"hindi talaga pwede yung ganun LA"
bigla ko na lang pintaigil yung kotse. wala akong pakielam kung nasa gitna man kami ng kalsado oh ano. wala akong pakielam kung lahat ng mga driver dyan, magalit sakin. kung alam lang nila kung gaano na kasakit, maiintindihan nila ako.
"pwede yun. gagawin ko lahat para matupad yun lahat."
hinawakan niya yung pisngi ko.
"kahit anong pilit natin, wala na LA" umayus naman na siya ng pagkakaupo niya. nakita ko na napapaluha siya pero ginagawa niya yung best niya para hindi pumatak yung luha niya. "kasi LA, paano kung wala na ako bukas? paano na kung next week, pagkagising mo, burado na ako sa mundo?"
"okay lang. masaya na ako kahit na tatlong segundo lang kita makakasama sa buhay ko"
natahimik lang kami. hindi na kasi namin alam kung anong gagawin eh. dun na nga lang namin napansin na galit na galit na samin yung mga driver ng kotse na nasa likod lang namin. kaya stinart ko na rin yung kotse at nagdrive na kaagad.
hindi na kami nakapagsalita pareho. masyado ngang tahimik. may mga oras na gusto kong basagin yung katahimikan. gusto ko siyang asarin o lokohin pero parang hindi ko na magawa.
inihatid ko siya sa bahay nila ng mga 9pm. sobrang late na no. hindi na nga kami nakapaghapunan. kumaen ako sa bahay nila para sabayan si Nicz. medyo naguusap na kami nun. siguro kanina, sobrang nadala lang kami ng lungkot. grabe kasi yung mga pangyayare eh. ang saklap :(
lumipas ang mga araw. madalas na nasuka si Nicz. nagiging madalas na rin ang pagkasakit ng ulo niya at paghina niya. napipilitan ako na umalalay sa kanya. halos isang buwan din siyang ganun.
nagaundergo na rin siya ng chemotherapy. parang hindi na nga rin siya napasok eh. ako naman kapag after classes, nadalaw sa kanya. naikwento ko na rin sa tropa yung problema ni Nicz ngayon. napaiyak pa nga sila eh. lalo na si Kat at Rachel na parang best friends na niya.
dumadalaw sila kay Nicz paminsan-minsa. grabe nga eh, hinang-hina yung katawan ni Nicz. medyo napapansin na nga yung pagnipis ng buhok niya eh. nakakaawa yung mama niya, ate niya at si Nico. parang araw-araw naiyak sila. siguro, doble nung sakit na nararanasan ko ngayon, yung nararanasan nila. grabe no.
natupad na nga rin yung ikatlong pangarap niya eh. yung sunset at sunrise. minsan na rin kasi akong nagover night dito sa ospital para bantayan siya. oh diba? ganun ko kasi talaga siya kamahal. pinaupo ko pa siya nun sa wheelchair at nagelevator kami papunta ng rooftop. dun namin pinanuod yung sunrise.
halong joy at sadness yung nararamdaman ko nun. masaya ako kasi napapangiti siya kahit papaano. malungkot kasi hindi ko kakayanin na mawala pa siya. kaya nga sana, wag pa ngayon :'(. please lang, wag pa ngayon.
at syempre, gumising pa talaga ako ng 5:30 a.m kinabukasan para lang ipakita sa kanya ang sunrise :) pinagplanuhan ko talaga yun. sinearch ko pa nga sa internet yung saktong paglitaw ng araw eh. dapat kasi perfect. kasi para sa kanya yun
sa totoo lang, isang pangarap na lang ang natitira. yung pagtataguyod ng pamilya. gusto ko siyang pakasalan. pero paano diba? kung pwede lang namin baguhin yung age namin. gagawin ko eh.
nasa labas ako ng kwarto ngayon ni Nicz. nakaupo kami dito ni EJ sa may waiting area.
"oh pre, anu bang plano mo dun sa huling pangarap ni Nicz?"
"ewan ko nga eh..."
"ang hina mo naman pre! kung magpropose ka na kaya sakanya"
"'tol ang bata pa namin para magpakasal!"
"siguro hindi naman na iniisip ni Nicz yung tunay na kasalan eh. kahit na kasalan lang as kunware. pwede niyo yan ganapin dun sa chapel sa baba. tapos yang sing-sing ng mommy mo yung ibigay mo sakanya. ikaw naman LA. isip ka naman kahit papaano."
napangite agad ako dun sa plano ni EJ. hindi ko alam pero malay mo pwede din yun diba? hindi man totoo pero sige, hayaan na lang. basta alam ko naman sa sarili ko na siya talaga yung mahal ko.
"oh ano LA? gagawin mo na ba?"
"eh kelan ko ba pwedeng gawin yun?"
"hindi mo ba gusto ngayon!?"
grabe parang hanggang ngayon torpe pa rin ako?! kamusta naman yun diba?! tumayo naman na ako. syempre, inayus ko yung sarili ko para at least naman magmukha akong tao sa harap ni Nicz. huminga muna ako ng malalim bago pumasok nung kwarto niya.
nung nakita ko siya, napapaluha ako kasi halatang mahina siya eh. masyado ring mabilisan 'tong gagawin ko eh.
lumapit ako sa kanya.
"Hi Nicz" ngumite ako sakanya sabay kiss sa noo niya.
"sweet mo ngayon ha" halatang hirap siyang magsalita nun. grabe :'(
"masama na bang maging sweet ngayon?"
ngumite na lang siya sakin. ang cute niya pa rin kahit na ganyan. haaaaay.
"ay oo nga pala. muntik ko ng makalimutan oh!" hinawakan ko yung kamay niya. tapos pinakita ko sa kanya yung ring. halatang may gulat sa expression ng mukha niya. ako naman, naluluha sa sobrang tuwa. at last, kahit na kunwarian lang 'to, mapapakasalan ko siya.
"will you marry me?"
napaiyak talaga siya nun. tapos pinilit niyang umupo para yakapin lang ako.
"oh ano? wala ka pang sagot?"
"oo. yes. matagal ko ng gustong gawin yun"
hindi naman talaga magarbo yung plinano nila Nathan na kasalan para samin. dun lang naman kasi sa chapel sa ibaba nung hospital. nakaupo pa nga sa wheelchair nun si Nicz tapos nakasimpleng dress lang siya. sobrang ganda niya
kinakabahan nga ako eh. feeling ko, matutunaw na ako.
dun lang kami sa harap nung altar. samantalang sila Kat, nakaupo. kumbaga, witness daw. andun nga si kuya eh. pati yung mama ni Nicz, andun rin.
lumuhod ako sa harap ni Nicz. garalgal pa yung boses ko nung sinabi ko na..
"will you be mine forever? will you love me forever? till death do us part."
ngumiti siya sakin sabay sabi ng "yes, I do"
yinakap ko lang siya nun. malamng andyan yung mama niya eh. pero yinakap ko siya ng mahigpit. akalain mo yun, I had a wife. I had her.
many months had passed pagkatapos nun. nakagraduate na nga kaming lahat, syempre except si Nicz, ng highschool eh. linalabanan pa rin niya hanggang nun yung cancer niya pero 2 months after nung graduation namin...
kinuha Niya na rin siya :(
No comments:
Post a Comment