Thursday, December 24, 2009

` Chapter 18

[LA'sPOV ]

ang saya ko. yinayaya ko si Nicz na matulog sa bahay namin. HAHA.wii. sana bumagyo sa friday para yayakapin niya ulit ako tulad ng dati. HAHA.

~Friday

super excited na talaga ako mamayang dismissal. pano ba naman, sabay kaming uuwi ni Nicz. i mean uuwi sa bahay ko tapos dun siya matutulog. di ba nakakatuwa niya yun?! finally some time alone together with sparkle. HAHA.

dahil july na ngayon, hinahanda kami ng teachers namin para sa exam namin sa august. alam ko masyadong maaga, pero ewan ko ba sa tinatakbo ng mga utak ng mga teachers namin. masyadong focus sa education at academics ng mga estudyante nila. kaya naman ngayun, halos dumugo na ang utak namin sa mga surprise quizzes at seatworks. tapos puro lessons. tsk. pero ayus lang.may kapalit naman yun lahat eh. makakasama ko si Nicz. dahil super excited na ako, ifafast-forward na natin ang mga pangyayari sa pinaka importanteng oras sa buhay ko. HAHA.

"Oi.. di ba sabay tayo umuwi??"
"oo.. sige.. daan muna tayo sa bahay.. kukunin ko mga gamit ko.."
"sure..lika na kaya.." syempre, pinagmamadali ko na siya. baka kasi umextra pa sina Nathan at pigilan kami. aba, ayaw ko ng ganun?! matagal-tagal ko na rin'tong inaasam.
"bakit ka ba nagmamadali?!" tsk. bawal ko naman sabihin sa kanya na dahil excited ako. tsk. baka masira pa friendship namin. ako ang hari ng mga pasulot. for sure, makakaisip din ako ng magandang palusot.tumingin naman ako sa langit. aba, medyo dumidilim na ah. sumasabay na yata sakin ang panahon ah . thank you bro.!

"nadilim na kaya oh?! baka abutin pa tayo ng ulan... tsaka wag ka na dumaan sa bahay niyo.. ang bagal mo kayang kumilos.. ayokong pinaghihintay ako?!"
"aba.. demanding ka ah?!.. aba, dun na lang ako sa bahay tutulog kung ganun ka lang naman.." waepek palusot ko. tsk. dapat hindi mapigilan ang pagtulog niya sa bahay ko!!
"o siya sorry na.. dalian mo na lang kasi.. dami pang satsat eh.." rinoll naman niya yung magagandang niyang mata. tsk. cute oh?!HAHA.

syempre, sumakay kami sa motor ko. HAHA. pero bago yun,napapansin ko naman na parang ayaw niyang sumakay. nailing-iling pa siya. ang cute nga eh. HAHA

"oh?! ano problema mo?! sakay na.. dali.."
"sure ka?? pwede naman kasing mag jeep di ba??" halatang natatakot siya oh?!HAHA.
"hay nako..wag ka na matakot..ayos lang yan..ako bahala sayo..di kita pababayaan.. "
"oh sige na nga..pasalamat ka may tiwala na ako sayo.."
"salamat!! haha"
"pilosopo ka talaga!! tara na nga.."

syempre, dahil pasaway kami, driving without license na, wala pang helmet. san ka pa?! HAHA. eh di samin na.HAHA. nalabas kapilosopahan ko ah?!
dahil traffic, naisipan kong sumingit sa gilid. syempre, gusto ko ng magmadali di ba?! excited na ako eh. binilisan ko naman yung takbo at hinarurot ko yung motor. nagulat na lang ako. napayakap sakin si Nicz.

"ui.. bagalan mo naman.." halatang takot siya oh?!
"bakit pa kailangang bagalan? gusto mo bang maulanan tayo??"
"nakakatakot kaya.."

