Saturday, December 26, 2009

` Chapter 24

[ LA's POV ]

nanibago ako kahapon, hindi ko kasabay umuwi si Nicz tapos late pa siya ng makauwi sa bahay nila. naligo na ako at nagsuot ng uniform. nagmamadali akong umalis para dumaan lang sa bahay ni Nicz. gusto ko kasi sana ngayon na makasabay na siya sa pagpasok sa school. miss ko na eh! HAHA.
kumatok ako sa gate nila Nicz, tapos ang lumabas si Ate Niobe.
"Ate Niobe, andyan ba si Nicz?"
"si Nicz? maaga siyang umalis eh.. may gagawin pa daw siya.."
ano daw?! may gagawin daw si Nicz?! paniba
gong pauso na naman ba yan?! HAHA.
"ay ganun.. sige.. salamat na lang.. alis na ako.."
"sige.. ingat.."

umalis na ako nun at sumakay ng jeep. after mga 5 minutes, nakadating na rin ako sa gate ng school namin. naninibago lang ako, sobrang aga talaga ni Nicz. tsaka kung may importante siyang gagawin, di ba dapat sasabihin niya sakin yun para sabay kam
i. pwede naman akong gumising ng maaga para sa kanya eh.
Nakita ko si Nicz nakatambay dun sa may bleachers. wala pa siyang kasama. ganito nga yung itsura niya eh. pero hindi siya yan. HAHA. mukha talaga siyang bored.



kung may importante daw siyang gagawin, bakit hindi niya ginagawa ngayon!? ano bang problema niyan?! ang gulo niya ah. lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. nagulat nga siya sakin eh.
"andito ka pala?!"
"bakit ang aga mo?"
"wala lang.. gusto ko kasi sana na maging mag-isa lang eh.."
"bakit naman? may problema ka ba?"
"wala naman eh.."
parang may problema siya. nararamdaman ko lang. pero baka naman wala talaga. baka pagod lang siya o masama ang pakiramdam niya.
"bakit nga ba late kang umuwi kahapon?"
"nagvolunteer kasi akong cleaner eh.."
"di ba hanggang 6:30 lang yun.. bakit naman inabot ka ng 8 pm?!"
"kasi..."
napatigil siya pero tinuloy pa rin niya. "nagusap pa kami ni Nathan kagabi sa may garden.."
ano daw?! nagusap daw sila ni Nathan?! nagulat ako dun ah. pero ayokong ipahalata sa kanya. cool lang LA. kaya mo yan. tsk.
"anung pinag-usapan niyo?"
"basta nagkwentuhan lang kami.."
"may iba pa ba siyang sinabi??"
"uhmm.. meron.."
"ano yun??"
curious lang naman ako sa pinagusapan nila eh. baka kung anong ginawa ni Nathan sa sparkle ko. tsk.tiningnan niya ako. bakit ba ganun?! hindi ko maintindihan kung ano yung mga sinasabi ng mga mata niya. huminga muna siya ng malalim bago magsalita...














"sabi niya.. mahal niya daw ako.."
he's making the first move na nga. patay na. mauunahan niya na ata ako dito. parang tumigil yung mundo ko nung sinabi niya yun eh. parang kinabahan ako bigla na baka mapunta na talaga si Nicz kay Nathan. tsk. sakto naman, nagdatingan na sila Ethan, EJ, Kat, pampam, Nathan at Kyler. sa totoo lang, hindi naman sila sabay-sabay eh. ang magkasabay lang syempre si EJ at Kat. pero yung iba, sunod-sunod na lang. tahimik pa rin si Nicz nung tiningnan ko ulit siya. ano bang problema niyan?! parang ang daming gumugulo sa isipan niya.
"aga niyo ngayon ah?!"
"oo nga!? ano yan?! bagong pakulo?!"

napalingon si Kat sa kanan niya. syempre ako lumingon na rin. may nakita kaming 2nd year student na nagbebenta ng newspaper. hindi lang basta basta newspaper. school's newspaper.

"yun ang bagong pakulo?!"
"oo nga?! kelan pa nagkameron ng school newspaper dito?!"
"pakana talaga yan ng mga 2nd year students.. sila lang naman yung nagdadagdag ng kung ano-ano sa school natin dito eh.."
"tsk.. sayang lang sa pera.."
"teka.. kukuha ako ng kopya.."

tumakbo si Rachel dun sa lalakeng 2nd year student para manghinge ng kopya. take note: manghinge. hindi bumile?! binigyan siya ng kopya nung 2nd year. panu ba naman?! ginamitan ni pampam ng charm niya. ang cute rin niya kasi eh. tapos maamo ang boses at mukha. kaya naman hindi hindi ka talaga makakatanggi sa kanya. HAHA. ayus rin noh?!
tumakbo ulit si Rachel samin.
"ayan na.. libre na lang daw sakin.."
"ginamitan ng charm?! na-kyutan siguro sayo.. haha"

napatingin si Nicz bigla kay Nathan. iba yung expression niya. magulo. tsk. hindi kaya may gusto na siya kay Nathan at nagseselos siya dahil sinabihan ni Nathan si Rachel na cute?! haaay nako naman. badtrip na oh?! kinuha ni Kat yung newspaper.

HEADLINES

"Everybody's asking about LA's Sparkle..
who is Sparkle?"

"wow.. LA.. headline ka oh?! inaalam kung sino si Sparkle?!"
"badtrip talaga mga second year na yan oh?!"

nakasulat lang naman dun yung tungkol sa nangyare nung acquaintance party namin kung san halos lahat ng estudyante naintriga kung sino si Sparkle. tsk naman oh?!
inopen niya pa ulit yung newspaper. dun sa 2nd page, aba may nakasulat ba naman na Top 3 loveteams of the week. anong klaseng pakulo yun aba?! putek yun ah?! mga 2nd year na ugok na naman ang may pakulo neto!? kelan ka pa nakakita ng may top 3 loveteams sa isang matinong eskwelahan. mga loko eh. tiningnan namin yung list syempre.

Top 3 Loveteams

1. Lorenz Austin Dominguez and Kamilla Nicole Ramirez
2. Evan Jake Sanchez and Kathlyn Santos
3. Emman Borromeo and Kristine Villegas

oi aba!?! anung klaseng kaguluhan ito?! kaming dalawa ni Nicz.?! mga chismis nga naman talaga?! mga lokong 2nd year talaga na yan?! paano naman nila na-judge yan?! porket ba madalas kaming magkasama umuwi at sa pagpasok, magiging loveteam na kami. walanjo naman oh?! ayus pa si EJ at si Kat eh. sila naman talaga eh. yung nasa pang 3rd place, 3rd year highschool ata yun. mag-MU yun eh. kami naman ni Nicz, parang wala lang eh.bestfriends lang naman di ba?! badtrip naman talaga oh?!

"wow.. LA at Nicz?! bagay nga kayo?!"
"ha?! ano ba namang kaweirdohan ng school's newspaper na yan?!"
"pero pwedeng pagdiskitahan 'to ng mga estudyante.. nakakatuwa rin naman kasi eh.. may ganito pang mga nalalaman ang school natin.."
"hindi ko nga akalain papayag ang principal natin dito eh.. puro kalokohan lang naman eh.."

nung nag-ring yung bell, wala naman kaming choice kung di pumunta sa classroom namin di ba?! kinakabahan pa rin ako sa mga kinikilos ni Nicz. ang tahimik niya ngayon eh. haaaay . sana nababasa ko na lang yung isip niya para mas naiintindihan ko siya. para maging isang good friend ako sa kanya. kahit na hanggang friends lang, ayus na yun eh. pero kasi parang hindi niya ako gaano pinapansin. she's so near yet so far. ganyan ang nararamdaman ko sa kanya.

hindi ako masyado nakinig sa teacher namin. ang dami-dami kasing napasok sa ulo ko eh. nakakairita na nga eh. pagkatapos ng lunch namin, pinapunta kami ng teacher namin sa Gym. lahat ng 4th year students andun. siguro, paguusapan na yung tungkol sa stage presentation. tsk. eto na ang nakakabadtrip eh. syempre, ang magle-lead samin yung 4th year representative namin.

"Oi.. mga tao.." galing din noh?! dapat kasi english. since walang teacher, pwedeng mag-tagalog. HAHA. pasaway eh.
"may naisip na kaming play sa stage presentation... It's one of William Shakespeare's famous play: Romeo and Juliet.."

wow. at last medyo maganda naman na ito. kesa naman yung Cinderella na ubod ng pangbata di ba?! nakakabadtrip din yun eh?!

"and napagbotohan na rin namin yung magiging characters.."

yan na yun eh. yung magiging characters. yung kinakatakutan ko. tsk

"we'll start with the main characters.." nagsimula na siyang mag-english. may dumating na teacher eh. HAHA.

here it goes, first si Juliet..

"Kamilla Nicole Ramirez will play the part as Juliet.."

"ANO DAW?!"
"Nicole.. due to public demand, you will play as Juliet..."

ano pa nga ba ang magagawa ni Nicz's dun?! kahit naman ako dati.. wala ng nagawa eh.

here it goes ulit, si Romeo naman..

"Lorenz Austin Dominguez will play the part as Romeo.."

















"ANO DAW?!"
then everybody went wild.

No comments:

Post a Comment