Monday, December 28, 2009

` Chapter 32

[ Nicz's POV ]

after ilang minutes of driving and an hour of heavy traffic, tumigil kami ni Nathan sa manila bay. maganda talaga. mga malapit na ring mag 5 pm nun. so ibig sabihin malapit na rin ang sunset. ewan ko ba dyan kay Nathan, alam niya na agad kapag may iisipin ako o kung ano man. lumabas kami ng kotse niya. hindi na kami lumapit dun sa mismong bay. marami kasing tao eh. so andun lang kami katabi nung car niya. tinabihan naman ako ni Nathan. pero nakatayo lang kami tapos nakasandal dun sa kotse niya

"bakit dito?"
"wala lang.. relaxing eh.."

relaxing huh? pwede na rin. maganda kasi talaga yung view eh.nakakagaan ng loob. pero mas maganda sana kung si LA yung andito..

moment of silence..

wala akong masabi sa kanya. kampante ako sa kanya. pero kasi nahihiya pa rin naman ako magopen ng topic eh. kasi hindi naman talaga kami ganun ka-close..


"may gusto ka ba kay LA?" anu daw?

sa dami-dami ng tanong sa mundo. bakit yan pa?! sa dami dami ng topic sa mundo, bakit yan pa?!

napatungo na lang ako. hindi ko alam kung anong isasagot ko. naguguluhan ako. tinitigan ko muna si Nathan and sighed.


"alam mo.."
he was looking to my eyes. takte. natutunaw ako. eh?! bakit ganun?! WATDAHEL?! "kung ayaw mong sabihin ayus lang eh.. kaso nga lang kailangan mo ng isang tao na mapagsasabihan mo ng problema mo.."

tumingin muna ako sa kanya.. hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya...

"kaya nga andito ako eh.. ilabas mo yan then you'll feel brand new.. promise.."

ngumite siya sakin. syet! pamatay na ngite. tae naman oh?! napabuntong hininga na lang ako. nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang paglabasan siya ng lungkot at sama ng loob ko. i mean hindi deserving si Nathan para madamay sa problema ko or sa katangahan ko di ba!?


tumitig pa siya sakin. as if he's waiting for my answer. sasabihin ko ba?

"I don't know.."

the moment i said those words, bigla na lang akong napaluha. hindi ko alam kung bakit. hindi ko maintindihan. ang gulo. ang tae. syet!?

hinawakan naman ni Nathan yung kamay ko with his left hand then he put his right hand on my cheeks. tumitingin na naman siya sakin. tae. ano baaa~?! naiinlove ako eh. tsk. sinasabi ko lang ba yan dahil may sama ako ng loob kay LA?! tsk. nakakaines. ang hirap naman ng ganito oh?!

he gave me a serious look. naiilang na tuloy ako. i mean hindi ako makagalaw. parang bang nagslow motion na ang lahat ng nasa paligid namin.

"kaya mo bang kalimutan si LA?"

ewan ko kung anung mararamdaman ko sa sinabi niya. i mean, tanong ba yun. o pautos. na ewan. magulo. he's still looking at me. tae. parang matutunaw ako anytime. tae talaga?!

hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. tumungo na lang ulit ako. speechless.

pagkatungo ko, yinakap ako ng mahigpit ni Nathan. na-shock ako pero ayokong humiwalay. in someway, i felt protected. tae. ano baaaa~?! bakit ba ganito?! kabagot naman oh?!

mas yinakap pa niya ako. i mean hinigpotan pa niya lalo. hindi ko alam kung anong magiging response ko. hihiwalay ba ako or I will hug him back. tsk.

"bakit pa siya? kung andito naman ako.. alam ko nasasaktan ka ngayon.. kung ayaw mo masaktan.. ako ang piliin mo.."

I wanted to listen. gusto kong pakinggan yung sasabihin sakin ni Nathan. hindi ko alam kung bakit!? kasi naman eh.

"ramdam mo naman siguro kung gano kita kamahal di ba?! alam ko ramdam na ramdam mo yun.. and kung magiging tayo.. hinding hindi kita papaiyakin.. promise yun.."

sa yakap pa lang niya randam ko na agad. promise.
speechless pa rin ako. ano ba kasi ang dapat i-reply?! ang tae naman kasi eh.

"Now, will you give me a chance??"

kinakabahan ako. hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh.naguguluhan ako. parang napakamakasarili ko. hindi ko man lang ba naisip si Rachel.

ghad naman! baka mag-away kami?! tae. unti na nga lang ang kaibigan ko dito, mawawala pa siya. bakit kasi hindi ko sa kanya masabi na liniligawan na ako ni Nathan. ang tae. ang hirap ng ganito. grabe.

i started crying again. ewan ko. bakit ba ako umiiyak?!

humiwalay muna sakin si Nathan. tumingin na naman siya sa mga mata ko. tae. ano baaa~?! natutunaw na ulit ako.

"bakit ka ba umiiyak??"

ewan ko. hindi ko alam. tae. bakit nga ba?! dahil ba kay Rachel o kay LA?! putek. ang hirap ng ganito ah?! ano baaaa~?!

"si LA ba?"

tae naman oh?! siguro 60% dahil kay LA and 40% dahil kay Rachel. tumango na lang ako.

"walanjo naman yun.. kung palagi kang pinapaiyak ni LA.. wag na lang siya ang mahalin mo.."

tumingin sya ulit sakin. tae. natutunaw ulit ako. ano baaa~?!

"kung ako lang siya.. hindi ka na sana iiyak.."

ewan ko kung ano ang mararamdaman ko. pero that time, naiiyak pa lalo ako kasi nata-touch ako sa kanya. tae. ano ba yan?!

lumapit siya sakin and kissed me on my cheek sabay bulong sakin ng...























"kaya nga sana ako na lang siya.."

1 comment: