[ LA's POV ]
late na rin ako nakagising. paano ba naman?! pinuyat ako ni Nicz. pagmulat ko naman ng mga mata ko, nagulat na lang ako. ang lapit ng mukha niya sakin. yes naman oh?! ang swerte ko talaga. i love my life. nice one LA.. natutuwa ako.
nagulat naman ako ng medyo nagigising na 'tong si sparkle. HAHA. grabe, ang cute parang bata.
"good morning.." nung narinig niya yung boses ko, bigla niyang minulat yung mga mata niya tapos biglang napaupo. anong problema nun?!
"anong problema mo?! parang kang nakakita ng multo eh..."
"ang lapit mo kaya.." nahihiya pa siya nung sinabi niya sakin.
"so?? ang arte mo naman.. wala naman akong gagawin sayo.. kay sparkle pwede pa!! haha" siya naman yun eh.
"hay nako.. sparkle na naman.. tumayo ka na nga dyan?!" ano ba talagang problema neto?! pag naririnig niya si sparkle, parang nag-iiba mood niya. nagiinit dugo niya pag naririneg niya yun.
agad siyang tumayo sa kama. pagbukas niya ng pinto, nagulat na lang siya pati rin pala ako, kasi si kuya nakatayo sa may pintuan namin.
"oh?! anong ginagawa mo dito?!" lagot na naman ako kay kuya. pesteng buhay 'to oh?!
"wala.. wala po.." umalis agad siya. medyo iniiwasan na niya si kuya kasi baka may sabihin pa si kuya sa kanya na ka-abnormalan eh. parang alam na agad niya ang ugali ni kuya.
pumasokna si kuya sa kwarto ko at sinarado yung pinto. siguro, magtatanong-tanong na naman 'to. chismoso ba naman kasi
"oi.. ikaw.. Lorenz.. bakit naandito sa kwarto mo yung bisita mo??"
"wala yun kuya.. ano ka ba?!"
"magsabi ka nga ng totoo.. anong nangyare dito na hindi ko alam?!"
"natulog lang naman dito yun eh tapos wala na.."
"natulog?! ibig sabihin may nangyari sa inyo??!!" nalabas na naman ang wild imagination ni kuya. hay nako. tsk.
"ano ba naman yan kuya?! best friend ko yun?! walang namamagitan samin.. nagtabi lang naman kami matulog eh.."
"nagtabi matulog?! hindi pwede sakin yung mga ganyan.. diretsuhin mo nga ako.. may nangyari ba talaga?!!"
"wala nga kuya.. nakita mo naman di ba.. may damit ako.. may damit siya so walang nangyare.. yun na yun.."
"eh bakit dito siya natulog?!"
"basta kuya... basta walang nangyare?!!"
"sigurado ka ba?! kilala kita Lorenz!! hindi ikaw yung tipong lalaki na walang pagnanasa sa babae?!"
"ang OA mo naman kuya.. nagbago na ako.."
"anong nakaen mo at nagbago ka?!"
"wala akong nakaen kuya.. pero may nakilala ako.."
"sino??"
biglang pumasok si Nicz sa kwarto.
"siya oh?!!!"
tumingin kami pareho ni kuya kay Nicz. halatang nagulat si Nicz eh. hindi niya kasi alam yung pinaguusapan namin ni kuya eh.
"ha?! anong ako?!"
"sinabi ko lang kay kuya na ikaw yung kasama ko sa SM mamaya.."
"SM??" eto naman si kuya. hindi na lang makisakay. tingingnan ko naman siya at kinindatan siya. yung tipong sumisenyas na makisakay sakin.
"aahh..oo... nga..ikaw yung kasama niya sa SM.. anong oras ba kayo aalis.. pwede naman kasi ngayon na eh?!" sa wakas, may nagagawa ng kabutihan si kuya sakin. HAHA.
"maligo ka na Nicz.. dalian mo.."
"oo na.." lumabas ulit si Nicz sa kwarto at pumunta dun sa banyo para maligo.
"may gusto ka dun noh?!"
"ha?!"
"dont worry.. hindi ko sasabihin sa kanya tsaka approve siya sakin..nice pick ah!!"
umalis na rin si kuya. nang-iintriga na naman eh. nung umalis na siya, naligo na rin ako sa banyo ng kwarto . may sarili kasing banyo yung kwarto ko eh. di ko naman na siguro, dapat ikwento dito kung pano ako maligo di ba?! HAHA.
pagkatapos ng mga 30 minutes ng aking preparation para sa aming "bestfriend's date",bumababana rin ako at pumunta sa sala para hintayin si Nicz habang nagprepare siya. ang tagal naman niya?! bakit ba ganon ang mga babae, ang babagal kumilos?! HAHA.
after mga 10 minutes, at last bumababa na siya galing sa kwarto niya. nagulat na lang ako sa suot niya. halos matulala ako sa kanya at malaglag na ang puso ko at panga ko sa sobrang gulat. kasi ba naman, ang suot niya simpleng t-shirt lang at shorts pero ang lakas parin ng dating niya. ang cute niyang tingnan.
"oh?! bakit ka pa nakatunganga dyan?! " tumayo naman ako kaagad at tiningnan pa siya.
"oh sige lika na.." nagmamadali ako syempre. excited eh. "kuya alis na kami ah!!"
hindi na sumagot si kuya.silence means yes ika nga. HAHA. umalis na kami kaagad ng bahay namin.
"oi.. pwede ba dumaan muna tayo sa bahay?? ichecheck ko lang saglit.."
"sige na.. basta dalian mo ah.."
dahil mabilis kami maglakad. nakarating na kami kaagad sa bahay ni Nicz. pumasok siya dun sa bahay niya. medyo nagtagal siya dun pero hindi naman talaga matagal. HAHA. paglabas niya, may dala siyang body bag. ang cute niya oh?! patakbo na nga siya nun kasi sumisigaw na ako na bilisan niya.
then suddenly...
Friday, December 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment