Saturday, December 26, 2009

` Chapter 25

[ Nicz's POV ]

ano daw?! ako si Juliet?! si LA si Romeo?! anong kaguluhan 'to?! pwede bang mag-backout?! kinakabahan kasi ako eh. dahil sa shocking revelation na yun, parang umikot ng mabilis yung mundong ginagalawan ko. basta ang tanging alam ko lang, I will play the part as Juliet then practice will start on September 4 which is next week. magiging hectic pala schedule ko. after classes palagi ang practice. grabe, nakakabadtrip naman oh?! pwede namang si Kat at si EJ na lang di ba?! sana tumigil na ang planet Earth sa pag-ikot. para hindi na pumatak sa September 4 ang mga araw. ayoko talaga ng ganito?! "Romeo and Juliet" is all about star-crossed lovers di ba?! ibig sabihin unlucky lovers. yung bang lovers sila pero pangit ang ending. ibig sabihin their love story is doomed from the start. sa totoo naman talaga, pangit talaga yung ending. akala ni Romeo namatay si Juliet kaya naman nagpakamatay si Romeo. nung nakita ni Juliet na patay na si Romeo, nagpakamatay na rin siya. di ba?! star crossed lovers nga. pero at least, naging meaningful ang life nila because at least they spent it with each other. pero sa sarili kong pananaw, mali ang pagpapakamatay ni Romeo or ni Juliet. mali talaga. kung nabasa niyo na or napanood niyo na ang Message in a bottle na sinulat ni Nicholas Sparks, maiintindihan niyo 'to. si Garret which is yung bidang lalake, namatay yung wife niya. pero hindi rin siya nagpakamatay. kahit na hindi siya nagpakamatay, hindi ibig sabihin nun hindi niya mahal si Catherine, yung wife niya. pero ang ibig sabihin nun, tanggap niya ang nangyare sa asawa niya. lahat naman kasi may dahilan eh. pero dahil namatay si Catherine, he met Theresa. her second true love. hindi mo rin naman aakalain eh, is it possible for a person to find true love twice in a lifetime? It is made possible by Garret and Theresa. hay nako. kwento ako ng kwento dito. gusto ko kasing patagalin eh. ayokong dumating ang araw ng practice. pero dahil hindi natin mapipigilan ang panahon. doom's day came to my life...

~September 4

after classes na nun, first day of practice na rin. kasama ang iba kong mga kaibigan sa characters. Rachel plays the part of "Rosaline", siya yung character whom Romeo is in love befor meeting Juliet. sabi nila, dapat si Isabella yan eh. kaso nga lang wala siya eh. Nathan plays the part naman as "Paris", the one who wishes to marry Juliet. EJ plays the part of "Mercutio" , who is a friend of Romeo. tapos yung iba, nasa backstage tulad ni Kat. siya daw ang bahala sa sound system eh.

start na ng practice namin. SCENE I.
nagkakahiyaan pa kami ni LA nun eh. kasi naman napakatindi ng role namin as the protagonist di ba?! napaka-passionate ng storya 'to noh?! punong puno to ng scenes which expresses love and passion eh?! kaya ko ba yun?!

"let's start our practice.. SCENE I" kina-carrer na ni Kyler ang pagiging stage director. bongga di ba?! kenkoy yan pag kausap mo pero ngayon sa practice, iba siya. serious eh. HAHA. hindi ko akalain may hilig pala siya sa mga films at theater.


may narrator muna, dindescribe ang star-crossed lovers. habang nagsasalita si Christine (yung narrator), kinakabahan na kasi ako eh.
then, prinactice na rin yung street brawl ni between Montagues and Capulets. punong-puno siya ng pagsasalita. yung iba hawak pa yung script nila.hindi pa memorize eh. tsaka eto yung scene na inencourage na ni Montague si Romeo na kalimutan si Rosaline. If Romeo was LA and Rosaline was Isabella, hay nako. go ako dyan?! kalimutan mo na siya Romeo?! HAHA. kay Juliet ka na lang. sa totoo lang, halos 45 minutes dapat ang Scene 1. pinaikle lang ni Kyler ng 20 minutes. ang galing din niya noh?!

( if you want to listen to the Act 1 of Romeo and Juliet 45 minutes version click here )

1 hour rin naming rinehearse yung scene na yun. sa totoo lang, hindi pala kami. yung ibang characters lang. si LA lang yung andun. kabadong-kabado nga eh. pagkatapos ng practice nila, umuwi na rin kami. anong ginawa ko dun?! tumunganga. nakakaines naman oh?! magkasabay na kami ni LA na umuwi. dahil traffic nun, hindi kami sumakay ng jeep. naglakad lang kami. HAHA. kasi naman eh parang hindi na nagalaw yung mga kotse.

"nakakapagod naman yung paulit-ulitin ka ng mga linya.. ang dami pang imememorize.. nakakaines.."
"oo nga eh.. ang hirap naman kasi maging main character dito.."
"pero ang alam mo ang ganda talaga ng play na 'to.. promise.. kaso nga lang kasi yung ending eh.."
"ang saklap nga eh.. ayoko ng ganun na ending eh.."
"oo nga eh.. nakakalungkot.."
"isipin mo yun.. namatay sila pareho.."
"oo nga eh.. pero at least masaya parin sila.."

after mga 20 minutes of walking, nakadating na kami dun sa bahay ko.

"sige.. hanggang dito na lang ako.. babye na.."

tumango na lang ako. bubuksan ko na sana yung gate namin ng bigla na lang hinawakan ni LA yung kamay ko ng mahigpit.

napatingin na lang ako sa kanya. may nafe-feel ako na parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi ko alam. naguguluhan lang talaga ako. nagkatitigan kami. matagal na pagtitinginan. yung tipong mga mata lang namin ang nagkakaintindihan. yung ganun. mahirap i-explain. there is something about his eyes who screams love. tsk. pwede ba yun?! imposible. badtrip. tsk.

lumapit siya sakin. hawak pa rin niya yung kamay ko. parang yung ginawa rin sakin ni Nathan nun. yung sa garden.

unti-unti siyang lumalapit sakin. yung tipong yung katawan namin magkadikit na and his face was so close to mine. hindi ako sanay sa mga ganito. ayoko naman talaga ng mga physical contact na ganito eh. kung hindi ko lang talaga siya best friend o kung hindi ko talaga siya mahal, kanina ko pa siya sinipa papunta Pluto.
and now, he slowly touches my nape. yung tipong hahalikan niya ako.

sumosobra na 'tong physical contact na 'to ah?! pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan siya. parang may something sa loob ko and napaka-dominant neto na nagsasabi na "gusto ko rin"

linalapit niya pa rin yung mukha niya sa mukha ko. hindi lang pala yung mukha niya. i mean his lips sa lips ko. i was sure nun na may intensiyon na siyang halikan ako. pero ewan ko ba, hindi ko siya mapigilan. It felt like I was frozen.

hindi ako makagalaw. then he stops. hindi na siya nalapit sakin. pero nasa position pa rin kami. yung malapit yung mukha namin sa isa't isa. he gently lets go of me. dahan-dahan lang. hindi biglaan.

nagtinginan ulit kami. grabe, nahihiya ako. nahihiya rin siya.

"I'm so sorry.."
"what's that for?"

inalis niya na yung kamay niya sakin. huminga muna siya ng malalim bago sagutin yung tanong ko.

"akala ko kaya kitang halikan.. hindi pala.. kasi di ba maraming ganung scenes sa Romeo and Juliet.. paano ko naman magagawang halikan ka di ba?!"

yun yung dahilan?!

"tsk.. you're out of your mind.. umuwi ka na nga.."

pumasok agad ako sa bahay namin at nag wave goodbye sa kanya. pumasok na rin ako sa bahay nung hindi ko na rin siya matanaw. kumaen na rin ako ng dinner. kahit magisa lang ako. tulog na kasi si Nico at Ate Niobe. si mama naman, nanunuod ng tv. HAHA.

hindi ko pa rin malimutan yung nangyari kanina. sa sobrang closeness namin kanina, parang bawat paghinga niya ramdam na ramdam ko. grabe, nakakatense.

pagkatapos ko kumaen, pumasok na ako sa kwarto ko. grabe, hindi ako makatulog. haaay :))
























hay nako Romeo.. kalimutan mo na lang kasi si Rosaline.. andito na nga yung maganda eh.. Ako na lang kasi

No comments:

Post a Comment