Monday, December 28, 2009

` Chapter 30

[ Nicz's POV ]

birthday ni LA bukas?! hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip kung ano ang dapat iregalo sa kanya. tsk. pwede namang simpleng cap na lang pero gusto ko sana something special. napaka-common naman kasi yung cap eh. pero teka, bakit ko pa siya reregaluhan?! natural birthday niya eh at mahal mo siya, di ba Nicz?! tsk. nakakalimutan mo na ba yun?! tongeks ka talaga Nicz.
tuluyan na nga ata akong nasisiraan dito dahil sa kakaisip ng pesteng regalo. pero ano nga ba ang gusto niya?! hindi ko alam. grabe, naturingnan pa man din akong isa sa mga best friends niya, ni birthday niya hindi ko alam. aww. wala talaga akong kwenta. panu na lang kung naging kami, tapos hindi ko alam yung birthday niya.
pero bakit ko nga ba naiisip na magiging kami?! as if naman di ba?! tama ako? TAMA.
tumungo muna ako para makapag-isip ng malalim. kaya ko 'to! makakapagisip na rin ako. dapat special talaga 'to. hmmm. something special? isip. think. think. think?!
tapos dapat something memorable?! tsk. ano nga ba?!
tapos dapat something to remember talaga?! tsk. mahirap magisip ah. may atraso sakin si LA. nadudugo ang ulo ko sa kakaisip at napupuyat ang mga mata ko?! hmf!
tapos dapat may kaugnayan sa aming friendship?! or pwede ring isang bagay na makakapag-paalala sa kanya kung paano kami nagkakilala?!
teka. nailaw na ata ang napunding bumbilya sa tuktok ng ulo ko. I KNEW IT?! tama na nga ang bibigay ko sa kanya. syempre, secret pa para sa inyo yun. gusto ko si LA ang unang makakaalam. HAHA. syempre, para naman sa kanya yun eh. at last, nakaisip na din. super excited ako para bukas. ewan ko kung bakit. i mean ano kaya ang magiging reaksyon ni LA sa regalo ko sa kanya. siguro, mata-touch talaga siya. HAHA. hindi na naman ako makapaghintay oh?! HAHA

~October 17

ayun?! birthday na ni LA?! dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko. syempre, babatiin ko siya. ang aga ko kayang magising. 6:30 am pa lang oh?! dapat tulog pa ako neto eh?! HAHA.

To: LA <3
Oi. happy bday. ily

pinalitan ko na rin yung pangalan niya sa contacts ko. di ba dati may "asungot" yan. dahil gusto ko na siya linagyan ko ng heart. HAHA. ang landing protagonist oh?! kung nagtataka kayo dun sa "ily". wala lang naman talaga yun eh. tsk naman oh.

From: LA <3
tnx. ily?

tsk. sabi ko na nga ba hindi niya alam ang ibig sabihin ng "ily" eh?! iba kasi yun. baka naman akala niya, "i love you" yun. hindi naman eh. pero infairness, ang aga niyang magising. excited kaya siya?! HAHA.

To: LA <3
oo.ily. bkt?

ang bilis niyang magreply. hanep ah?!

From: LA<3
ily pla ha. napaghahalataan na kita ah.

hay nako. nalaki na naman ang ulo neto?! feeling niya naman may gusto ako sa kanya. pero teka, may gusto nga ako sa kanya. kaso nga lang....
ano nga ba?? 0_o
ay basta!! ang kapal ng mukha niya?! hmf!

To: LA<3
ily as in ingat lagi you.

tama ang nababasa niyo ngayon!! ibig sabihin lang naman ng ily ay "ingat lagi you". HAHA. oh di ba bongga?!

