Wednesday, January 6, 2010

` Chapter 42

[ LA's POV ]

hindi ko alam kung bakit siya naiyak. ayaw ko na naiyak siya di ba?! tsk. ano na naman ba ang problema neto?! kinakabahan na ako. kung ano man yung problema niya, sana ako na lang yung andyan para saluhin lahat ng worries niya. haaaay :)
hinawakan ko na rin yung buhok ni Nicz. grabe, ang lambot. nakakainlove. tsk. sana kahit na wala ako sa puso niya, nasa panaginip niya pa rin ako.

[ Nicz's POV ]

unti-unti kong minulat ang mga mata ko. grabe, ang liwanag na. asan ba ako?! nasa heaven na ba ako?! tsk. umupo ako sa kama na hinihigaan ko. teka. parang familiar sakin yung kwartong 'to ah. parang bang nanggaling na ako dito.. 0_o

eto nga ata..

taeee. ayaw kong malaman na eto nga yun..

sana panaginip lang 'to lahat. imposible na nasa bahay ako ni LA ngayon..

waaa. anong nangyayare sa mundo?!

eto yung guest room sa bahay ni LA. taeeee. paano ako napapunta dito?! nakakumot pa ako. tapos may medicines at pagkaen sa gilid ng kama ko. taeee. ano ba 'to?! sure na talaga ako na nasa bahay ako ni LA. tsk.

tsaka may pasok kami ngayon ah. tsaka halloween party namin kahapon. tsaka may masama akong ginawa kay LA nun. nakakahiya kung andito pa ako sa bahay nila LA. tsk. ang malas ko talaga. badtrip.

tinanggal ko yung kumot sa katawan ko. and wtf?! bakit ganito yung suot ko?! isang t-shirt na malaki. definitely not my size at yung napaka-ikli kong cycling shorts. WATDAHEL?! parang akong ewan.tsaka feeling ko ang ayos ayos ng pakiramdam ko ngayon. taeeee. parang wala akong maalala. ang tanging naalala ko lang yung kawalanghiyaan ni Isabella. tsk. from now on, Isabella is a bad word na. ooops! nagsabi ako ng badword?! HAHA

ngayon, ano ang plano ko?! tsk. napabuntong hininga na lang ako. kailangan kong pagsamasamahin ang mga thiniking powers ko. tsk. dudugo na naman ang utak ko neto. tsk. taeeee.

tumayo na ako mula sa kama ko. nag-ayus ng kaunti. taeee. grabe. parang akong na-rape na ewan. kasi naman yung suot ko. parang nakulangan ang tela. basta. ang ewan. tsk. bago pa man ako lumabas ng kwarto, huminga muna ako ng napakalalim... yung tipong eto na yung last breath ko. tsk. parang bang pagnakita ko ulit si LA, mamatay na ako. tsk. grabe. kinakabahan tuloy ako. parang na akong nababangag. tsk. dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

at dahil dyan..

unti-unti ko ring nakita ang isang Lorenz Austin Dominguez na naka sando at shorts na as in kuhang-kuha ang hubog ng katawan niya. taeeee. natutunaw ako. ang seksiiiiii :)) taee. ano baaaa~?! baka himatayin ako dito eh.. halos hindi ako makagalaw?! tsk. wtf?!

"gising ka na pala.." taeee. pagsasalita niya pa lang, kinakabahan na ako. bumibilis ang pagtibok ng puso ko?! "ayus na ba ang pakiramdam mo?"

taeeeee. hindi pa rin ako makarecover. minsan ko lang siyang nakita na as in sobrang "pa-show off"?! tsk. ang taeeee ko?!!! waaa.

"Nicz.. ayus ka na ba?"

taeee. parang akong nasa fantasy world kanina. and at last, nakarating na rin ako sa reality. tsk. grabe ah?!

"ha?" grabe. bakit yan ang suot ko?! ang adik ko?! tsk. "i mean ayus na ako.. " taeee. nakakahiya ako.

"gutom ka na ba?" taeee. hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. ano baaa~?! nakakailang kaya?!

"ha?" eto na naman ako?! walang matinong masagot?! taeeee?!