"bakit mo pa kailangang matakot kung andito naman ako??"

tsk. hindi ko na hinintay yung sagot niya. tsk. di ba sabi naman niya may tiwala siya sakin. kaya naman wag na siya matakot, andito naman ako palagi para sa kanya eh. kung pwede nga lang patagalin ang moment na 'to, sana kanina ko pa hiniling kay Lord, na pansamantalang itigil niya muna ang oras. syempre, binilisan ko yung takbo ng motor ko. lalo namang napayakap sakin si Nicz. as in yung sobrang higpit. haaay :))
ang sarap ng feeling ng ganito. nung nasa harap na kami ng bahay ko. aba, nakakakapit parin sakin?! tsk. i wish to stay like this forever pero hindi pwede.

"wala ka bang balak humiwalay sakin?? napasarap yata ang pagyakap mo ah?! haha.."

agad agad naman siyang humiwalay sakin. HAHA

"hindi ah.. ang yabang mo .. nako.. bahala ka na nga dyan.. uuwi na nga lang ako.."
"eto naman oh?! nagtatampo ka agad..."hinila ko agad siya. baka makawala pa eh. binitbit ko yung gamit niya. syempre, gentleman yata ako. first time. HAHA. pumasok na kami ng bahay, nakita ko si kuya, nasa sala. nanunuod ng tv.

"oh?!kuya.. dito na kami.." tumingin si kuya sa akin at tumingin rin ng matagal kay Nicz. siguro, nagandahan 'to?! nako, wag naman sana. kundi magkakarambulan kami dito. tsk.
"yan ba yung sinasabi mo na ipapakilala mo samin??"
"ha?! kuya.. hindi.. basta.. next time na lang natin pagusapan yun.. basta tuturo ko muna sa kanya yung kwarto niya for the night.."
"oh?! basta ikaw na bahala sa bisita mo ah.."

hinila ko si Nicz papunta dun sa extra room namin. HAHA.

"o yan.. dito ka muna..."
"nga pala.. sino yung tinutukoy ng kuya mo?? si sparkle na naman noh?!"
"oo.. bakit?!selos ka?!"
"hinde!! naiines naman kasi ako sayo.. hindi ko pa rin kilala si sparkle mo?!"
"makikilala mo rin yun.."

lumabas agad ako ng kwarto. baka kasi kulitin niya pa ako kung sino si sparkle eh. siya naman yun. tsk. HAHA.

~11 p.m.
super gabi na pala. tapos umuulan na rin. tsaka kumukulog ng malakas. teka,ano kayang nangyayari kay Nicz?!. hmmm.. matutulog na sana ako. medyo napapaidlip na ako eh. nung bigla na lang nagulat ako ng may bumukas sa pinto ng kwarto ko.pagtingin ko naman si Nicz. may hawak siyang unan. tapos pawis na pawis siya. yung tipo bang takot na takot siya at super kabado. tsk.

*kulog*
bigla naman niyang sinarado yung pintuan at biglang tumakbo sa kama ko. muntik na nga niya akong mahulog sa kama eh.

"oh?! ang laki laki muna.. takot ka pa rin..."
"kasalanan ko pa ba yun?! oh siya pasensiya?!"

*kulog ulit*
ngayon naman, napayakap na siya sakin.oh yeah, i love my life.ako na talaga ang pinakaswerteng lalake sa mundo. HAHA.

"wag ka na please umangal.. payakap lang..please lang.. sandali lang.."

tsk. ano bang iniisip neto?! bakit ganito?! nahuhulog na ata ako. tsk.

*kulog ulit*
ngayon, yinakap niya na ako ng napaka higpit. kaya naman yinakap ko na rin siya. HAHA.

*kulog ulit*
sa sobrang gulat niya, naitulak niya ako. kaya naman sabay kaming nahulog sa sahig. tsk. ang sakit ng pwet ko! lagot 'to sakin bukas. pero ok na rin. matutuwa ako. kasi, ngayon lang naging..


















super lapit ng mukha ko sa kanya. yung tipong magkikiss na kami. kulog pa dali. pls. isa na lang po.please. hanggat hindi pa siya nakakatayo. i love my life.

No comments:

Post a Comment