[ LA's POV ]
naiinlove na ba ulit ako kay Isabella?! ewan ko ah. hindi dapat ganito. may Nicz na ako. malapit na ako sa kanya. mas sure ako sa sarili ko na mas gusto ko si Nicz kesa kay Isabella. takteng buhay naman 'to oh?!
tinigil ko yung kotse ko sa isang parking lot ng isang building.
"bakit dito? di ba dapat sa savory restaurant?"
"kailangan kasi natin mag-usap ng masinsinan.."
eto na nga yung judgment day para sakin. hindi pala judgment day as yung mamatay ako. pero yung judgment day na kung sino ang pipiliin ko. si Nicz ba or si Isabella?
kung iaanalyze niyo ang situation namin ngayon, pag si Isabella ang pipiliin ko, instant panalo na agad ako kasi gusto niya rin ako. i mean mas madali kaming magkakameron ng relasyon.parang bang sa basketball, wala ng championship. wala ng finals. kasi panalo na agad ako. yung ganun ba. parang ako lang yung player.
pero kung si Nicz ang pipiliin ko, andyan si Nathan. tsaka hindi ko rin alam kung ano ba ako sa kanya. kung best friend lang ba o more than best friends. ang gulo nu?! tsk. tapos malay mo may gusto pala siya kay Nathan. eh di ako ang talo. sa totoo lang, parang bang 90% ang chance manalo ni Nathan tapos ako 10% lang.
kung ako kayo, saan kayo lalagay?
si Isabella, 100% ang chance ko pero hindi ko mahal or kay Nicz na 10% lang ang chance ko pero mahal na mahal ko??
tae. ano ba 'tong buhay na 'to?! akala ko ba eh maganda ang buhay ko?! ang tae naman pala.
"bakit? hindi ka ba naniniwala na mahal pa rin kita hanggang ngayon?"
ewan ko. i mean. bakit ako maniniwala sa kanya?! nung kami pa, palagi niya ako sinasabihan ng "i love you" pero may iba pa pala siyang sinasabihan ng ganun. so maniniwala pa ba ako?! tiningnan ko na lang siya. tae. hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh..
"kung nangangamba ka pa rin na niloloko pa rin kita, please.. kelan mo pa ba kakalimutan yung past?? anu ba naman yan LA?! taon na ang nakalipas.. hindi ka pa rin ba nakakamove on?!"
tae. bakit ba hindi ako makapagsalita? oh siya, siya na lang kasi muna ang magsalita. ako ng bahala sa huli. para naman malaman ko na talaga kung ano ang gagawin ko. o kung sino ang pipiliin ko.
"LA.. 2 months lang kami ni Garret.."
tae. si Garret. yung G*gong yun na nanlandi ng girlfriend ko. tae talaga. siya lang naman yung pinalit sakin nung Isabella. sa totoo lang, taga iba siyang school. tae yun. linandi kasi niya si Isabella. hindi ko naman alam na ang girlfriend ko rin pala ay nagpapalande. tae. bagay lang sila.
"LA.. nagsisi ako na mas pinili ko si Garret.. promise.. kung hindi ko siya pinili hindi sana ako pupunta sa Europe.. tayo pa sana ngayon pero wala na yung lahat.."
tiningnan ko lang siya. gusto ko siya muna ang magsalita ng magsalita. at ako makikinig ng makikinig.
"LA...please.. kalimutan mo na yun lahat.. mahal kita.. and i know deep inside ng puso mo, may natitira pang pagmamahal sakin..."
tae. ang kapal ng mukha ng babaeng 'to. kung bakla lang ako, kanina ko pa siya sinabunutan. tae naman oh?!
"please.. nagsisi talaga ako.. ikaw kasi talaga yung mahal ko eh.. nabulag lang talaga ako kay Garret .. promise.. hindi ko naman talaga sinasadya na saktan ka eh.."
tae. anung hindi sinasadya?! g*go. sinsadya yun. ang tae ah.
"please.. together let's move on.."
hinawakan niya yung kamay ko. ngayon, wala na akong nararamdaman. unlike kanina, na parang may spark pa ng kaunti. ngayon, parang lang siyang hangin.
"together let's forget our past.. let's start over.. yung masaya tayo.. yung nagde-date pa tayo.. yung naglalambingan pa tayo.. namimiss ko yung mga times na masaya tayo.."
tae, hindi naman ako sa kanya naging masaya nun. sinong nagsabi sa kanya na masaya kami nun,!? tae. isang beses lang ata kaming nagdate. siya palagi yung hindi nasipot sa date namin. tapos malalaman mo lang, nakikipagdate pala siya dun sa Garret niyang loko. tae ah.
"please..start ulit tayo.. as tayo.. as yung magboyfriend o maggirlfriend.."
tae. bakit parang siya yung nanliligaw?! loko.
"please.. start courting me now.. ligawan mo na ako.."
tae. ang kapal nga ng mukha neto?! ligawan ko daw siya!? 0_o
"kelan mo ba gustong sagutin kita? ngayon na? sa 23? sa Christmas.. tell me.."
dun lang siya tumahimik. tae. ang dami pang sinabi. ang loko eh. now it's my turn to speak.
"tapos ka na bang magsalita?"
kabahan na kayo ngayon. may desisiyon na ako.
"LA.. gusto ko lang sana sabihin sayo na may chance pa tayo para kalimutan ang past natin.."
tae. may pahabol pa eh!?
"gusto mong kalimutan ang past natin?"
"yeah.. everything.. to be able to start over.."
bakit ba bawat sagot niya may explanation?! tae.
"then sure.. kakalimutan ko na yun.."
nakita ko siyang ngumite.yung ngiteng nabuhayan ng loob. enlightened na yung mukha niya. yung tipong parang nanalo ng lotto.
"then how do we start?"
tae. sumatsat agad eh?! may sasabihin pa ako!?
"teka.. hindi pa tayo tapos.."
"huh?!"
eto na yun... tae. suspense. HAHA
"gusto mong kalimutan ko ang past natin di ba?"
tinitigan niya ako. as if she's waiting for my next statement...
"oh sure.. sabi mo eh.. kaya naman kakalimutan na rin kita.." sabay labas ng kotse niya.
Wednesday, December 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment