumunta ako dun sa kwarto ko. haaaay :))
pero in fairness, ang gwapo nga talaga ni LA. no wonder na marami nga talaga siyang nagiging girlfriend at napapasagot pero mali siya. dapat hindi niya pinaglalaruan ang mga babae. dapat stick to one siya. di ba?! tama naman ako?! pero kanina nung inihahatid niya ako, medyo natutuwa rin ako na kasama siya. tsaka yung pagtetext niya sa akin at pagtatawag. aba, nasisiyahan nga talaga ako dun. ewan ko kung bakit. may something sa kanya na parang naatract na rin ako. awww. pero hindi pwede. he's just playing a little game. ayoko ng makipaglaro sa kanya. baka kasi sa huli, mainlove ako sa kanya tapos masaktan ako. eh di ako yung talo. ayoko ng ganon noh?!
tiningnan ko yung cellphone ko. aba, himala wala man lag kahit isang text message o missed call galing kay LA. siguro, nakikipag date na 'to sa iba niyang babae. haaaay :)
ang sarap niyang pagtawanan. nakakatawa siya. pwede ko pala siyang paglaruan. HAHA. kinabukasan, pumunta ulit ako sa SM. nagiging tambayan ko na SM eh. HAHA. nagikot-ikot muna ako dun sa national bookstore. tiningnan ko yung cellphone ko. aba, may text na galing kay LA. himala, buti naman may oras pa siya para magtext.

From: LA
pst :) sunduin kta sa SM

hala, paano niya nalaman na nasa SM ako?! aba, stalker ko ata 'to eh!


To: LA
panu mo nlmn n nsa SM ako?

From: LA
tinitingnan lang kita oh..


tumingin naman ako sa paligid ko. lumabas ako dun sa national bookstore. nakita ko naman siya, nakaupo dun sa mga pabilog na upuan. nakangite siya sa akin sabay kaway sa akin. hala, ayoko na dito. baka bumigay na ako.

















tss. asa namang mangyari yun?! HAHA

lumapit ako sa kanya at tinabihan siya.
"bakit ka andito??"
"syempre para mabantayan ka..."
"ha?!"
"di ba sabi ko sayo liligawan na kita..."
"loko ka rin noh?!"
seryoso ba 'to?! bakit kasi siya binigyan ng mukha na mukhang masaya?! yan tuloy, hindi ko malaman kung seryoso ba siya o hinde?!
"seryoso ako... please give me a chance..." putek!! grabe, mukha siyang seryoso. pero hindi dapat ako bumigay. paglalaruan lang ako niyan. hala, wag lang niya ako sabihan ng...
















"I really love you... maniwala ka sa akin.." waaaa. nasabi niya na?!

please. alalayan niyo na ako. baka bumigay na ako eh.


"promise.. I will never make you cry"

patayin niyo na siya Lord bago ako bumigay,


"Give me a chance Nicz... in love na ako sayo.."

waaa. di ko na kaya. tumayo agad ako at umalis. siya na ang bahala kung susunod pa ba siya sa akin o hinde?! sumakay ako sa jeep. pagtingin ko nga, di nga sumunod. aba, halata ngang manloloko. di ba dapat susundan niya ako. tss. playboy nga. pero may mali pa rin siya. di pa rin siya perpektong playboy. wala pala siya eh. oh ano?! wala.. talo! HAHA. ang galing ko talaga.

syempre, umuwi na ako ng bahay. pumasok agad ako ng kwarto. oh di ba wala man lang text message at missed call galing sa kanya. paano ako maniniwala na may gusto nga talaga siya sa akin?! ayoko ngang magmukhang tanga sa kanya.

natulog na ako mga 8 pm palang. syempre, beauty rest. HAHA. nagulat na lang ako mga bandang 12 midnight na nun, ginising ako ni Ate Niobe.umuulan pa nun.
"Oi.. paalisin mo na manliligaw mo.. nagwawala na sa labas.. umuulan pa naman oh.. nakakaawa.."

ha?! nasisiraan na ba siya?!

"WATDAHEL?!" bumangon agad ako at lumabas ng kwarto. tama nga si Ate Niobe, si LA nasa labas. nagpapaulan.





"Nicz!! please naman oh?! bigyan mo ako ng chance!! hindi ako aalis dito hanggat hindi ko naririnig galing sayo na binabasted mo na nga talaga ako!!! pag binasted mo ako, promise di na kita gagambalain pa.. gagawin ko yun kahit masakit!!"
tss. halata namang palabas lang ang lahat. parang tanga tong si LA eh! lumabas naman na agad ako.







"o yan.. binabasted na kita kaya umalis ka na.. wag ka na ulit babalik dito.. ayaw ko ng makita ka ulit..."
tumayo si LA sa harapan ko.
"seryoso ka??"
"oo naman.. dali.. umalis ka na.."


pumasok na ulit ako sa bahay.
"aalis na yun.." sumilip si Ate Niobe sa bintana.
"hindi pa siya naalis Nicz.."

WATDAHEL?! hanggang kelan ba siya dito?!!

"Nicz!! di ko pala kaya.. please wag mo na ako bastedin.. di ko na kaya na hindi ka makita.. mamimiss lang kita.. promise Nicz.. mahal talaga kita!!!"
lumabas ulit ako. kailangan paalisin ang peste





























"hindi kita mahal at never kitang mamahalin kaya umalis ka na!!" kinacareer ko naman ang pagiging bida sa palabas niya 'to. HAHA. dun lang siya tumayo at umalis. at last, wala ng gulo. syempre, tiningnan ko muna siya, baka di yun umuwi eh at magstay sa harapan ng bahay namin eh. pero bakit ganun?! parang siyang malungkot?! hay nako. sus . pumasok na ako sa loob.
"wala na yun..."
"buti naman.. grabe ah... mukhang natamaan talaga sayo..."
"hinde yun.."
pero sa totoo lang malungkot siya kanina.
















aww. nasaktan ko ba siya?? hala, feeling ko ang sama sama ko na ngayon. haaaay :((

































pero duh?! hindi ako magpapaloko sa kanya noh?! asa namang maging malungkot siya. ang daming babae diyan oh?! HAHA

No comments:

Post a Comment