From: LA<3
ows? crush mo ko no?

ang yabang nga. tsk. totoo pero ayoko na siyang sagutin. ayoko na siyang replyan. hindi ako unli. naka-immortal lang naman kasi ako eh. sayang lang sa kanya. hmf! nakakaines siya ah?! ang kapal ng mukha. hindi kaya nahahalata niya rin ako?! tsk
hindi pwede mangyari yun?! matutunaw ako pagnalaman niya?! tsk. ang hirap naman neto oh?!

syempre kumaen muna ako ng breakfast na hinanda pa ni Ate Niobe para sakin. HAHA. oh di ba bongga na ate ko ngayon?! HAHA. binalot ko na rin yung mystery gift ko para kay LA. HAHA. excited na talaga ako.

nanuod muna ako ng TV. maaga pa naman eh. sana bumilis na sa pagikot ang mundo at gawing 11 am na ang kasulukuyang oras
. excited na kasi talaga ako?! HAHA.

nung 10:00 am na, nagsimula na akong maligo at magayus ng aking sarili. simple lang ang suot ko. skinny jeans at t-shirt. HAHA. tapos syempre inayus ko yung buhok ko. gusto ko maayus ang lahat pag kaharap ko na my most beloved birthday boy?! HAHA.

bigla namang nag-text sakin si Kat..

From: Kat :)
oi.bilisan u.d2 n kmi oh!

grabe, ang bilis naman nila?! saktong 11 am pa lang eh, andun na sila. haaaay :))
pero ayus lang, at least maganda ako. HAHA. buti na lang at hindi traffic kungdi mababatukan ako ni Kat. HAHA. ang saya ng mood ko ngayon noh?! kahit na kagabi medyo kinabahan ako sa hindi nalalamang dahilan. pero ayus na yun. gusto ko ng kalimutan yun. basta gusto kong maging masaya ngayon?! after 5 minutes ng byahe, nakita ko sila EJ na nasa shakey's na. meron na ring table. may na-order na rin sila. buti na lang at wala akong gastos. libre ni Nathan eh?! shocks! si Rachel nga pala?! kasulukuyang magkatabi si Rachel at Nathan. yiiiiheee :))
ang saya naman nun. ang tinabihan ko lang si Kat.

"ang late mo ah?!"
"sorry naman.."

nag-ayus pa kasi ako eh. HAHA. syempre, special day eh?!

"pero late na rin si LA ah.." sabay tingin ni EJ sa relos niya.
"oo nga... bihira lang ma-late si LA.."
"oh?! talaga?!"

ganun ba talaga siya?! minsan lang pala siya malate?! another fact na naman tungkol kay LA?!! HAHA.

"oo nga.. nakakapanibago.. itext mo kaya siya EJ.. unli ka naman di ba?"
"oo nga.. text mo yun.. baka kung anong nangyare dun?"

kinuha ni EJ yung cellphone niya at nagtext.

To: pre LA
oi. asan k n? late n!

sending...


SENT!

ano ba naman yan?! kakadating ko lang. iba na kaagad yung atmosphere?! linagay ni EJ agad yung cellphone niya sa pocket niya. yung tipong, alam niya na late ang magiging reply ni LA sa kanya. pero hindi pa man nagiging plural ang minute, nagreply na agad si LA. bilis naman nun. mga 59 seconds pa lang ata ang nakakalipas nung nagtext siya?! inorasan!? HAHA. joke lang. imagination ko lang yan.

From: pre LA
sori tol.cant mit u p. bwi n lng ako.

tama ba 'tong nababasa ko?!

"guys.. hindi daw makakapunta si LA.."
"ano daw?! siya ang may birthday tapos hindi siya pupunta?!"
"bakit daw?!"

"teka.. itatanong ko lang.."

To: pre LA
bkt tol?

eto ba yung dahilan kung bakit ako kinabahan kagabi. tsk.

"ano ba naman yan si LA oh?!"

nahahalata kong nakatingin samin yung ibang customers sa
shakey's kasi naman parang nagpapanic na kami dito. isipin niyo nga, magcecelebrate kayo ng isang birthday tapos wala yung tao na may birthday?! putek naman yun?! sino ang kakantahan namin ng HAPPY BIRTHDAY?! sino ang papahiyain namin sa lahat ng customers sa shakey's?! seriously, yun yung plano namin. tratratuhin naming bata si LA. HAHA. bakit? trip lang namin. masaya kasi eh. tsaka sino na rin ang pagbibigyan ng mysterious gift ko?! wala naman si LA. tsk. badtrip naman oh?! nag-ayus ako ng bonggang bongga tapos wala pala siya. after mga 2 minutes, nagreply na si LA.

"ano daw sabi?"

From: pre LA
xplain q n lng 2m. hve fun n lng jan.
bwi n lng tlga aq ult. sori tol.

"bukas niya na lang daw ieexplain"
"baliw pala yang si LA eh.. grabe ah?!"

unti-unti namang nagdatingan yung mga inorder namin. grabe naman oh?! ang lungkot tuloy ng atmosphere namin. pero syempre kailangan ituloy di ba?! kahit wala yung birthday celebrant. sayang yung pera namin. i mean nila pala. tsk naman oh?! kinain namin siya habang nagkwekwentuhan tungkol kay LA. masaya kaming nagkwentuhan pero sa isipan ko mas masaya siguro kung andyan siya. ano ba kasi ang nangyare sa kanya kaya hindi siya nakapunta dun. for sure, importante talaga yun di ba?! dahil nasobrahan kami sa pagkwekwentuhan, bumagal ang aming pagkain. kaya naman 2pm na nung natapos kami. akalain niyo yung halos 2 hours kaming nalamon at nagkwentuhan?! hanep din noh?! HAHA.

"mag-tom's world na lang tayo.."

sa totoo lang, medyo nawawala na ako sa mood magenjoy. pano ba naman?! wala siya eh. mawawala talaga ako sa mood nun?!
tsk.

"pass muna ako dyan.. gusto ko na umuwi eh.."

sa totoo lang, hindi pa ako uuwi. gusto ko lang muna mapagisa. lagi naman ako ganito eh. pag may iniisip na pagkalalim-lalim, gusto ko parati na lang akong magisa. tsk.

"ihahatid na kita sa inyo.."
"ha? hindi.. wag na.. ako na lang.."

tiningnan ko ulit si Rachel. medyo malungkot na naman siya. grabe, feeling ko talaga wala akong kwentang kaibigan. grabe. tsk?!

"uuwi na rin naman ako eh.. sabay na tayo.."
"sige na nga.."

hindi na tuloy ako makakapag moment ng magisa. kasi naman eh. si Nathan naman kasi eh. tsk. >.<

"sure na kayong uuwi na kayo?"
"oo.. sige.. enjoy na muna kayo.."

then naglakad na papalayo sila EJ, Ethan, Kat and Rachel. tiningnan ko sa mata si Nathan.

"tara na.. uwi na tayo.."
"sure ka bang uuwi ka na kaagad?"
"ha?"
"sus.. parehas lang tayo.. gusto natin mapagisa.. uuwi na nga ba tayo?! eh 3pm pa lang eh.."

napatungo na lang ako. elibs ako sa kanya ah?! hindi ko lubos isipin na alam niya ang nararamdaman ko. haaay :)
sana katulad niya na lang si LA. tsk. yan tuloy. medyo nagaan na ang loob ko kay Nathan. i mean at least i knew merong tao na kaya akong intindihin. haaaay :)
bakit ba kasi akong pinanganak na swerte sa mundong ibabaw?! HAHA.

sumakay kami sa kotse niya.

"saan tayo pupunta?"
"saan ba gusto mo pumunta?"

san nga ba?

"basta malayo.."
"ngek.. sasakyan lang 'tong dala natin.. hindi kita madadala sa palawan.."

exaggerated?! HAHA.

"ano ka ba naman?! basta ikaw na bahala.."
"sige na nga.. promise ko sayo.. you will really enjoy my company.."

nginitian ko lang siya then he started driving. hindi ko alam kung saan niya ako dadalin, pero feeeling ko
























mas kampante ako sa kanya kesa kay LA...


No comments:

Post a Comment