"alam ko ng gutom ka kaya lika na.." nakangite niyang sinabi sakin. taeee. ang cute na ewan. nakakatunaw na ewan. basta. EWAN!!

tumango na lang ako tapos pumunta kami dun sa dining area. may nakahain ng fried rice tapos may eggs. grabe ah?! linuto niya kaya para sakin 'to?! actually may dalawa pang plato. ibig sabihin kakain pa siya. eh parang 10 a.m. na.. hindi pa pala siya nakain ng breakfast.. tsk.

sabay kaming umupo dun sa upuan. ang galing noh?! sabay kami.! HAHA. dahan-dahan kong kinain yung pagkaen ko. nahihiya kasi ako. ano baaa~?! si LA 'tong nasa harapan ko oh?! parang nga ang laki ng kasalanan ko sa kanya eh?! naiines ako sa sarili ko. tsk. badtrip.

"ngayon ka lang ba kakaen?" dahil nakakabinge na ang sobrang katahimikan, binasag ko na ito gamit ang maganda kong boses. HAHA.
"ahh.. oo.. hinihintay pa kasi kita.." taeee. nakokonsensiya ako?! anong gagawin ko?! nata-touch ako na ewan?!

"talaga?" kailangan ko pang mag-isip ng kung anu-ano para magkausap pa rin kami?! "yung nangyare nga pala kahapon.. sorry.."

tama na siguro ang sorry ko.. tsk. haaaay :((

"alam mo nagtampo talaga ako sayo.." tampo? hindi ka ba nasaktan? "wala akong space sa puso mo samantalang ikaw ang wide dito oh.." sabay turo sa puso niya. "best friend pa naman kita tapos hindi mo pala ako love as best friend?"

best friend? akala ko.. 0_o
naguguluhan na ako ah?! ano ba talaga?!

"ibig sabihin ba nun hindi mo na ako best friend? na parang wala lang ako sayo?"
"ha? hindi .. bestfriend pa rin kita.."

taeee. ang pangit isipin na. bestfriend pa rin LANG kita..


"talaga lang ha?"
hay nako. bestfriend lang naman kasi eh. tsk.
"oo.. i love you best friend.." pwede bang tanggalin yung best friend? tsk

napangite siya dun na parang ewan. haaay :))
ang cute eh. best friend lang naman pala yung ibig sabihin nun. best friend LANG pala. taeee. i hate the word "lang"!. argh! nakakabadtrip!? aasa na sana ako na mahal niya na talaga ako eh. best friend lang pala yun. tsaka bakit nga ba ako magiisip na mamahalin niya ako?! eh masyado namang halata na best friend lang niya talaga ako. tsk. hanep?! lupet?! adik?!

"oo nga pala.."
may kinuha siyang something mula sa pocket niya. ano naman yun?! linapag niya yung mga pictures namin na naghahalikan na lukot-lukot na sa table. taeee. paano siya nakakuha ng ganyan?! "sino nagbigay sayo neto?"

"ha?"
ano ba ang dapat i-reply?

"pictures natin 'to.. hawak mo 'to nung dinala ka namin ni kuya dito.."
halos durugin ko na nga pala ang mga pesteng pictures na yan. tsk. nakakaines?! "san mo 'to nakuha?"

tsk. sasabihin ko ba? taeeee. nagdadalawang isip ako. baka sabihin niya sinisiraan ko lang ang sparkle niya na si Isabella. tsk. hay nako! nagsabi ulit ako ng bad word. HAHA. ang bad koooo~! :)) hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. tsk.

"eto ba yung dahilan kung bakit mo ako linalayuan?" ha? anu daw?! teka, paano niya nalaman?! napalaki yung mata ko nun ah?!
pero hindi pa rin ako sumagot. "si Isabella ba ang nagbigay neto?" whoa! galing naman niya?! alam niya ba o sadyang hula lang?! tsk. galing ng lalaking 'to oh?! tumango na lang ako sa kanya. speechless ako na ewan pero hindi ako naiiyak. :)

"peste talaga yung babaeng ipakta na yun?!" anu daw?!
"ha?" reflex action na para sakin ang pagsabi ng "ha?" pag nabibigla ako sa mga sinasabi ng isang tao. di ba nakakabigla naman talaga na sabihan mo ng peste at ipakta ang pinakamamahal mo. 0_o ang weird talaga ni LA...

"pagsasabihan ko nga yun.."
"ha?"
reflex action ko na naman. tama bang pagsabihan ang sparkle niya? 0_o

"hay nako! puro ka ha?!" nakakabigla naman kasi yung mga kaweridohan niyang sinasabi eh?!
"wag mo na kasi gawin yun.. pabayaan mo na yun.." ay. ang bait ko naman pero dapat lang yun. baka kasi ako pa yung magiging dahilan ng pagkasira ng romantic relationship nila. tsk. haaaaay :(

tumayo na ako para ilagay yung pinggan ko sa lababo. sumunod na rin sakin si LA. iniwan lang namin yung mga pinggan sa lababo. huhugasan naman yan ng yaya nila eh. HAHA.

"may tanong ako sayo.." ano ba yan?! may ganyan pang suspense factor?! pwede namang tanungin agad ako. pumunta naman ako sa sala tapos sinundan niya pa rin ako. ay. parang buntot lang eh?! HAHA.
"ano yun?" ano nga ba? 0_o

umupo ako dun sa sofa at kinuha yung remote para buksan yung tv. tumabi rin sakin si LA. ay. parang buntot nga. HAHA. napapangite ako eh.

"naranasan mo na bang magmahal ng tanga?" anung klaseng tanong yan?! 0_o
"ha?" reflex action! HAHA. palagi naman eh. pero sino nga bang matinong tao ang magtatanong ng walang kwentang tanong?! wala naman di ba?!

"yung bang magtitiis ka para lang sa kanya.." tumuloy pa rin siya kahit na ang tingin ko na sa kanya ay isang baliw na ewan. seriously, nagiging weird na talaga siya. si LA ba talaga 'to?! tiningnan ko na siya. grabe ah.
"yung ibibigay mo lahat sa kanya basta masaya siya.." ay. ang dramaaaaa. bakit ba?! tanga ba si sparkle?! tsk. siguro nga. tanga si Isabella eh. hmf! sana tanga rin pala ako. HAHA. hay nako. tsk.
"yung kakayanin ang lahat ng sakit para sa kanya.." tapos binabalewala ka lang? tsk. ang sama naman nun kung babalewalain ka lang?! tsk. kasi pwede bang ako na lang? hay nako.
"tapos ang turing lang pala sayo.." naghihintay na ako ng kung ano mang kaweirdohan ang sasabihin niya. interesting na kasi na ewan eh. yung tipong natatamaan ako na ewan. pero hindi naman talaga. magulo eh. tsk.
"tropa.." eh? tropa ba sila ni sparkle?
"textmate.." textmate sila? ohhh. ang dami ko ng nalalaman ah.

"at.." at? pa-suspense na naman oh?!



















"bestfriend.." ano daw?! 0_o. bestfriend ko si LA. tropa ko si LA. textmate ko si LA. eh? ako kaya yun?! taeeeee. ilusyonada ko talaga?! of course not??!! di ba?!

"hanep noh?" grabe. ang weird na talaga ni LA?!

"tanga na nga manhid pa.." who's numb? ako ba? siya? taeeeeee?! ano baaaaa~?! ang ilusyonada ko talaga.

"ang drama mo!" wala akong kwenta noh?! nagdrama na sakin eh?! tapos eto lang ang sagot ko?! HAHA. ano baaaa~?! no worries, be happy dapat. HAHA. anong connect?! tsk. nababaliw na aketch?! help me naaaa~

sumimangot naman sakin si LA. HAHA. naasar siguro. ang pikon eh?! :))
but after a split second (bilis noh?!)








hinawakan niya yung kamay ko..







and he put his left hand around my waist..








then pushes me closer to him...











masyadong mabilis ang pangyayari.. mahirap ng idescribe. tsk.










siguro alam niyo na yung nangyare..












he kissed me..













on my cheeks..
0_o

No comments:

Post a Comment